[23] chuckie

374 13 6
                                    

CLnote: sorry for waiting, haha yan nalang parati ko sinasabi. Basta sorry talaga masyado lang busy ang lola niyo sa ojt niya. Sana maintindihan niyo ko huh? Alam niyo naman na mahal ko kayo di ba? hehe ey nga pala sana wag niyo kainisan ang bida natin, baka magtampo sa inyo si Chuckie, okay? At yun lang po thankyou sa lahat ng followers na dumagdag at pati nadin sa mga readers ng PIP :) ILY ALL.

___________________________________________________________________

[23] chuckie

I will always love her, YES I WILL, but i'll do this on my own way, i'll do this in such a way that eventhough i cannot show it up, at least i made her feel it.

Magulo ba? Siguro, magulo na nga ang lahat di ba? Pero hindi ko naman pinagsisisihan e, ginusto ko to, kakayanin ko. Leche, naging madrama na ako, hindi naman ako dating ganito di ba? Siguro nga ganyan talaga ang buhay, hindi naman laging masaya, minsan kailangan ko mag-give way kahit sa anumang bagay. Hindi na nakakapagtaka kung bakit meron sadness at happiness di ba? Ibig sabihin balance lang, alternate kasi hindi pwedeng palaging  masaya, at hindi rin pwedeng palaging malungkot. Damn! Para na kong bakla. Tss.!

Kanina sinabi ko yun kay Caily, pero after that hindi nako nagsalita, maging naman siya nagulat pa yata, siguro hindi niya inaasahan yun, cause i saw  a big question mark in her face when she heard that. 

Nagtatampo ako sa kanya, dahil yung about sa date yung sa anniv nila ni Taong Java, pero kung magtatampo siya sakin, hindi ko siya masisisi, ilang araw ko din siyang iniiwasan tama? Ang gulo no? Natotorete nako, daig ko pa ang namatayan ng aso, pusa o kahit alagang daga. Hay life!

"Hey Chuck chuck...." si Caily, kasama niya yung pinsan ko. They look good together, bagay sila. Ang kaso pakiramdam ko para lang silang aso't pusa, ano kayang gagawin ko para magkalapit sila? Alam ko kaya na ng pinsan ko to, pero iba kasi si Caily, ibang iba. Hindi siya katulad ng mga babaeng dine-date niya. Hindi siya katulad ng mga babaeng madali niyang nakukuha. At dahil sa pagiging iba niya, dun ako napamahal sa kanya.

"Magkasama pala kayo.." sabi ko lang pero sa loob loob ko, mahirap palang magselos, lalo pa't pinsan mo ang pinagseselosan mo, kaya lang kung paaandarin ko tong bagay na to, pano na ang mga plano ko? Ayst asar!

"Ahh oo asar kaya tong pinsan mo, ginugulo ako dun sa room ko! Tsk pero nagpromise siyang sasamahan niya ko para hanapin ka kaya heto.. no choice ako e, natatakot akong mag-isa, e yung mga bebe's ko kasi busy, tapos nageenjoy kay JC kaya ayun siya lang available kaya...."

"Ang dami mo namang sinatsat, e ang iksi lang naman ng sinabi ni Bro. Ang daldal mo naman, pasalamat ka maganda ka kung hindi..."

"Kung hindi ano? Ano huh? ihahagis mo ko dyan sa  dagat? Ano? Ano???"

Nakakatuwa lang silang panoorin, para silang couple na sweet sa paraang nagaaway sila, namiss ko tuloy yung times na ganun kami ni Cai cai.

"Oo bakit, halika ngaaaaaa!" 

Sya namang pagkagulat ko nung buhatin nya si Cai, yung buhat na parang bagong kasal sila...

"Ano ba Ralph! bitiwan moko pwede?? Hey Ralph ibaba mo nga ko!!!!! You! you! bitch heyyyyyyy!"

"Bro.." sabay wink niya sakin, dahil dun narelief naman ako kasi alam kong hindi naman niya ipapahamak si Caily. Yun nga lang.. Kung 20% lang ang selos ko kanina ngayon 90% na. Tsk!

"Hey Chuck chuck, pigilan mo nga tong walang hiyang pinsan mo!! Ano ba Ralph bitiwan mo ko!!!!"

"Cai okay lang yan..."

PAST IS PAST [o n - g o i n g]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon