Ika-anim na Kabanata

28 2 0
                                    

Pagkatapos mag push-ups nina Lyam at Harold ay sakto namang dumating ang iba ko pang mga member may praktis nanaman kasi kami ngayon at siguradong gagabihin nanaman kami sa paguwi.

"Oh, musta na mga par" pagbungad ni Jiro sa amin na may kasama pang handshake .

Name: Jiro Ferrer

Babaero/ Manloloko

Status: It's Complicated

Naniniwala sa kasabihang : Okay lang naman manloko , atleast gwapo pa rin ako .

Character:Isa siya sa mga bida ng I will show you.

"Okay lang naman par , Kayo musta" tanong ko rito .

"Okay naman kami mga Tsong !" napalingat kami sa nagsalita mula sa likod .

Name: Andres Peterson

Ang aming BebeBoy

Status: Yes! May Crush na ko.

Naniniwala sa kasabihang : Kung gwapo ang tatay ko malamang gwapo rin ako .

Character : Bida sa Loverail .

Yumakap naman ito sa akin sabay gulo ng buhok ko .Nagulat naman ako ng itulak ni Jiro si Peter .

"Oy ! Wag ganyan nakakabakla ka na e" bwisit naman itong nilingon ni Peter sabay takbo upang bigyan ng sapak si Jiro .

"Ayan nanaman ang mga bata ." ani ni Harold na may palingat lingat pa na parang nanay . Si Jiro at Peter kasi ang pinaka bata sa team namin kaya sobrang ingat na ingat kami sa kanila .

"Okay TEAM ! Are you ready !" pagsigaw ko rito upang makuha ang atensyon nila may mga member pa kasi kaming hindi pa dumadating pero kailangan nanamin mag ensayo lalo na't gumagabi na delikado .

Inumpisahan nanamin ang laro hanggang sa dumating na ang lahat .

"Hay ! Nakakapagod " ani ni Lyam sabay upo sa bench at kuha ng tubig . Bigla namang kumunot ang noo ko .

"Ano Lyam may sinasabi ka ?" halos mabulunan si Lyam dahil kasalukuyan siyang umiinom ng tubig napalingon naman ito sa akin .

"Ha? Ah-wa-wa-wala Captain ang sabi ko ....nakakarelax magensayo" tumango nalang ako dito . Isa kasi sa mga ayaw ko ay magreklamo o di kaya sabihing napapagod na sila dahil ang salitang 'yan ang nagiging simbolo na 'unti nalang bibigay na ako' kaya nga kahit sa relasyon ayokong nakakarinig ng ganyan .

Pagkatapos ng Isang oras rin namin na pagpapahinga ay bumalik na kami sa pageensayo .

"Capatain , Salo !" ani ni peter sabay hagis ng bola sa akin . Mabilis naman akong tumakbo upang makalapit sa court at ishot ang bola ngunit napatigil ako .

Tila ba'y may nakatingin nanaman sa akin na babae sa bench at nakangiti pa .

"Hindi kaya siya 'yung babae" bulong ko . Nabitawan ko na nalang ang hawak kong bola sabay takbo upang mahabol ito mabilis nanaman kasi itong nawala .

"Captain san ka pupunta !" sigaw na tanong ni Kai ng makalayo na ako . Ngunit hindi ko na ito pinansin ang tanging gusto ko lang kasi ay mahabol 'yung babae.

Malapit na ako sa main gate ng school hindi ko pa rin ito makita kaya tumigil muna ako upang makapagpahinga at makapag isip na rin .

"Nasan kana ba ?" ani ko na parang alalang alala.

Nagulat naman ako ng may sumigaw sa likod ng puno .

"Aray !"agad ko itong nilapitan pero dahil medyo madilim na nga ay hindi ko masyadong maaninag ang mukha nito .

"Miss, Okay kalang ?" tanong ko rito sabay lapat ng palad ko upang tulungan siyang makatayo .

"Sa tingin mo ba okay ako ?"pagsagot naman nito sabay hawak sa kamay ko upang makatayo. Teka ?Bakit parang familiar 'yung boses niya .

Inakay ko naman ito upang makalakad dahil ikaika na siya at halatang may sugat. siya .

"Ba't ka naman kasi miss nagtatago sa puno ? May tinatakasan ka ba ?" sabay upo ko sa kanya dun sa bench na malapit sa amin .

Bigla namang lumakas ang ihip hangin kasabay na rin nito ang pagtapat ng liwanag dun sa mukha nung babae.

"Oo .Ikaw" sabay isang malamig na yakap ang dumampi sa aking katawan .


Itutuloy.


She's Staring At MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon