Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

10 years before

7.9K 190 21
                                        

talong araw ng nakalipas mula nung phoenix vs Blue eagle . naka labas na ng clinic si Amy at maayos na ang kanyang kalagayan dahil sa tulong narin ni Maddie , ngayun ang araw na pag bubukas nila ng club .

sa grupo naman nila Den ay hindi na nag pansinan ang mga girls at boys dahil sa nang yari . pero pinapanatili pa din nila ang samahan at nag uusap rin sila kung kinakailangan . tulad ngayun napag uusapan ng club ang tungkol sa gaganaping event.

Dzi - " meron tayong 1 month para mag prepare sa event .. gaganapin ito sa 'isla ng walang buha' .. "

sinasabi nya ito habang binabasa ang nasa booklet nya . taimtim lang nakikinig ang mga kasama nya maliban kay Bea . hindi nya pa kasi nakakausap si Dennise simula nung nagkaharap sila ni alyssa. pero kailangan nya munang mag focus sa sinasabi ni dzi.

Den - " anong plano na tin Bea? " malamig ang kanyang pag kakasabi

nagulat naman si Bea nung bigla syang kausapin ni Den . " kinausap ka lang grabe ka kong makapag react ! pano pa kaya kung patawarin ka nya ! " sabi nya sa sarili . alam naman nya sa sarili na may kasalanan sya lalo na nung muntik na nyang saktan si Dennise.

Bea - " ah .. si Ino na lang ang mag pa plano .. "

tumango lang si Den bilang pag sang ayon at lumapit na kay ella . kinakausap nya lang ito sa kung ano-ano . ang tutuo nyan ayaw nya munang kausapin si Bea hangga't hindi pa ito nag babago . natatakot na kasi sya na baka maging worse pa ang gawin ni Bea sa kanya .

naramdaman naman ni Bea ang pagiging ilang ni Den sa kanya . kaya sumiklab na ang dibdib nya sa galit dahil kay alyssa ."gagamitin ko ang kakayahan ko Valdez para mapataob ko kayo !! " sabi nya sa isip.

nag paalam sya sa mga kasamahan nya na mag sasanay muna sya sa labas . si Ino naman lumabas kasama ang tatlong itlog(LA Myco at Jovee ) para samahan sya sa mga planong gagawin about sa event.

naiwan naman ang girls na hindi nag iimikan . malaki talaga ang ipekto nung nag harap ang grupo nila alyssa laban sa kanila . si ella naman ay nakikipag chat lang kay Amy ng biglang





ella - " WAHHHHHHH!" sigaw nya at muntik ng matumba sa upuan

si Den muntik ng matabing ang kape sa lamesa ni ella . si bang at Mela naman ay nag kamali sa turok ng rabbit dahil sa gulat . si Dzi naman ay natapon ang lahat ng papel na hawak nya . si Fille naman ay nabatukan agad si ella .

fille - " bakit ka ba sumusigaw !? " inis nyang tanong

ella - " aray ko naman !! pero wait did you guys know ? ngayun daw bubuksan yung club nila Aly .. " excited nyang tugon.

Den - " eh ano naman ngayun ?! "

ella - " halerrrr! baka gusto nyung tumulong? sabi nya kasi sobrang gulo nung club .. basta ako Besh tutulong ako .. kayo hindi ba kayo sasama ?"

tanong nya kila bang at mela . nag titigan naman ang dalawa at tumango bilang pag sang ayon . sinabi nilang sasama silang lahat .. pero isa lang ang hindi alam kung sasama ba sya sa yaya ng kaibigian. "hayy Den sana alam mo yang ginagawa mo .. " sabi ni Den sa sarili.

ella - " ikaw Besh ? sasama ka ba ? halos lahat sasama .. ikaw na lang ang hinihintay " 

nabalik naman sa realidan si Dennise dahil sa tanong ng kaibigan . iniisip nya kung tama bang layuan si Bea , alam nya sa sarili nya na maapektuhan ang club nila . "siguro sasama na lang ako sa kanila .. wala rin naman akong gagawin .. " sabi nya sa isip . " asus ! nag dahilan ka pa ! si alyssa lang naman ang pupuntahan mo .. " sabi naman ng konsensya nya.

SUGO(alyden)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon