Chapter 7

46 2 0
                                    

Chapter 7


Kanina pa nagtatalo ang isipan at puso ni Faye dahil sa ginawa ni Iyan. Why would he need to all of a sudden show up in her office and drag her out like this?

But you have to admit that you missed him. Totoo iyon. Hinahanap-hanap niya ang kakulitan ng lalake pero ayaw niyang kumbinsihin ang sarili.

You're also gonna have to admit to yourself that you fell for Iyan more than six months ago. Isa si Iyan sa mga hinangaan niyang abugado noong nagsisimula palang siya kaya nang magkaharap sila sa korte at makarinig siya ng maanghang na komento mula dito ay sumama ang paningin niya dito.

Admit it, Faye! Matagal ka nang may gusto kay Iyan at ginagawa mo lang na rason ang sinabi niya sa iyo noon para mainis ka sa kanya. You've fallen for him a long time ago and you gotta accept the fact that if you don't do something to keep him now, you'll lose him for good.

"I know and you don't have to rub it on my face," bulong ni Faye sa sarili habang nasa byahe sila ni Iyan. Nakatitig siya sa labas habang nagmamaneho si Iyan para hindi siya nito kausapin.

"Did you just say something?" nakakunot ang noon na tanong ni Iyan sa kanya.

Nilingon ito ni Faye. "Ha?"

Sinulyapan siya nito sandali bago muling itinuon ang pansin sa daan. "I thought you mumbled something."

Umiling siya. Doon lang napansin ni Faye na nagsalita pala siya ng wala sa oras. I must be really out of my mind if I am saying the things in my head out loud.

Hanggang sa makarating sila sa kung saang lugar ay hindi na siya muling nagsalita. Pumikit nalang siya hanggang sa makaidlip siya.

"We're here," anang nakangiting si Iyan. Masyadong malapit ang mukha nito sa mukha niya.

Napalingon si Faye sa paligid niya. They're parked somewhere and she doesn't remember him mentioning about going to his place. "Nasaan tayo?" kunot-noong tanong niya.

"We're at my grandfather's house," ani Iyan bago hinagod ng palad ang kanyang mukha. "You're not sleeping and eating well," bulong nito habang pinagmamasdan ang kanyang mukha. Hindi nga siya makakain ng maayos ng nagdaang linggo.

Tinampal niya ang kamay nito. "You've got no right to touch me whenever you want. Akala ko ba kakain at mag-uusap lang tayo, bakit mo ako dinala sa bahay ng lolo mo?"

"Iyon nga lang ang gagawin natin dito. Pero kasi gusto ka daw makilala ni lolo kaya dinala na kita rito."

"What?" hindi makapaniwalang tanong niya.

"Come on. Naghihintay na sila sa loob," yaya nito.

"Sila?" pag-uulit niya. Gusto pa sana siyang alalayan ni Iyan pero tumanggi na si Faye. Kaya naman niya ang kanyang sarili.

"Apparently Carlotta is also with him," nakangiwing wika ni Iyan sa kanya.

"Carlotta?"

"Iyong kababata ko na ipinapareha ni Lolo sa akin."

Tumaas ang kilay ni Faye. "Eh bakit kailangan mo pa akong isama dito? Hindi pa ba kayo nagkakamabutihan ni Carlotta?"

Pagpasok nina Faye at Iyan sa mansion ng lolo nito ay napanganga siya nang mapagsino ang nakabungad sa kanila. Ang lolo ni Iyan at si Carlotta ay parehong nakatayo habang hinihintay silang makapasok. Matiim ang bagang ng matanda samantalang nakangiti naman si Carlotta.

"Lolo, this is Attorney Faye Salcedo, my girlfriend," pakilala ni Iyan sa kanya. Napatingin tuloy siyang bigla kay Iyan.

"Totoo ba?" tanong ni Don Anastacio De Guzman. "Ikaw nga ba ang pakakasalan ng apo ko?"

Unfaithfully YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon