Sobrang sakit pa rin ng hinaharap ko pero pilit pa rin akong naglakad pabalik sa loob ng school namin .
"Pag nakita ko talaga 'yung babaeng 'yun naku ! naku! Talaga " irita kong ani na may kasama pang panggigigil . Ilang taon na kasi akong gwapo at sa buong buhay ko ngayon lang ako na torture ng ganito .
Hawak-hawak ko pa rin ang hinaharap ko habang naglalakad sa corridor pinagtitinginan na nga ako ng mga tao lalo na mga babae .
"Anong nangyari ?"
"Ewan baka narape si Captain "
"Siguro nga, ang pogi niya kasi e " malakas na bulungan nung mga babaeng nakasilip sa kani kanilang pintuan .
May halong pagkatuwa parin dahil nandun parin ang kapugian ko pero nandun pa rin ang pagkairita . Dahil sa ilang taon ko ng nabubuhay sa mundong ibabaw ngayon pa lang ako napahiya ng ganto anong mukha nalang ang ihaharap ko sa team ko pag nakita nila akong ganto .
"Captain !" naramdaman ko namang may humawak sa balikat ko at sigurado akong kateam ko 'to .
"Patay."pabulong kong sabi sabay tanggal ng kamay ko dun sa bahaging masakit pa rin hanggang ngayon .
Unti-unti akong humarap ng may pekeng ngiti sa mukha sabay sabing .
"Oy ! Kamusta kana . Long time no see." with matching tapik ko pa sa balikat nito na akala mo ngayon lang talaga nagkita .Napansin ko namang kumunot ang noo nito naweweirduhan na siguro sa kinikilos ko .
"Okay ka lang capatain ? Alam mo bang kanina ka pa namin hinahanap ." ani ni harold sabay lapat ng palad niya sa noo ko para tignan kung nilalagnat ba ko o nasisiraan ng ulo .
"Ako ? Aba ! syempre okay na okay 'to no . Baka nakakalimutan mo ako si Axel ang gwapong hunk ." sabay pose nang mala jhonny bravo. Inakbayan ko nalang ito dahil nararamdaman ko nanaman akong pagkirot ng ano ko .
"Tara na nga . Baka mamaya kung san pa 'to mapunta" sabay hatak ko dito upang magumpisa ng maglakad .
May praktis pa rin kasi kami hanggang mamaya dahil gaya nga ng sabi ko mahigpit ang laban bukas at kailangan namin manalo pero dahil sa babaeng kupal na 'yun nawalan tuloy ako ng gana magpraktis .
Sa Basketball Court..
"Captain bakit ka nga pala nawala ?" tanong ni Kai habang sinushut 'yung bolang hawak niya .
"Oo nga captain"dagdag pa ni Lyam na patuloy pa rin sa pagtakbo paikot sa court.
Ako naman nakaupo lang sa bench hinihintay na gumaling ang kumikirot na maselan kong bahagi .
"Basta." maikling sagot ko na kinatigil nila . Pag ganyan kasing mga sagutin ibig sabihin napaka seryoso niyan .
"Oy! si Captain may pinopormahan" kinikilig na sabi ni Harold habang palapit pa sa kinauupuan ko .
Tumayo nga ako para lumipat ng pwesto .
"At sino naman 'yan aber ?" ani ni Lyam na nagbabakla baklaan pa . Sinamaan ko lang sila ng tingin .
"AHH! Alam ko na hindi kaya 'yan 'yung babaeng kanina pa RAW tinititigan si Captain ?" nalipat naman ang atensyon ko kay Kai na parang tanga .
Tumingin naman sila sakin ng nakakaloko pero dahil ako si Axel ang gwapong hunk ay hindi pa rin nila ako maloloko .
"FIFTY PUSH UPS NOW!" sabay ngiti ko ng nakakaloko . Nanigas naman sila sa kinatatayuan nila sa ilang taon na kasi naming magkakasama ngayon lang ako nagbigay ng sengkwentang push-ups dati kasi mababa na 'yung bente paro dahil pinagtitripan nila ako ayan mapapagod tuloy sila .
Nagsidapa na sila at inumpisahan ang utos ko umaangal pa nga ang mga loko e .
"Capatain babaan mo naman . Please" sabay puppy eyes ni harold na parang asong nauulol . HAHAHA
"Oo nga captain parang di tayo magkakaibigan " pangongonsensya pa ni Lyam . Aba !Loko to a , nangongonsenya pa gusto pa atang madagdagan 'yung kanya .
"Ikaw." nabaling naman ang tingin ko kay Kai .
"May sasabihin ka pa ?" mataray kong ani na parang babaeng may dalaw . Umiling lang ito at nagumpisa ng mag push ups pero dahil ako pa rin si Axel ang gwapong hunk na maaawain ay binawasan ko 'yung kay Kai .
"Twenty nalang sayo pero kayong dalawa fifty pa rin" napansin ko naman ang busangot na mukha ni Lyam at Harold habang si Kai tuwang tuwa at nagmamadali pang matapos ang push-ups na pinapagawa ko .
Itutuloy.
BINABASA MO ANG
She's Staring At Me
Short StoryAng istoryang nagumpisa sa malagkit na pagkakatinginan at nagpatuloy sa pasaway na pagiibigan . Tara na't alamin ang maikling istorya nina Axel Flores ang gwapong hunk at Hanah Kim ang misteryosong babae na pilit siyang papaikutin . Isinulat ni : ch...