Chapter 2
“I’ve got no choice but to bring her to my home, pare,” sagot ni Iyan sa kaibigang si Archie na kausap niya sa telepono. Kasamahan iyon ni Faye sa kumpanya at inaakala niyang alam nito ang address ng dalaga.
“Mag-ingat ka pare, baka kapag nagising si Faye at nalaman niyang sa bahay mo siya dinala at hindi sa bahay niya ay baka maghalo ang balat sa skinless.”
“Hindi ka lang sira ulo, Archie, corny ka pa,” sagot ni Iyan. “O sige na, I need to bring her to my room dahil kanina pa siya nakatulog sa dami ng nainom.”
“Seryoso ka? Ano bang ininom ni Faye at nalasing?”
“Martini, hindi ko nga alam na mabilis pala siyang malasing, hindi na sana ako umorder ng isa pa bago kami umalis.”
“What? Hindi nalalasing si Faye kung Martini lang ang ininom niya. May inilagay ka sa inumin niya ano? Umamin ka Iyan!”
“Sira! Mukha ba akong sawa na sa buhay ko para lasingin si Faye? Anyway, sigurado kang hindi mo alam ang address ng bahay niya?”
“Mukha ba akong walking HR Department pare? Ang mabuti pa tawagan mo nalang ang mga magulang ni Faye. I’m sure may number ka ni Doctor Salcedo.”
Umiling si Iyan. “Salamat nalang pare, dito ko nalang siya patutulugin,” aniya bago ibinaba ang telepono. Binuksan niya ang passenger door at binuhat mula roon ang natutulog na dalaga. Kinuha rin niya ang bag nito na nalaglag na sa paanan nito at binitbit rin iyon papasok ng bahay. Since iisa lang ang nakahandang kuwarto sa nahay ni Iyan ay sa sariling kwarto nalang niya patutulugin si Faye, malaki naman ang kama doon kaya kasya ito. Sa sofa nalang siya matutulog para mabantayan niya si Faye in case na mangailangan ito ng tulong sa madaling araw.
Paglapag ni Iyan kay Faye sa kama ay napansin niyang pinagpapawisan ito, tinanggal niya ang high heels nito at inilapag sa may paanan para madali nitong makita. Wala siyang nagawa kundi ang ihiga ito ng maayos bago palitan ang pang-itaas nitong damit. Mabuti nalang at de butones ang suot nito kaya madali niya iyong natanggal. Nakakulay itim na lace bra ito kaya kitang kita niya ang hubog ng dibdib nito. Mabilis na kumuha si Iyan ng t-shirt mula sa drawer niya at pinalitan si Faye. Tinanggal na rin niya sa pagkaka-hook ang suot na bra ng dalaga para makatulog ito ng maayos pero hindi niya iyon tuluyang tinanggal. Si Iyan naman ang pinagpapawisan matapos niyang bihisan ng pang-itaas si Faye, kinumutan niya ang dalaga bago kinapa ang paldang suot nito at tinanggal iyon. Lahat ng damit ni Faye na tinanggal ni Iyan ay ipinatong niya sa upuan sa tapat ng kama para hindi ito magtaka kung saan napunta ang damit nito.
She’s so damn hot.
Nang biglang umungol si Faye at tumaglid ng pagkakahiga ay nanigas sa kinaroroonan niya si Iyan, akala niya ay magigising bigla ang dalaga. Napabuga siya ng hangin sa bibig nang hindi na ito gumalaw. Kumuha nalang siya ng tubig sa baso at inilapag iyon sa nightstand sa tabi ng dalaga. Sinigurado pa niyang may unan sa likuran nito at sa harapan para hindi ito malaglag sa kama.
Naghanda na rin sa pagtulog si Iyan matapos masiguro na ayos ang lahat kay Faye. Mabuti nalang at may spare na kumot at unan siya kaya iyon ang ginamit niya. Ilang beses siyang naghikab bago nakatulog.
BINABASA MO ANG
Unfaithfully Yours
عاطفيةTwo great lawyers once met and clashed inside the courtroom.... But will their hearts also clash while their love for each other starts to make it's presence known not only to their friends but to their clients too? Unfaithfully Yours speaks about...