Sentimyento ng buhay ko

3.8K 30 2
                                    

Sa mahabang panahon,
Nakulong ako sa ala-ala ng kahapon,
Mga ala-alang naging instrumento,
Upang mabuo ang aking pagkatao.

Pagkataong kinakahiya at kinukutya ko,
Masisisi mo ba ako?
Namulat ako sa magulong takbo ng mundo at sa mga taong bumubuo nito,
Nakikisakay ako sa ikot ng mundo,
Natatakot naman ako sa bukas na dala nito.

Minsan naiisip kong wakasan nalang ang buhay na ito..
Alam Kong Mali, alam Kong hindi tama!
Ngunit sa taong naghihinanakit kumikitid ang pag iisip.

Mabuti nalang nandiyan ka,
Diyos na mapagpala,
Binigyan mo ng liwanag,
Ang madilim kong mundo.

Mabuti nalang nandiyan kayo,
Mga magulang ko,
Binigyan niyo ng lakas,
Ang aking ngayon at bukas.

Mabuti nalang nandiyan kayo,
Mga guro ko,
Tinuruan nyo ako,
Upang huwag sumuko.

Mabuti nalang nandiyan kayo,
Mga kaibigan ko,
Binigyan niyo ng saya,
Ang malungkot kong pagkatao.

Ang pakisamahan ang isang tulad ko,
Alam kong hindi madali para sa inyo,
Kaya salamat sa pagtiya-tiyaga niyo,
Sa buhay na mayroon ako.

Tula ng Buhay Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon