Chapter 3

28 2 2
                                    


Gabi na nang magising ako sa aking Queen size na kama.

Pagkabangon ko, bahagya akong nag inat inat at agad lumabas sa kwarto at bumaba ng hagdanan dahil nakaramdam ako ng matinding pag ka gutom.

Nang marating ko ang Dining Room nabungaran ko ang napaka raming pagkain sa hapag kainan. Hindi ko mapigilan na matakam sa nakikita, sakto naman na dumating si France.

"Let's eat" sabi ko, at saka umupo.

Tahimik lang kaming kumakain nang biglang dumating si Butler Shawn.

"Sorry for the interruption of your food Milady, but i just want to inform you that tomorrow will be your first day in Ford University" butler shawn

"Really? Kailan pa nagsimula ang klase dto sa pilipinas butler?" Ako pagkatapos  sumusubo pa ng pagkain.

"If I'm not mistaken, 3 weeks na ho nag resume ang klase rito sa pinas Milady" butler shawn

"Alright. Thanks butler you may go" ako at pinagpatuloy kumain.

Habang kumakain biglang nagsalita si Francine.

"Nakakamiss din pala sila Claire, Clint at Nevi nu?" Francine sabay subo ng kanin.

Tango lang ang sinagot ko at kumain ulit, pakiramdam ko ngayon nalang uli ako nagutom ng ganito.

Naalala ko yung tatlo na naiwan ko sa Spain, kamusta na kaya yung tatlong iyon? Sana maintindihan nila kung bakit ko sinakripisyo yung pagiging gangster ko at bilang leader nila.

I admit, I somehow missed them especially when we care each and everyone during warfights.
Wala kaming sasandigan kundi sarili at kami lamang.
Nakilala ko si Claire and Clint when I was in London, magkakambal sila at nagbabakasyon ako sa bansang iyon ng mapadpad ako sa isang Restobar para sana kumain lang ng makita ko silang dalawa na nakikipaglaban sa mga kalalakihang may hawak pa na baril. They are 5 and they have a gun for goodness sake.

Eh naawa naman ako sa dalawang iyon lalo na nang nakita kong umiiyak na si Claire na kakambal ni Clint, kaya di ko na maiwasang mangialam.
Duon kami nagkakilalang tatlo and the rest is history.

Samantalang si Nevi naman ay nakilala ko sa Tokyo Japan he's a pure Spanish blood, nagkataon na nagkakilala kami dahil natalo ko siya sa isang car racing competition na dinagsa nang madaming racer sa ibat ibang panig ng mundo.
When I met him he's already a gangster and he's finding a member to join the so called battle last three years ago.

I have 4 members in my group and me being their leader was asombroso.

Bumalik ako sa reyalidad ng marinig ko ang sinabi ni francine.

"Talaga bang iiwan muna ang pagiging Top Rank sa Gangster World uno? Lahat ng mga pinaghirapan natin iiwan mo nalang basta basta?" Siya na may halong lungkot at panghihinayang. Hindi ko rin siya masisi, yung mga panahong hirap na hirap na kami sa pakikipaglaban at halos ikamatay na namin, ang bawat isa saamin ang nagiging sandata at lakas ng bawat isa saamin.

Hindi biro ang napagdaanan namin bago naging maingay at tumatak sa buong mundo ang grupo namin. Madami kaming naging kaaway at madaming nagtangka na patayin kami. Kahit sabihin natin na nakamaskara kaming lahat hindi maiiwasan na may makaalam ng totoo lalo na pag nakita nila ang insignia na tatoo namin. Nakatago lamang ito pag nasa labas kami at maraming makakakita.

Nang dahil lang sa nangyare noon pati pamilya ko muntik ng nadamay. Kaya nga ako pumunta dito sa pinas hindi lang dahil makatakas sa mga kalaban kundi para na din lumayo saaking magulang dahil alam ko na habang malapit ako sakanila, nilalapit ko lamang sila sa kapahamakan.

Vicious EmpressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon