Masamang sinyales

7.8K 180 53
                                    


FLASHBACK Bea

PACK !!

isang malakas ang natangap na isang musmus na bata galing sa kanyang ama . napahandusay na lang sya sa sala nila habang ang ama nya ay sobra pa din ang galit . mahigit syam na taon lang si Bea na mga panahong pinagsasanay na sya ng kanya ama .

Mr. De leon - " wala ka talagang silbe !! simple lang ang pinapagawa ko sayo hindi mo pa magawa ! "

umiiyak na lang si Bea habang hawak ang pisngi nya . inuutusan kasi sya ng ama nya na paangatin ang tubig sa baso pero hindi magawa ng bata kaya lagi syang napapagalitan at sinasaktan ng ama nya .

Bea - " pero Daddy hindi ko po talaga kaya ... " naiiyak nyang saad 

Mr. De Leon - " nag sisi ako kung bakit naging anak pa kita ! isa kang mahina paano sayo ipag kakatiwala ng kaibigan ko ang anak nya ! huh !? 

napayuko na lang si bea habang umiiyak . yan naman kasi lagi ang sinasabi ng Ama nya pag hindi nya magawa ang pinapagawa sa kanya . laging pinapamukha sa kanya na sana hindi na lang ito naging anak nya .

Mr. De Leon - " yan ! dyan ka magaling sa pag iyak ! namatay ang mommy mo dahil sa'yo ! sayang lang talaga at namatay pa ang kakambal mo ! kung sya na lang sana ang nabuhay hindi sana ako nag kaanak ng isang mahina at walang silbeng katulad mo ! "

iyak na lang ng iyak si bea habang sinisisi sya ng Ama nya sa pag kamatay ng kakambal nya at ang Ina nya . nag karuon kasi ng trahedya at nalagay sa panganib si Bea . sumulong kasi sa dagat si Bea dahil na din sa hamon ng kakambal nya . pero hindi nya inaasahan na mabubutas pala ang bangka na sinasakyan nya kaya naman napilitan ang kapatid nya na iligtas sya . ngunit pinulikat naman ang kakambal nya sa kalagitnaan ng pag langoy . narinig naman ng Ina nya na nag sisigaw si Bea ng tulong kaya sa pag mamadali sya na mismo ang sumulong sa dagat at hindi nya kinaya ang malakas na alon . natagpuan na lang sila isang umaga na malamig na bangkay .

tumayo si Bea at pinahid ang luha nya . tiningnan nya ang Ama nya sa mata . tila parang nabasa naman ng ama nya ang sinasabi ng mga mata nya ." tama na po .. nasasaktan na po ako ". napaatras sya ng makita nya mismo sa mga mata ni Bea na nahihirapan din ang anak nya . hindi na nga nya namalayan na tumakbo na papapuntang pinto si Bea at sa pag bukas nya ng pinto ay may tumambad sa kanyang dalawang tao . isang ay kasing edad lang ng Ama nya at yung isa naman ay bata lang din tulad nya . hindi naman nya ito pinansin , tumakbo sya ng mabilis at sa hindi sinasadya ay nabanga pa nito ang balikat ng bata .

Mr. De Leon - " Bea !---- Oh Mr. Valdez ? kayo pala ...pasok kayo " 

nagmadali naman ang mga kasamdahay ng mga De leon para maasikaso ang bisita . pinapaupo naman nito sila Mr. Valdez at napatingin sya sa batang kasama nito .

Mr. De Leon - " sya na ba ang anak mo ? " ngiting saad nya na akala mo parang walang ng yari

Mr. Valdez - " ah Oo heheh .. dito ko muna sana sya itatago at medyo mainit na kami sa kabilang hide out .. "

Mr. De leon - " teka nasan si Galang ? sayang naman hindi ko sya maasar hahah ... "

aly - " excuse me po .. pwede po ba akong mag gala sa hasyenda papa ? " 

napatingin naman si mr. Valdez kay De leon at tumango lang ito . tumingin ulit ito kay alyssa na kasalukuyang nilalaro ang medalyon .

Mr.Valdez - " sige Anak .. wag masyadong mag lalayo huh .. " 

tumango naman si alyssa at lumabas na ng bahay ng mga De leon . tanging naiwan na lang sa sala ay ang mag kaibigang De Leon at Valdez .

Mr Valdez - " mukhang sumubra ata ang pag sasanay mo sa anak mo Ben ? " tawag nito sa pangalan ni Mr.Deleon

SUGO(alyden)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon