Chapter 8
Hindi alam ni Faye kung gaano na siya katagal na nagbabasa at nag-aaral ng mga kasong hahawakan niya para sa susunod na araw. Tambak ang papeles na nasa ibabaw ng center table niya ngayon. Nakakailang tasa na siya ng green tea para hindi makatulog dahil iyon ang nagpapakalma sa kanya pero hindi naman matigil ang utak niya sa kakaisip kay Iyan. Ano na nga kayang nangyayari sa damuho na iyon?
Natigil sa pag-iisip si Faye nang tumunog ang kanyang landline. Ang pamilya niya at si Annette lang ang nakakaalam ng numero niya kaya malamang na isa sa mga ito ang tumatawag.
"Hello?"
"I miss you like crazy," anang garalgal na boses sa kabilang linya.
"You got the wrong number, bye. Hinayupak na caller na iyon, nagawa pang kumanta." Nakasimangot na wika niya. Tumunog na naman ang telepono kaya mabilis niya iyong sinagot. "Sinabi nang wrong number eh! Ang kulit mo ah!"
"It's me."
"I know. Ikaw si Iyan hindi ba?"
"Mabuti naalala mo pa ang pangalan ko."
"Napatawag ka, may nangyari ba?" tinignan niya ang relo sa dingding, ala una na ng madaling araw.
"Gusto ko lang marinig ang boses mo. Madaling araw na pero gising ka pa rin. Busy ka?"
"May inaasikaso lang. Ikaw?" gusto na niyang putulin ang usapan nila dahil naiirita na siya sa boses nito.
"I was with Archie. Sinamahan lang niya ako na magpalipas ng oras."
"Nasa labas ka?" alanganing tanong niya. Maingay kasi sa background ni Iyan.
"Yeah."
"Nasaan si Archie, pwedeng makausap?" Uutusan sana niya ang kaibigan nito na ihatid na ito pauwi.
"Pinaalis ko na dahil naghihintay ang girlfriend noon sa kanya."
Napakamot sa ulo si Faye. Ang tanga! "Paano ka uuwi kung pinauwi mo si Archie?"
"Nag-aalala ka ba sa akin?"
Nag-aalala nga ba siya dito? "Huwag mong ibahin ang usapan. Paano ka uuwi?" iniwasan niyang sagutin ang tanong nito.
"Taxi."
"Ilan na ang nainom mo?"
"Ilan nga ba ang nainom ko? Tinatanong ng nililigawan ko e."
Nililigawan your self!
Naghintay si Faye sa sagot ni Iyan pero hindi niya ito narinig na nagsalita.
"Ma'am," anang boses sa kabilang linya. "Ako ho iyong barista dito sa Full Joint.. Baka ho pwede ninyong sunduin dito si Attorney De Guzman. Nakaka-isang malaking bote na ho kasi siya ng Crown Royal e. Sobrang lasing na ho talaga, nang-aaway na nga ho ng ilang customers."
"Hoy, ibalik mo sa akin ang telepono. Ako lang ang may karapatang kumausap kay Faye!" anang galit na boses ni Iyan. Lasing na nga ito.
"Sandali lang ho, Attorney," sagot dito ng bartender.
"Sige, I'll be there in less than an hour." Katabi lang ng The Curb ang Full Joint kaya alam niya kung saan hahanapin ang lugar.
Pagdating ni Faye sa Full Joint ay nakita kaagad niya si Iyan na halos nakahiga na sa counter. Nilapitan kaagad niya si Iyan at niyugyog.
"Iyan, gising," nakayuko ito kaya hindi niya makita ang mukha. "Tumayo ka na diyan at nang maihatid na kita."
Dumilat ito pero hindi nag-angat ng ulo. "Hey. Medyo masakit ang ulo ko pero gising ako," anito bago ngumiti. "Sana hindi ka nalang nag-abala na puntahan ako, madaling araw na e. Tatawagan ko nalang ulit si Archie."
BINABASA MO ANG
Unfaithfully Yours
RomanceTwo great lawyers once met and clashed inside the courtroom.... But will their hearts also clash while their love for each other starts to make it's presence known not only to their friends but to their clients too? Unfaithfully Yours speaks about...