Nagdadalawang isip ako kung aayos ba ang itsura ni prince at magiging gwapo. Masyado na kasing gasgas yung panget tapos pag inayusan lang magiging gwapo na. Ayoko na ng ganun. Kaya wag na po kayo magexpect na gwapo tong si Prince. Panget talaga sya. Hanggang sa huli. Basta. Isipin nyo na lang si Prince ay sya yung pinakapanget nyong classmate. HAHAHA. Lol. Joke lang. Hindi naman ganun kapanget. Kase naman eh. Imposible naman na maging gwapong gwapo ang panget. Talaga naman di ba? XD pero ayun, enjoy pa rin akong magbasa ng mga ganung story kahit na kung iisipin mo imposibleng mangyari. Di ba?
***
Bakit nga ba gwapo ang mga kuya ko at ako ay hindi? Ewan ko. Hindi ko rin alam kung bakit. Baka sa palaka o sa unggoy ako pinaglihi pero okay lang. Kahit pangit ako, maputi naman ako. Kaya kahit papano ay kita naman ako sa dilim. Pero kahit naman maliwanag parang wala pa ring nakakakita sakin. Kumbaga parang hindi ako nageexist..
"hoy. Jo. (Yo from Johan) Akin na yang bag ko.." sabini kuya Jasper nung nasa tapat na kami ng room nila.
"Oh.." inabot ko na sa kanya pati na rin yung bag ni kuya Josef ay binigay ko na din.
Nakita ko na parang pinagpag ng konti ni kuya Jasper yung bag nya pero hindi ko na pinansin yun at naglakad na ko papunta ng room.
May grupo ng mga babae na nakatambay sa labas ng room. Kabilang na dun si Allyssa.
Nakayuko lang ako nung malapit na ako.
Nagtatawanan sila. Narinig ko pa yung sabi ni Allyssa.
"Hey. Pimple ba yun na tinubuan ng mukha? Ooops.. Si Prince lang pala. Hahaha. Kaya pala panget eh.. "
Ang lakas ng tawanan nila pero hindi ko nalang pinansin. Sanay na ako diba?
Manhid na ko.
FAST FORWARD.
Wala naman masyadong nangyari ngayon araw. Nagquiz lang kami at tulad ng nakagawian. Kinokopyahan na naman ako ng mga kaklase ko. Ganun naman sila eh. Napapansin lang nila ako pag may kailangan sila sakin tapos pag nakuha na, wala na. Hindi na ulit ako papansinin.
May seatwork din na pinagawa samin yung teacher namin na hindi umattend ng klase nya. Ayun, ako na naman ang pinagawa ni Allyssa. Hindi naman ako makatanggi kasi..
Mahal ko sya.
Pero syempre hindi nya alam yun.. Pagtatawanan lang ako nun. Kaya ayun, nagpapaalipin na naman ako sa kanya. Tuwang tuwa naman sya sa tuwing pinapahirapan at nilalait nya ako..
Uwian.
Palabas na ko ng room ng may biglang tumawag sakin.
Si Allyssa..
"Hey Prince.."
"bakit?"
"alam ko na.."
"alin?" takang tanong ko sa kung ano ang ibig sabihin nya don.
"na mahal mo ko.."
bumilis ang tibok ng puso ko. Kinabahan akong bigla. Alam na pala nya na mahal ko sya. Alam na nya na may nararamdaman ako para sa kanya. Hindi ko alam ang gagawin ko. Natotorpe ata ako. First time ko pa lang sa ganitong sitwasyon. Teka. Kailan at kanino naman nya nalaman na mahal ko sya? Tsaka paano?
"kailan mo pa alam na mahal kita?" tanong ko sa kanya.
"so totoo nga?" tanong nya.
"oo.." sagot ko na medyo nahihiya pa. hindi sya galit so that means mahal nya din ako??
Sana.
Sana nga..
Mahal nya din sana ako.
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!" biglang syang tumawa ng malakas.
Natigil na ang pangangarap ko na mahal nya din sana ako.
Bakit naman kaya natawa tong babaeng to?
"HAHAHAHAHAHAHA EEEEEEEWWWW.. SOBRANG NAKAKADIRI. YUCK TALAGA. MAY GUSTO KA SAKIN AND YOU'RE EXPECTING ME NA GUSTO DIN KITA? Yuck!! Asa ka naman! Sinusubukan lang kita kung may gusto ka nga sakin. HAHAHAHAHAHA And Im shocked kasi totoo nga. Hahahaha. What a joke.. "
Umalis na sya sa harapan ko at sumama na sa barkada nya na tumatawa tawa sa may pinto habang nakatingin sakin.
Ang sama ng pakiramdam ko. Naaawa ako sa sarili ko. Ang tanga tanga ko. Bat daw kasi nageexpect pa ko na magkakagusto din sakin si Allyssa. Si Allyssa na dinurog pa lalo ang matagal ng durog kong puro. Walang wala na atang natitira. Durog na durog na. Iba na ngayon ang nararamdaman ko sa kanya. Galit. Poot. Paghihiganti. Pero di ko malaman kung pano ko yun gagawin..
Kung pano gagawin ng isang panget na tulad ko ang paghihiganti..
Tsaka mukhang hindi ko kaya. Hindi ko kayang gawin yun sa kanya dahil mahal ko pa rin sya.
Nakauwi na ko ng bahay. Naabutan ko ang dalawa kong kuya na palabas ng bahay at mukhang magbabasketball. Katulad ng dati, parehas na naman ang suot ng dalawa. Lalo tuloy hindi mo mamukaan kung sino si kuya Jasper at sino si kuya Johan. Kambal kasi eh. Kambal tuko.
Dirediretso akong pumunta sa kwarto ko at nagkulong..
Humarap ako sa salamin.
Tiningnan ko lang ang sariling repleksyon pagkatapos ay itinapon ang sarili sa kama.
Parang nasasawa na ko sa ganitong buhay. Wala man lang magandang nangyayari sa buhay ko. Lagi nalang akong nasasaktan. Hindi ko na ata kaya.
Naramdaman ko nalang na may pumatak na luha mula sa mga mata ko. Konti lang sa una pero di din nagtagal ay ayaw ng tumigil at sunod sunod na ang pagpatak. Nanlalabo na rin ang paningin ko. Ayoko na ng ganito..
***
vote/comment.
![](https://img.wattpad.com/cover/392926-288-k483204.jpg)
BINABASA MO ANG
Im A Poser (searching for the word ''LOVE'' online) -ON HOLD
RomanceNilalait. Inaasar. Inaapi. Oo na. Panget na ako. Pero sa mundo ng internet, ako ang gwapo. Ako ang sikat. Nararamdaman ko na may nagmamahal at umaalala sakin, na kahit kailan ay hindi ko pa nararamdaman sa totoong mundo. (read the prologue)