patawad

1K 8 1
                                    

Sila ang dahilan ng aking pagsilang.
Nagtiis, nag-aruga at nagmahal sa akin ng tunay.
Tinuruan ako ng magagandang asal,
Ang matakot sa diyos at wag maging pasaway.
Pinag-aral ako upang magkaroon ng magandang buhay.

Sila ang magulang na aking kinamuhian.
Malaki pala talaga ang aking kasalanan.
Wala silang inisip, kundi ang aking kapakanan.
Ngunit sila'y aking pinaghinanakitan.

Magkaganun pa ma'y, sana ako'y maintindihan.
Isa lamang akong anak na labis na nasasaktan.
Sa mga pangyayaring di ko lubusang maintindihan.

Patawad nanay at tatay.
Sa sama ng loob na aking ibinigay.
Kayo ang aking tibay,
Upang tahakin ang landas ng aking buhay.

Tula ng Buhay Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon