Tinitigan ko pa ito lalo at napagtantong siya nga talaga 'yung babaeng nakatingin sakin sa bench .
"Captain , okay ka lang ?" pagtawag sa akin ni Kai na tila ba nagtataka sa mga kinikilos ko . 'Yung iba ko kasing members ayun nakipagtsikahan na sa mga lipon ng babaeng nagkakagulo samin kanina .
Lalakad na sana ako papunta dun sa babae ngunit napansin kong paalis na siya kaya binilisan ko na .Pero gaya nga ng sabi ko ang daming nagkakagulong lipon ng mga babae dito kaya nahihirapan akong dumaan .
"Papa Axel ! Pa Autograph !" sigaw nung babaeng kulang nalang salpakan ng dextros . Nginitan ko lang ito at patuloy na nakipagtulakan sa mga tao .
"HOOY ! TEEKA !" sigaw ko dun sa babae pero hindi ata ako napansin dahil patuloy parin ito sa paglalakad .
"Axxel , Team Captain ang GWAAAPO MO !!" naku patay ! ani ko nalang dito sabay kamot sa ulo dumating nanaman kasi 'yung mga babaeng nagtayo ng fansclub para sakin . Shit ! bakit ngayon pa .
"Team Captain ang bango mo ! at ang gwapo pa" ani nang babaeng nakakapit sa braso ko na parang linta .
"Teka lang girls a, may importante lang " sabay alis ko dun babaeng nakakapit sa braso ko .
Pilit ko namang nilingon lingon ang paligid ngunit di ko na ulit makita 'yung babae . Muli akong naglakad at may isang babae akong napansin na nakatalikod at parang siya kaya kinalabit ko .
"Miss ?" ngunit pagharap nito . Ano ba yan ! Hindi pala . Akala ko siya na 'yun .'Yun pala kaklase namin kahawig niya lang pagnakatalikod .
"Yes ? " ani nito with matching beautiful eyes .
"Ahh . wala ,wala "
Muli akong naglakad sa corridor namin hanggang sa makababa ako papunta dun sa may park na parang garden narin namin .
"Kuya , pwede pong magtong ?" sabi ko dun sa lalaking nakaupo dun sa isang bench ng park at nagbabasa . Naku , mukhang matalino ata to a. Tumango lang ito bilang sagot .Kaya tinuloy ko na ang pagtatanong .
"Meron po ba kayong nakitang babae na dumaan dito maiksi ang buhok , nakasalamin at--"
"Ahh" ani nito bigla naman akong nabuhayan ng loob.
"'Yung malaki 'yung boobs , at pwet tapos kung maglakad parang pato " pagdidescribe nito at ginawa niya pa talaga kung pano maglakad 'yung babaeng tinutukoy nito . Nagulat naman ako dahil biglang nalaglag 'yung dyaryo niya na kanina niya pa binabasa .
"TIKTIK!" sigaw ko . Napatakip nalang ako sa bibig ko sabay takbo .Akala ko pa naman matalino 'yun manyakis pala ang hayop.
Sa di kalayuan, may nakita ulit akong bench malapit sa puno kaya umupo muna ako at nag -inhale exhale .
"Nasan ka na ba ?" bulong ko na para bang mahirap mawala para sakin 'yung taong 'yun . Napahawak nalang ako sa mukha ko sa sobrang pagiisip .
Ilang sandali lang may kumalabit sakin sa likod.
"Ano ?" iritang sagot ko dun sa kumakalabit habang nakatakip parin ang mukha ko ng dalawang palad ko .Hindi ito sumagot .
Ngunit Ilang saglit lang ay kumalabit nanaman ito .Naiirita kong tinanggal ang kamay ko at hinarap ang kanina pa nakakabwisit na kumakalabit .
"ANNO NGA SAB----" nagulat ako sa aking nakita .
Tila ba nabunutan ako ng tinik sa dibdib . Dahil ang kanina pa nangangalabit sa akin ay 'yung babaeng kanina ko pa pala hinahanap . Ngumiti lang ito sakin ng nakakaloko .
"Hinahanap mo raw ako ?" malakas na loob na tanong nung babae sakin .Biglang namang bumilis ang tibok ng puso ko .Ngayon lang kasi ako nakakita ng babaeng simple lang . 'Yung tipong simple lang 'yung ganda pero nakakaakit .
Itutuloy .
-Imahina
BINABASA MO ANG
She's Staring At Me
Kısa HikayeAng istoryang nagumpisa sa malagkit na pagkakatinginan at nagpatuloy sa pasaway na pagiibigan . Tara na't alamin ang maikling istorya nina Axel Flores ang gwapong hunk at Hanah Kim ang misteryosong babae na pilit siyang papaikutin . Isinulat ni : ch...