Magbago ka

1.2K 14 2
                                    

Tao,bakit mo sinisira ang mundo?
Nagtatapon ka ng basura sa kung saan.
Pinuputol mo ang puno sa illegal na paraan.
Nagbebenta ka ng droga upang kumita.
Pumapatay ka ng kapwa para sa pera.

Hindi mo ba alintana?
Ang epekto ng iyong maling ginagawa?
Maraming buhay ang nasisira,
Maraming pamilya ang nagdurasa.
Sino pa ang masisiyahan?
Sa mundong punung-puno ng karahasan!

Tao, bakit di ka magbago?
Hindi lang ikaw ang may pinagdaraanan.
Di lang ikaw ang nahihirapan.
Kaya di tamang gumawa ng kasamaan.
Para sa pansariling kapakanan.

Bakit di ka gumawa ng kabutihan?
Magkaroon ka ng pakialam sa'yong kapaligiran,
Ng gumanda ang iyong kinabukasan.
Pagka't ang mundo ay para sa lahat.
Kaya tao, wag kang matakot magbago.

Ang kasamaan ay kasamaan.
Ang kasalanan ay kasalanan.
Ngunit ang pagbabago ay isang paraan.
Upang ang kasamaan ay mapunta sa kabutihan,
At ang kasalanan ay maituwid sa tamang paraan.

Tula ng Buhay Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon