chapter 4 (her wishes)

34 2 1
                                    

ADRIAN'S POV

Tanghali na ko nagising.Naalala ko kagabi.Pumayag na si Monica na ligawan ko sya. Ano kaya yung 3 wishes nya na yun? Kahit ano pa yan,gagawin ko lahat mapasagot ko lang sya.

Lalo syang gumanda ng naayusan sya. Simple pero elegante. Napaka-swerte ko kung sya ang makakatuluyan ko.

Namimiss ko na sya agad. Ah! alam ko na..
Asan na ba cellphone ko? Asusual, nahigaan ko na naman..buti matibay to..

Dial..
Dial..
Dial..

Ayun nagri-ring na..
sagutin mu pls...

M: Hello?
A: hello Monica! ^_^ Asan ka?
M: oh Adrian, nandito ako sa bookstore may binili lang why?
A: talaga?? good! antayin mo ko jan ha.. ill be there in 10mins.! bye! ingat!
(End Call..)

Hihi! Sunday naman ngayon kaya aayain ko sya magsimba. Tama! Tapos dadalhin ko sya sa park. Alam ko mas gusto ni Monica sa mga ganong Lugar kesa sa mga malls at restaurants. Napaka-simpleng babae,walang arte sa katawan. Mas gusto nya ang nature. Hindi maluho,marunong makuntento sa kung anong meron sya. Ganun ko sya nakilala. Ibang-iba sa mga babaeng nakilala ko dati. She's one in a million.

I need to get ready. Pupuntahan ko pa si Monica.

Sa Bookstore...

Asan na kaya si Monica?
Lakad..
Lakad..
Lakad..

MONICA'S POV

Grabe yung Adrian na yun ah! Binabaan ako ng phone. Ang sakit kaya sa tenga -_-

Kasalukuyan akong nagaantay dito sa Bookstore kay Adrian. Pagtingin ko sa entrance ng Bookstore nakita ko na syang papasok. Naisip ko magtago. Hihi.. makaganti man lamang sa pagbaba nya ng phone sakin kanina.

←_←

→_→

←_←

Haha! si Adrian po yan hinahanap ako .

Lapitan ko nga..

Papalapit ako ngayon mula sa likuran nya. Di nya man lang ako napansin.

"Hoy Panget!!!" ginuLat ko sya sabay hampas sa braso nya.. haha

"Ay kalabaw ng nanay mo!!!" gulat na gulat sya. Hahaha *^▁^*

"Ano ka ba naman Monica,san ka ba galing? Pasalamat ka wala akong sakit sa puso!" hinihimas pa nya yung dibdib nya,nagulat talga sya.

"edi thank you hehe.." pagbibiro ko.

"ang cute mo talaga!" sabay pisil nya sa pisngi ko.

"bakit ka nga pala nandito?" bigla na lang kasi syang tumawag tapos pupunta na lang. wala naman akong matandaan na usapan namin.

"ahh aayain sana kita magsimba, linggo ngayon tapos punta tayo sa park malapit sa school.." nag smile lang ako sa kanya, gusto ko idea nya kaso nakapagsimba na kami ni Mama kaninang umaga.

"Adrian kasi, nakapag simba na kami ni Mama kaninang umaga,and yung suot ko tignan mo naman,hindi pwedeng pang simba". tinignan nya ang suot ko . naka shorts kasi ako na hindi naman ganon kaiksi,above the knee sya tapos naka-rubber shoes lang ako at white plain shirt.

"ganon ba..okay lang,punta nalang tayo sa park gusto mo?" pag-aaya ulit nya sakin .

i nod and smile at him.. "sure!"

we went to the park malapit sa school, maraming batang naglalaro ksama ang parents nila, may mga side walks vendors din sa paligid. May makikita ka ring mga swings at "padulasan" ika nga ng mga bata pag inaaya nila ang kalaro nila. Pang bata ung place yet relaxing. Maraming puno at halaman,may mga bulaklak at paro-paro. I feel relax sa mga gantong lugar.

Nakakita ako ng bakanteng upuan sa di kalayuan,tumakbo ako para makaupo agad, kasunod ko naman si Adrian.

