Ika-siyam na Kabanata

27 3 0
                                    

Sobrang layo niya na pero hindi pa rin ako makapagisip kung susundan ko ba siya o hindi .

Pero gaya nga ng sabi ko iba ang fantasy sa realidad kaya hindi ko siya sinundan . Bakit sino ba siya . Hahaha

Tumayo nalang ako at nagumpisang maglakad papunta sa basketball court upang magpraktis ulit .

Habang naglalakad ako papunta sa kung saan man ay hindi ko mapigilang magisip .

"Ano na kayang nangyayari dun sa babaeng 'yun " bulong ko sa aking sarili na tila ba nagaalala. Lakad kasi siya ng lakad , nandito naman ako ano pa ba ang hinahanap niya .

(Hannah P.O.V)

[a/n: siya po 'yung babae]

Hindi ko naman maiwasang lumingon mula sa likod ko , nagbabakasakali kasi ako na sundan niya ako . Pero bigo ang mga mata ko na makita siya kaya patuloy parin ako sa paglalakad .

"Ano pa bang kulang sa'kin?" sabay turo ko sa aking sarili .

Oo nga naman , ano pa bang kulang sa akin at hindi ako magustuhan ng isang Axel Flores .

Oo , tama kayo may gusto ako sa kanya, kaya nga hindi ko siya maiwasang titigan , pangarapin at isipan siya ng masama . Erase , erase .

First year highschool palang kasi ako pinapangarap ko na siya actually matanda siya sa'kin nang isang taon kaya fourth year siya ngayon third year naman ako .

Ewan ko ba sa mga mata ko bakit siya palagi ang hinahanap . Kaya nga laking tuwa ko ng hanapin niya ako nung una natatakot akong magpakita pero napagisipan kong pagkakataon ko na rin 'to . Tanga na kung tanga pero siya talaga e.

Patuloy parin ako sa paglalakad .

Pero ilang saglit lang napahinto ako bigla feeling ko kasi may sumusunod sa'kin .

Lingon .

Lingon .

Lingon .

Wala naman . Hay ! basta itutuloy ko nalang ang kwento .

Ayun na nga , kras ko talaga nung una 'yan si Flores e , kaso di nagtagal nahulog narin ako iba kasi talaga ang pagkakati niyan ni Axel kaya siguro madaming babae ang nabubulag sa kanya . At isa na ko dun .

Napahinto ulit ako .

May sumusunod kasi talaga sakin .

Lumingon muli ako .

Pero wala naman . Sabagay madilim na rin kasi dahil maggagabi na baka guni guni ko lang 'yun .

Pero laking gulat ko nang may dumamping matulis na bagay sa leeg ko .

"Akin na lamang loob mo" bulong nito sa akin sabay takip nito sa bibig ko .



She's Staring At MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon