Chapter 8

21 1 2
                                    

Bridgette's POV

Pag kauwi namin ni Francine ay umakyat nako sa aking kwarto para makaligo at makapag palit na ng pang Car Race. Pumasok na ko sa loob ng banyo ko at sumaglit na nagshower diko na binasa ang buhok ko at pinusod ko nalang ito paitaas ng aking ulo.

Pagkatapos ko mag shower ay dumiretso na ko sa walk in closet ko at hinanap na ang aking mga isusuot.

Kumuha ako ng black ripped jeans at white fitted na sando saka isinuot saka kumuha din ako ng ash leather jacket ko at isinukbit ko sa aking balikat para naman sa aking sapatos ay simpleng White Nike na Airmax.

Ng makita ko ang sarili ko sa salamin ay pinagiisipan ko kung tatangalin ko ba ang messy hair bun ko oh maglulugay nalang at napagdesisyonan ko na ngang maglugay medyo kumulot ang buhok ko lalo na sa baba nito kaya ang ginawa ko kinuha ko ang bonet ko sa aking drawer at isinuot nito.
May nakaprint sa bonet ko na 'Never Underestimate The Empress' at saka may Gem sa taas nun hindi ito kalakihan at hindi rin kaliitan sakto lang para mapansin ang diyamante.

Bago ako bumaba kinuha ko muna ang headphone ko at saka shades ko na black tint.

Pagkababa ko sumalubong saakin si Francine na nakaget up ng para saakin maliban lang sa pang itaas nito dahil naka white V - neck ito.

"Walang kupas ang ka astigan uno!" Maligayang saad nito.

"Don't state the obvious" mahangin kong saad.

Tumawa nalang ito at dumiretso na sa garahe. Hinanap nito ang kotseng paborito nyang ipang karera ang Black, White & Gray na Bugatti Veron nito.

---
Third Person's POV

Pag karating nila sa arena ay hindi na sila nagtaka ng makita nilang napakaraming taong nais subaybayan ang laban nila Frea at Bridgette.

Kapansin pansin ang kotseng minamaneho ni Bridgette dahil kakaiba ang style ng sportscar nito, bagong labas lang kasi ito kaya hindi pa pamilyar sa mga mata ng mga tao ang kotseng kanyang minamaneho.

Napatingin ang lahat ng mga tao at maski sila Dylan at kanyang barkada ay tutok na tutok sa kotseng minamaneho ng dalaga.

"Woaaahhhhh!!! Bilib ako sa taste ng kotse ni Bridgette! Kasing hot nya ang kotse nya!" Napapabilib na tugon ni Reid.

Samantalang tahimik lang na nagmamasid si Dylan sa kanyang tagiliran.

Pagka park ni Bridgette at Francine ay agad na silang bumaba ngunit bago pa bumaba si Bridgette ay isinuot nya muna ang kanyang shades dahil tirik ma tirik ang araw sa Arena, bumaba na silang dalawa at chini-check nila kung ayos pa ba ang tires ng mga gulong. Hindi nila alintana ang mga matang nakapaligid sakanila dahil busy sila sa pag oobserba at pag kokondisyon ng sasakyan ni Bridgette matagal tagal na din kasi itong na stock sa garahe kaya kylan ng check up. Habang tinitingnan nila kung ayos pa ba ang mga tires ng gulong ni Bridgette ay may naririnig silang bulong bulongan.

"Ang astig ni Idooolllll Woooooo!!!!!" Guy 1

"Pag lagi lagi ko syang nakikitang ganyan, pahulog naman ng pahulog ang nararamdaman ko sakanya jejeje" Guy 2

"Yow dude! Her face looks like a Goddess. Damn!" Guy 3

"Cute nung kasama ng makiki karera" Guy 4 na tinutukoy si France.

"Chige! Sainyo na yang si Girl! Basta akin nalang ung Sportscar nya! Nainlove aketch sakanyang Sasakyan beh!" Sigaw ng bakla.

Nakarinig pa ang dalawang babae ng foot steps papunta sakanila at tila hinuhulahan kung sino ito at di nga sila nagkamali si Frea ang lumapit sa kanila.