"bakit mu nga pala naisipang magpunta dito?" tanong ko sa kanya.

"nami-miss na kc kita.." sabay hawak nya sa kamay ko. bigla naman akong kinabahan..hindi ako umimik.. Sandali kaming natahimik.

"Monica.."  napatingin ako sa kanya,habang sya nakatingin sa malayo.

"gagawin ko lahat para sayo, gusto ko na malaman kung ano yung 3 wishes mu, ayoko mag-aksaya ng oras,para habang maaga matupad ko na yon isa-isa."
seryoso ang mukha nya. halata ang sinseridad sa bawat sinasabi nya..

Napuntong hiniga ako,tinignan ko sya at nginitian.

"ang una kong wish.." naplingon sya sakin at saka ko tinitigan, nagaantay ng susunod kong sasabihin.

"gusto kong magpaalam ka sa lahat ng mahal ko sa buhay na liligawan mu ko,at kailangan mapapayag mu sila..," sabi ko.

"yun lang ba.. napakadali naman." sabi nya habang naka-ngiti.

"my 2nd wish... bigyan mu ko ng stars." napakunot ang noo nya ng tumingin sakin, naka-smile lang ako.

"star??? as in bituin?" parang ayaw pa mag sink in sa utak nya ng sinabi ko.. i just nod.

Bata pa lang ako namamangha na ko sa mga bituin sa langit.Sabi ko pa dati gusto ko sila hawakan . Pero ngayong may isip na ko alam kong imposible yun. Ang totoo di ko din alam pano nya ko mabibigyan ng star pero gusto ko talaga.

" i'll give you stars Monica.." hinawakan nya ng mas mahigpit ang kamay ko. Akala ko susuko na sya dahil napaka- imposible naman talaga ng wish ko. Pero iba yun sa inaasahan ko,mas lalo ko naramdaman na seryoso sya sakin.

"sabihin mu lang kung nahihirapan ka,pwede pa naman umatras." baka kasi napipilitan lang sya.

tinitigan nya ko sa mata. Kumabog na naman ang dibdib ko ng malakas. Kulang na lang dukutin ko ang puso ko.

"what was the last?" bigla nyang tanong. Nakangiti lang sya na parang di ko man lang makitaan na baka nahihirapan sya o napipilitan. Kaya sasabihin ko na yung last wish ko.

"bigyan mu ko ng isang bagay na hindi pa nabibigay ng kahit sinong manliligaw sa kanyang nililigawan., uulitin ko, hindi pa nabibigay ng kahit sino." paliwanag ko.

"okay, challenge accepted! i'll do everything for you Monica." Again,hinalikan nya na naman ang likod ng palad ko. Parang may kung anong kuryente na dumaloy sakin . Nagwawala na ang puso ko.

Pagkatapos namin mag-usap. We decided na umuwi na,hinatid nya ko samin at umuwi na rin sya .Masaya ko dahil hindi daw sya susuko. At sana nga wag syang magsawa at sumuko.

ADRIAN'S POV

Hanggang ngayon naiisip ko pa din ung 3wishes ni Monica,mahirap pero di ako susuko. Mahal ko si Monica at lahat gagawin ko para sa kanya, kahit pa mahirapan ako. Sa totoo lang masaya pa ko dahil ibig sabihin hindi talaga bastang babae lamang si Monica. At alam ko iniingatan nya lamang ang sarili nya.

Sa ngayon magpapahinga muna ko. May pasok na kami bukas at di na ko makapag antay na simulan ng tuparin ang mga wish ni Monica. I'll make her happy.

Sa school.....

Wala ko halos naintindihan sa mga lessons . Iniisip ko pano magagawa ang unang wish ni Monica..  Hays!

"Good morning class!" nandito na pala adviser namin.

"Good morning Ms.Silva!" Bati naming lahat.

"before i start, let me remind you na next month is our graduation day, by next week magsisimula na tayong mag-practice para sa program."

malapit na pala graduation. San kaya magaaral si Monica? Dapat sa isang school lang kami para walan magbago .





----- READ. VOTE. COMMENT

---- matupad nga kaya ni Adrian ang mga wish ni Monica? 'till next update :)




"three wishes"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon