Chapter 3
“O, wala pang Semana Santa pero parang namatayan ka na?” tanong ni Annette kay Faye nang magkita sila sa opisina. Lunes na, nasayang ang buong araw ni Faye sa kakahintay sa tapat ng telepono sa pagbabakasakaling tumawag si Iyan dahil may nakalimutang ibalik sa kanya.
“Tsk, huwag ngang ako ng ako ang inaatupag mo. Maraming trabahong gagawin, Attorney,” aniya.
“Alam ko, una ko nang tatrabahuhin ang babaeng kala mo sawa kung makapulupot sa boypren mo,” ani Annette sabay taas ng hawak na dyaryo. Naroon ang larawan ni Iyan na may kasamang isang magandang babae sa isang sikat na Charity Ball na ginanap noong Linggo.
“Hayaan mo na sila kung saan sila masaya,” sagot niya.
“Hindi ka affected?” gulat na tanong nito.
“Bakit naman ako magiging affected, aber?”
“Eh hindi ba’t ka-date mo lang si Iyan noong Biyernes ng gabi?”
“Ha?”
“Huwag kang mag-maang maangan, neng, nag-text si Iyan sa akin noong Sabado, tinanong niya kung anong plate number ng kotse mo. Naiwan mo raw kasi iyon sa The Curb nang pumunta ka roon.”
“Ano pang sinabi niya sa iyo?” namumutlang tanong ni Faye sa kaibigan.
“Wala na, plate number mo lang. Bakit?”
Umiling siya. “Wala naman, nagulat lang ako.”
“Ay, mas nagulat ako. Imagine mo nalang kung anong reaction ko nang marinig ko ang boses ni Fafa Iyan sa kabilang linya ng telepono. Ang swabe ng boses, boses macho e.”
“Nagha-hallucinate ka na naman. Bumalik ka na nga sa opisina mo bago pa mag-pile up ang trabaho mo.”
“Opo, Attorney,” ani Annette sabay saludo sa kanya. “Teka, kung si Iyan ang kumuha ng kotse mo sa bar noong gabing iyon, saan ka natulog?”
Umiling lang si Faye. Bigla namang napalapit si Annette sa kanya. “Don’t tell me natulog ka sa bahay niya at magkasama pa kayo sa iisang kwarto! OMG!” sigaw nito.
“Shh!” saway ni Faye kay Annette. “Wala akong sasabihin dahil wala kang dapat na malaman tungkol sa akin,” aniya. “Hala, trabaho na uy!”
Sumunod naman si Annette at lumabas na nga. Bumuntong-hininga naman si Faye bago itinuloy ang pagtatrabaho. Nawawala na siya sa sarili dahil lang sa nangyari.
Nababaliw na nga yata ako! anang isipan niya. Tinampal niya ang kanyang noo para magising, para kasi siyang nananaginip kahit na dilat ang kanyang mga mata.
BINABASA MO ANG
Unfaithfully Yours
RomanceTwo great lawyers once met and clashed inside the courtroom.... But will their hearts also clash while their love for each other starts to make it's presence known not only to their friends but to their clients too? Unfaithfully Yours speaks about...