"What's up bitch? Handa ka na bang matalo?" Frea smirked.

Nginitian na lamang siya ni Bridgette ng nakakatakot, sanhi para mangilabot uli ang mga manononood.

"o.. oh baka gusto munang umatras?" Magkanda utal na sabi ulit ni Frea

"Just show me what you've got!" Sagot na lamang ni Bridgette na mas pinalamig pa ang tono.
Inayos na ni Frea ang kanyang postura at binalik ulit ang pagkabitch nito.

"Bring it on Sister!" Malandi at sarkastikong saad ni Frea at saka naglakad na patungo sa kotse nito.

Nagkibit balikat na lamang si Bridgette at tinungo na ang kanyang kotse ngunit bago sya pumasok sa loob ay isinuot na muna niya ang kanyang Ash Leather Jacket at isinukbit na sakanyang tenga ang headphones niya. Hindi tuloy maiwasan muli ng mga lalaki na humanga sa ganda at ka astigan ng dalaga lalo na si Dylan na tahimik padin na nagmamasid sa dalaga. Tila kinakabahan ang binata sa posibleng mangyare rito.

Bridgette's POV

Ipinarada na namin ni Frea ang kanya kanya namin na kotse sa Starting Line.

At pumunta na sa gitna ang kaklase kong babae na tila hindi alam kung paano mag damit ng maayos, naka bra lamang ito at nka pekpek shorts katulad ng kay Frea, no wonder kung magkaibigan sila parehong WHORE. Pagkadating nya sa pagitan ng kotse namin ni Frea ay agad na din itong nagsalita kaya mas pinalakas pa namin ang ingay ng aming mga kotse...

"Easy guyz! Easy and be ready darlings" napahagikgik at malanding tugon ng babae na parang nag re-referee saamin. Itinaas na nito ang kanang kamay nito na may hawak na black flag na maliit na triangle...

"Ready . Set. Goooooooo!" Pagkasabi nya noon, sinabay nyang ibaba ang knyang black flag at saka ko tinapakan ang selinyador o ang booster ng kotse ko, nagsihiyawan naman ang mga tao ng patakbuhin namin ni Frea ang aming mga kotse.

Para marating ang Finish Line kylangan naming makompleto ang 3 laps, kada lap ay 5 kilometro ang layo.

Nasa harapan ko ngayon si Frea at tila nagpapakita ito ng gilas. Natapos na namin ang isang lap ngunit hindi parin ako ang nangunguna. Naghihintay lang kasi ako ng tamang tyming bago ko sya lampasan.

Nang makahanap ako ng butas para malampasan ito ay agad ko pinindot ang turbo ng sasakyan ko saka ko pinaliko ang manibela para makasiksik na ko.
'Now it's my turn honey, it's my turn, Vicious Empress will never be beaten.' Nakangisi kong tugon sa aking sarili..
Nagsihiyawan naman ang mga tao ng malampasan ko na ang kotse ni Frea at napatayo pa ang iba.

Nasa kalagitnaan kami ng 2nd Laps ay bigla nyang pinantayan ang aking kotse. Nasa bandang kanan ko sya ng bigla nyang buksan ang window nya saka ngumiti ng nakakaloko at ang gaga ay may hawak pala na katana... Saka nya tinapon ang katana nya sa aking gulong sa harapan kaya ang ginawa ko ay tinapakan muna ang silinyador para hindi matamaan ang gulong ko. Kaya ang labas nasa harapan ko nanaman ito.
Oo nga pala No Rules kami. Kaya maari nyang gawin ang anumang gawin nya. Nginisihan ko naman ito ng pang demonyo kung Dirty Tricks ang gusto nya edi Ibigay ang hilig.

Inilapit ko ang kotse ko sa bumper ng kotse nya sa likod at ang ginawa ko ay....

***** ***** ***** ***** *****

Ooops bibitinin ko muna kayo :D

KEEP VOTING!
&
More More Comments Guyz!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 20, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Vicious EmpressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon