Bakit ba pakiramdam ko unti unti na siyang lumalayo sakin?
Masakit para satin lahat na unti unting lumalayo satin ang taong mahal natin.
Ang taong nag bigay ng kakaibang saya sa atin.
Kaya sa simpleng hindi man lang niya pag bibigay ng sapat na oras para satin ay napakasakit na.
Yung tipong kahit mag kasama kami palagi nalang may "Emergency" na tawag na kailangan niyang agad pumunta dun sa kung sino man ang kausap niya.
Hindi ko naman siya magawang tanungin kung anong nangyayari at kung anong meron.
Kasi alam ko naman na sasabihin niya rin sakin kung anong nangyayari o kung ano man ang meron.
Tiwala.
Yun yung pinanghahawakan ko hanggang ngayon.
Tiwala, tiwala lang na lahat ng mga nangyayari ngayon, sasabihin din niya sakin ang dahilan balang araw.
Pero nang dahil sa tiwala na 'to, parang dinudurog yung puso ko.
Sa kakahintay sa kanya na mag sabi sakin, nararamdaman ko unti unti na siyang napapalayo sakin.
Ang sakit.
BINABASA MO ANG
Rainbow
Teen Fiction(Completed) "Mahal ko siya, pero bakit pakiramdam ko lumalayo na siya saken?" - Kayzel Cariño © 2013