kaibigan lang

1.6K 9 1
                                    

Hindi ko inakala na mamahalin kita.
Sana di ko nalang naramdaman ito, ng sa ganun di ako nasasaktan ng ganito.
Masakit isipin na hanggang kaibigan lang tayo.
Ngunit wala akong magagawa kung di tanggapin ang totoo.

Masaya akong nakilala ka,
Kahit kabiguan ng puso ang iyong dala.
Sa mga simpleng text mo,
Nahulog ang inosenting puso ko sayo.

Di ko inakalang ikaw ang magugustahan ko.
Dahil di naman ikaw ang lalaking pinapangarap ko.
Ngunit nagising nalang ako isang umaga.
Na ikaw ang hinahanap ng aking mata.

Di ako umaasa na magiging tayo.
Di ko rin hinihingi na mahalin mo ako.
Kontento na ako sa "kaibigang pagtingin" mo.
Ang mahalaga naging parte ako ng buhay mo, kahit simpleng kaibigan lang ako.

Tula ng Buhay Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon