PG-13
**
Kayzel's POV
Nakauwi ako sa bahay ng ligtas. Nasabi kong ligtas dahil kanina ko pa napapansin na parang may sumusunod sakin. Medyo natatakot na nga ako eh. Gusto kong tawagan si Kaiden, kaso dead bat na pala ako.
Paguwi ko sa bahay patay lahat ng ilaw. Wala pa sila mommy. Alam nilang anniversary namin ngayon, lagi kaming may handa. Pero bakit ngayon, parang pati sila mommy nakikisabay kay Kaiden?
Sakto naman na nag ring ang Landline namin at pagkasagot ko, si mommy pala. Sinasabi niyang hindi siya makakauwi ngayon. Gayun din daw si Daddy. Ang lungkot ng gabi ko. Parang gusto ko mag break down. Pero ayoko lang.
Umakyat ako sa kwarto at nagbihis tas humiga sa kama. Nung nakaramdam ako ng gutom ay nagluto na ko ng makakain sa kusina. Pagkatapos ko kumain ay nanuod na ko sa sala ng movie. Forever Alone ako.
Nacharge ko na pala ang cp ko. Pero wala siyang text. Sa sobrang pag iisipin ko. Hindi ko alam na nakatulog na ko. Pagkagising ko ay 11:45 na. Nakatulog ako sa sala ng bukas ang t.v. Ano bang nangyayari sakin? Feeling ko pagod na pagod ako.
Tumayo ako at nag toothbrush na at matulog na sa kama sa kwarto ko. Pero nagulat ako sa susunod nangyari.
Ang ingay sa labas. Parang may concert. Tapos, may nagsasalita.
"Ehem ehem. Hello, mic test mic test"
Ang boses na yun. Kilala ko kung sino yun. Sumilip ako sa pintuan at hindi nga ako nagkakamali. Si kaiden ang nasa labas. May stage sa harapan ng bahay. Siya lang mag-isa. Anong pakana to?
"Ahm, Hi babe! Hindi ko alam kung gising ka na o tulog ka pa. Pumasok kasi ako kanina dyan pero tulog ka"
Hindi na ko nakapagpigil, lumabas na ko. At nakita niya ako. Kaya napangiti siya. Tuwang tuwa siya.Napangiti na rin ako. Halo-halong emosyon ang bumabalot sakin. May saya, may pagtataka, may halong kilig at kung ano-anu pa. Marami akong gustong itanong sakanya. Pero mas pinili kong hindi magsalita.
"Hello babe! Sorry kung nitong mga nakaraang araw ay busy ako. Puro emergency. Nagalit ka pa nga sakin eh, dahil sa emergency na yun. Hehehe" Tapos ako napatawa saglit. Binuka ko ang bibig ko at sinabing quota-na-talaga-yung-emergency-na-yun-eh.
"Kaya nga eh, sorry talaga. Para sayo din naman talaga yun kaya wag ka na magalit" Sabi niya sakin tapos nag peace sign siya. Ako naman kumunot ang noo at sinabing what-do-you-mean? Bigla nalang siya may kinuha sa likuran niya. Pagkakuha niya, isang acoustic gituar ang nakita ko. Kakanta siya? Sabi ko sa isip ko.
"Para sayo tong kantang to babe, sana. Magets mo ang gusto kong sabihin sayo" Tapos ngumiti siya. May lumapit naman sakin isang batang babae. Napakacute nito. May inabot siya sakin upuan at isang rosas na pula, may card ito. pero sinabi niyang wag ko daw munang bukas. Napansin kong may nakasulat sa labas ng card. Number 1. Tapos sinabi niyang,
"Ate. Upo ka po muna para hindi ka po mangawit. Tsaka ang ganda mo daw mo sabi ni kuya na may hawak na gitara" Tapos nginitian ko siya at inabot ang upuan at umupo na. Umalis na rin ang bata tapos nag simula ng tumugtog si Kaiden.
(When You Say - Gabe Bondoc) Play the video-------------------->
I remember the first time
It's always playing in my mind
I've never felt like this before
And every time that you kiss me
Feels like I'm having a sweet dream
And i'mma never feel the way i do with anyone else

BINABASA MO ANG
Rainbow
Fiksi Remaja(Completed) "Mahal ko siya, pero bakit pakiramdam ko lumalayo na siya saken?" - Kayzel Cariño © 2013