Gretch - " ANONG GINAWA MO KAY DENNISE !? "
galit nyang tanong kay alyssa na kasalukuyang nakaupo lang sa club nila at pinupunasan ang plawta . hindi naman na sya nagulat dahil malayo palang si Gretch ay nararamdaman nya na ang galit na awra nito .
aly - " wala .. sinabi ko lang sa kanya ang totoo .. "
kahit pinipigilan si Gretch nila A at Amy ay wala pading nagawa . agad nilapitan ni Gretch si alyssa para kwelyohan , hindi lang naman basta basta Dennise ang pinag uusapan dito . malapit sa kanya si Dennise at ayaw nya itong umiiyak dahil tinuri na nya itong nakakabatang kapatid.
Gretch - " UULITIN KO ANG TANONG KO SA SA'YO ! ANONG GINAWA MO KAY DENNISE AT BAKIT SYA UMIIYAK !? "
kung nakakakita lang si alyssa tyak makikita nya si Gretch na sobrang pula na nito sa sobrang galit .
Kim - " Bitawan mo sya ! " tulak nya kay gretch na agad naman napaupo sa lakas ng pag kakatulak
A - " teka lang mga Guys .. pwede naman natin pag usapan ito ng hindi nasigaw eh .. "
Amy - " Gretch .. huminahon ka muna .. "
inalalayan ni Amy si gretch para makatayo . si A naman ay hiwakan si Kim sa braso para maawat din o pakalmahin kahit papaano .
Gretch - " huminahon ?! Amy pinaiyak nya si Dennise ! alam mo naman na ayokong pinapaiyak na kung sino sino lang si Dennise .. " tumingin sya kay alyssa na nakayuko lang " ikaw ! kung nung una palang na sasaktan mo lang si Dennise sana nuon palang hindi ko na hinayaan na mapalapit sya sa'yo ! "
Kim - " sumosobra ka na ! " hindi naman sya makakilos dahil sa hawak sya ni A " hindi mo alam yang pinag sasabi mo kaya wag mong pag salitaan si alyssa ng ganyan ! "
Gretch - " anong wala !? bulag ka din ba !? nakita mo ba kung paano umiyak si Dennise kanina ! alyssa ! hindi ko sinaktan si Fille nuon .. Oo iniwan ko sya pero kahit kailan hindi sumagi sa isip ko or ginusto kong paiyakin sya ! " hawak na sya ni Amy sa mag kabilang braso dahil konti na lang ay pasugod na ito kay alyssa
A - " hindi tayo mag kakaintindihan kong puro init lang ng ulo ang paiiralin natin ! ! "
Amy - " Gretch ano ba !? tumigil ka nga ! si alyssa yung pinag sasalitan mo ng kung ano-ano ! "
hindi yun pinansin ni gretch dahil sa nakatingin lang ito kay alyssa . nag hihintay lang sya ng sasabihin ni alyssa para mapakalma ang sarili pero mukhang walang balak ang huli na mag salita dahil nakatungo lang ito .
Gretch - " wala ka man lang sasabihin !? kahit ikaw ang Sugo wala akong pakelam! wala kang karapatan saktan ang bunso ko !! "
kim - " sabi ng wala kang karapatan pag salitaan ng kung ano-ano si alyssa ! wala ka sa pusisyon nya .. hindi mo alam kung anong pinag dadaanan ni alyssa !! "
kung kanina nakatingin lang si Gretch kay alyssa . ngayun naman napatingin na sya kay Kim . kita kasi sa mukha ni kim ang lungkot sa mata habang sinasabi iyon .
Kim - " hindi mo alam kung paano nagsakripiso si alyssa para lang iligtas ang nakakarami ... "
nakita nilang lahat kung paano may tumakas na luha sa mata ni Kim . tumungo agad si Kim para matakpan ang lungkot at sakit sa mukha nya . alam nyang ayaw ito ni alyssa pero sobra na ang pinag sasalita ni Gretch gayong wala naman syang alam kung ano talaga ang pinag dadaanan ni alyssa .
nahalata naman ni Amy na medyo kumalma si Gretch kaya naman dahan dahan nyang binitawan ang braso ni gretch .
si Gretch naman ay tumungo na lang din para pakalmahin yung sarili nya . kung tutuusin hindi dapat nya sinabihan ng ganuon si alyssa pero nung nakita nyang umiiyak si Dennise kanina naalala nya yung pangako nya sa sarili na hinding hindi na nya pababayaan si Dennise at si Fille . silang dalawa lang kasi ang kayamanan ni Gretch sa buhay . pero dahil kay alyssa ay nakita na naman nyang umiiyak si Dennise .
BINABASA MO ANG
SUGO(alyden)
Ficção Científicaipag lalaban mo ba kung ano ang sa iyo? ngayon alam mo naman na masaya na sya . ano mas pipilin mo ? makakita o makaramdam? *smirk bakit kelangan mo pang mamili ?? kung kaya mo naman makuha . alyssa- bulag nga ako pero hindi ibig sagihin nun. isa ak...