Kahirapan, kahirapan!
Paano ka maiiwasan?
Pilit kitang pinagtaguan,
Ngunit ako'y iyong natagpuan.Ako ba'y pinagpala?
Dahil ika'y nakilala..
O, ako'y minalas?
Dahil nagtagpo ang ating landas!Hinarap kita sa abot ng aking makakaya.
Pilit kitang nilabanan sa sarili kong kakayahan.
Ngunit ang lakas mo'y di ko kayang pantayan.Isa lang ang maipagmamalaki ko.
Kahit ako'y iyong matalo.
Taas noo akong haharap kahit kanino.
Dahil marangal akong lumaban.
Hindi ako nagnakaw o gumawa ng kasamaan.Kahirapan, di kita dapat kamuhian.
Pagkat ikaw ang dahilan ng aking katatagan.
At kung bakit ako natutong lumaban.Kahirapan, dapat kitang pasalamatan.
Dahil ikaw ang naging daan.
Upang ako'y mangarap,
Ng isang maganda at matagumpay na bukas.
BINABASA MO ANG
Tula ng Buhay
PoetryAng mga tulang Ito ay hango sa totoong panyayari sa buhay. Kung paano ang isang tao'y nasaktan, bumangon at patuloy na lumalaban. *most impressive ranking:) #1-buhay (09/23/18) -aslEonalliveS-