Chapter Two

371 22 42
                                    

PG-13

**

Kayzel's POV

Pagkagising ko. Tinignan ko kagad ang cellphone ko. Kung nagtext siya. Kaso, ni isang text wala. Wala ring tawag. 10:00AM na. So ganun nalang yun? Ang sakit nanaman isipin. Hinayaan niya na ba talaga ako?

Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip niya. Gusto ko malaman kung anong iniisip niya. Sumagi ba ko sa isip niya kagabi? Naisip niya ba na suyuin ako ngayon? Gustong gusto ko malaman.

Tumayo ako at naligo na. Dahil may pasok ako mamaya, after lunch. Pagkatapos ko maligo bumaba na ako para kumain ng tanghalian. Pero may naririnig akong ingay sa kusina, ingay ng may nagluluto?

Sumilip ako at nakita ko ang isang gwapong lalake, ang lalakeng kaaway ko ngayon. Nagluluto siya? Para saan? Napansin niya ata na may nakatitig sakanya. Kaya napalingon siya.

"Goodmorning babe" Sabi niya sakin ng nakangiti. Yung natural na ngiti. Yung hindi peke. Bakit siya nandito?

"Anong ginagawa mo dito?" Sabi ko sakanya.

"Ipinagluto kita" Sabay hain ng mga pagkain sa lamesa. Ngiting ngiti siya. Anong akala niya? Mauuto niya ako sa luto niya?

Pero deep inside, sinasabi ng sarili ko na "Shit ang sweet ni babe!!" Pero ayoko muna mag padala. Kaya di niya ako mauuto.

"Kaya ko naman mapagluto sarili ko" Sabi ko tapos umupo na at kumuha ng plato. Nagsimula na rin ako kumuha ng mga pagkain.

"Alam mo babe, bumabawi lang naman ako sa mga oras na lagi akong umalis" Sabay lagay sa plato ko ng Egg at Hotdog. 

"Wag mo ko mababe-babe, akala mo wala kang atraso sakin? Umalis ka na" Tinignan ko naman siya kasi napatigil siya sa pag lalagay ng pagkain sakin. 

"Pano na yan?" Sabi niya sakin ng seryoso. Ako naman kumunot ang noo. 

"Anong pano yan?" Sabi ko sakanya na may pagtataka ng tono sa boses. Siya naman napakamot sa ulo.

"Sabi ko kasi sa Mommy at Daddy mo, hindi kita iiwan eh" Tapos ngumiti siya. Yung ngiti na parang nahihiya? Bakit ba ang pogi pogi mo Kaiden? 

"Malaki na ko, hindi na ko bata para hindi pwedeng iwanan" Sabi ko tapos kumain na ko.

"Oo nga, kaya nga kailangan ka ng bantayan eh" Tinignan ko naman siya ng what-do-you-mean look.

"Kasi nga diba. Sa ganda mong yan" Tinaas ko ang kamay ko para hindi na niya matuloy ang gusto niyang sabihin. 

"Kaya ko ang sarili ko. Okay?" Pagkatapos na pagkatapos kong sabihin yun, bigla nalang siyang lumabas. Sinundan ko pa nga siya ng tingin hanggang sa makalabas ng bahay.

"Ganun na lang yun? Hindi mo na ba talaga ako...mahal Kaiden?" 

**

I'm on my way home. Its already 8:00PM. Ang sakit ng nangyayari samin ni Kaiden. Ang sakit sakit. Bukas na ang Anniversary namin. Pero bakit ganito kami? 

Kasalanan ko ba? Kasalanan ko ba kung bakit kami ganito ngayon? Ayoko talagang isipan ng mga negative ang mga kinikilos ni Kaiden. 

Kanina sa school. Nakita ko siya nakikipagusap sa isang babae. The girl was laughing, same as him. They looked too happy. They even hugged each other. I felt that he cheated on me.

~Flashback~

"Ella, maraming salamat talaga ah? Hahaha. Di ko alam gagawin ko kung wala ka" Napahinto ako sa paglalakad dahil sa pamilyar ang boses na nagsasalita. 

"Wala yun ano ka ba! Pustahan tayo iiyak yun sa sobrang gulat. Hahaha!" Sumilip ako para masigurado kung tama nga ang hinala ko. Hinihiling ko na sana hindi siya. Ayoko. Ayokong isipin na siya yun.

