Ayaw ko na

334 10 18
                                    

Isang mahamog na umaga ang bumati sa aking nilalamig na mukha, hindi ko na kaya.Ngunit wag, sabi ng nanginginig kong labi. Hindi ako susuko sa mga taong pilit sinasabing hindi ko kaya. Hindi ako bababa rito hanggat hindi ko naipapamukha sa kanilang kaya ko. Na hindi ako kasing hina ng pinagsisigaw ng kanilang mga titig.  Na hindi ako tatayo dito hanggang walang nangyayari, hanggang walang nagbabago. Hanggang sa maniwala sila na kaya ko rin, na hindi ako iba sa kanila.

Bakit hindi na lang nila ako kilalanin, hindi ba nila naisip na ang mismong pag ngiti sa harap nila kahit ang totoo ay gusto mong sumigaw ng napakalakas, umaasa man lang na kahit sa pagsigaw mo mailalabas ang lahat ng iyong mga sama ng loob ay mas mahirap pa sa kung ano mang maisip nilang mahirap?. Ano man lang bang isipin nila na maaring mas mahirap pang pilitin mo ang sariling bumangon kahit sinasabi mong ayaw mo na at hindi mo alam kung kakayanin mo pa.

Kailan ba matatapos, ang pagiging mapang-husga ng tao? Hindi ba nila kayang tignan ang totoong pinapakita ng mga mata ko? Masakit, pero ano ba ang magagawa ng isang tulad kong wala? Kahit mag-pursige ka, wala. Kahit sumuko ka, wala pa rin.

Umaagos  na ng bukal ang aking mga mata, kung sa bagay, kailan ba ako hindi umiyak? Nang may sumigaw ng aking pangalan. “Deelyn!”.

Punas, bilis punas, bulyaw ng utak ko, makita ka nanaman nilang umiiyak, mapagtatawanan ka nanaman. Pag lingon ko, nakaramdam ako ng sakit sa bandang leeg ko. Ha! Estatwa na ata ako isip isip ko habang nagpapakawala ng malutong at sarakastikong tawa.

“Bakit?” tanong ko sa taong sumisigaw kanina.

“Wala kang silbi!” sabi niya.

“Alam ko” bulong ko na tinangay ng isa nanamang ihip ng malamig na hangin.

“Jowk lang! Halika na nga sa store, libre kita”.

Tumigil ang ihip ng hangin, nawala ang pagkaparalisa ng aking katawan. Sabi niya, joke? At libre kita? Ano? Totoo ba to? Muntikan nanaman akong maglabas ng bukal nang lumapit siya sa akin.

“Ang emo ah”. Grabe, parang hindi ito totoo. Ito ang Kaunaunahang pagkakataong  may nagsabi sakin ng ganyan. Joke. Nakalimutan ko na nga kung ano ang ibig sabihin niyon. Saktong ngingiti na ako ng may tumunog.

 “Kringgggg””Kringgg””Kringggg”

Malamig ang hangin, pinaparalisa ang buong katawan ko. Mahamog ang umaga, kitang kita ko mula sa sungaw ng binata. Ano ba yan. Panaginip lang pala. Puminta sa harap ko ang mga naghahabulang jeep at naglalakad na tao. Naupo ako. Panaginip lang iyon, sana nagkaroon man lang ako ng pagkakataong nakangiti. Hayyyyyy, buhay. Bumaluktot ako, saka bumangon. Bagong araw nanaman, aasa nanaman ako, mabibigo nanaman. Hayyyyyyy, Naglakad paalis sa masayang panaginip at dayon ng pag-iisa patungo sa mundo, kung saan ngingiti ka kahit nararamdaman mong iiyak ka na. Patungo sa mundo, sa totoong mundo, kung saan  kailangan mong bumangon, kahit napakahirap,

At kahit ayaw mo na.



La Douleur ExquiseWhere stories live. Discover now