"Sana nga. By the way, mamaya ah? Alam mo na" Then I saw him. Smiling like we were not in arguements. Pakiramdam ko kumirot ang puso ko. 

"Oo naman! Di ko makakalimutan yun Pres. Basta kita tayo ah? Sunduin mo ko!" Are they going to meet up later? But....it's our anniversary. Do they have a relationship? No! It can't be! Kaiden loves me!

My eye sight is starting to blur, I think I'm going to cry soon. Pinigilan ko ang mga luhang gustong lumabas sa mga mata ko. Hindi naman totoo yun diba? Wala naman akong proweba na may relasyon sila diba?

"Sure, basta bilisan mo lang ah? Malelate tayo eh. Eksaktong 12:00AM ah!" Then I saw Ella. Tumalon at biglang yumakap kay Kaiden. Naramdaman ko nalang na may mainit na likidong dumadaloy sa mga pisngi ko. 

"The best ka talaga pres! I promise! Di ako malelate! Thank you. Hihihi" Nakita kong niyakap din ni Kaiden si Ella. Pinat pa niya ang ulo ni Ella. 

Pagkatapos kong makita yun. Umalis na ko at dumiretso sa Cr. Hindi ko na kasi alam kung papano ko na pipigilan luha ko. Wala na ata kasi ako masasabi para kumbinsihin sarili ko.

Sariling mga mata ko na ang nakakita. Magkayakap sila. They were happy. They will even have a date. Ako ba ang panira sa relasyon nila? Ang sakit. ang sakit sakit.

*1 Messege Recieved* 

Inopen ko ang message. At hindi ko inaasahan na si Kaiden ang nagtext.

From: Babe Kaiden

Hi babe! alam kong galit ka pa sakin. Pero, sana mapatawad mo ko. Wag mo sanang isipin na may iba na ko. Ikaw lang ang mahal ko. I love you! :*

"Sh*t!* Bulaslas ko sa banyo at umiyak ako ng umiyak. Siguro iisipin ng mga ibang babae na ano ba naman ako. Ginawa ko pa talagang iyakan ang cr. Pero wala akong pakelam sakanila. 

~Flashback Ends~

I really felt I've been cheated. I saw him! I saw him hugging another girl!  And it kills me! Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko! 

I've been a good girlfriend to him! Naging sweet naman ako sakanya ah? Naging maalaga naman ako sakanya ah? Ipininagluluto ko pa nga siya ng lunch eh. Pinag-aralan ko pa nga lutuin ang favorite niya para lang mapaimpress ko siya eh.

Legal naman kami both sides. I'm honest with him. Umiiwas din ako sa mga lalake, lalo na kung di niya kilala. Ayoko kasi siyang magselos. Ginagawa ko naman lahat para maramdaman niyang mahal ko siya.  Pero bakit ganito? Am I not enough? May kulang pa ba ako?

Oh sadyang. Hindi na niya ako mahal? Hindi ko man gustong isipin yun pero pilit parin pumapasok eh. Lagi kong nakikita sa utak ko na magkayakap sila ni Ella. 

Ano bang meron si Ella na wala ako?! Bakit kailangan pa na ganituhin ako?! Tapos ano! May  balak pa sila para sakin?! Cheating on me is not enough?! They do really want to see me crying!

Ano pa bang kulang sakin? Naging masama ba kong anak? Kulang pa ba time ko sakanya? Ano? Ano bang kulang sakin?! Bakit, bakit kailangan kong maranasan ang maloko sa relasyon? 

Tinuring ko siya na parang siya na. Dahil may tiwala ako sakanya. Hindi ko matanggap. 

Bakit ba merong mga lalake na hindi makuntento sa iisa lang? Bakit kailangan pang mag two-time? Pero pag sila ang niloloko. Sobra sobra ang mga ginagawa nila. Nagiging bitter sila. Nagiging Cassanova pa nga ang iba eh.

Eh kaming mga babae? Ano? Nagiging Man-Hater ang iba. Ang iba naman, nagiging bato ang puso. Ang iba nababaliw. Napapariwala ang buhay. 

Ano naman ako? Hindi ko alam. Wala ako sa katinuan. Hindi kasi magsink in sa utak ko ang mga narinig at nakita ko kanina.

Ang sakit.

Kulang ba talaga ako kaiden?

Talagang kailangan pa na lokohin ako?

Ang sakit sakit.

Lalo na't....

Kababata ko pa ang karelasyon niya.

**

Vote, Comment and share my story~

RainbowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon