BAKAS

73 2 0
                                    

Isang lihitimung Albularyo ang aking lolo, sa lugar ng bicol, bata palang ang ina ko , ito na ang kanyang gawain, madalas siyang ipatawag pag may sakit or nabati ang kanyang mga pasyente. Minsan di ako naniniwala sa mga engkanto o sa mga kaluluwang ligaw.

Taong 1999 ng magbakasyon kami sa bicol galing kami ng baguio, dahil matagal na d kami nakita ng lolo, sa mga oras na iyon may pupuntahan ang lolo kasama ang isa kong tita, at bilang isang makulit na bata nagpumilit akong sumama.

Sa isang malaking bahay na kung titingnan ay parang panahon pa ng mga "Espanyol" dahil sa pag ka antique nitong itsura, ng kami'y nakapasok isang matandang babae ang sumalunbong sa amin, ito na pala ang may-ari ng bahay at nagsimula na itong magkwento

Kamamatay lang ng kanyang asawa last month pero after daw ipa- cremate ito may kakaiba na nangyayari sa kanilang bahay, dahil ung usual na ginagawa ng kanyang asawa ay madalas nila marinig at maramdaman na nasa bahay parin ito ., tulad ng mga gamit sa kusina , pagtunog ng mga pinggan , kutsara dahil sa hilig nito magluto , pag galaw rin ng mga drawer at kabinet sa kanilang kwarto at mas nakakatakot ay ang paglalakad nito sa hallway suot at pabirito nitong tsinelas na gawa sa bakya.

Ang sabi lang na aking lolo ay d pa niya tanggap ang kanyang pagkamatay kaya nanatili siya rito at kung gustohin man niya umalis ngunit  d niya alam ang daan palabas

"Asaan ang kanyang abo? , magsaboy ka ng kanyang abo sa labas ng inyo pinto tawagin mo ang kanyang pangalan para makita niya ang daan palabas "

Ginawa ng ginang ang sinabi ng akong lolo, habang naghihintay kami na may babakas duon, lumipas ang ilang segundo may talampakan nga na unti unting bumabakas pero ang porma nito ay papasok ng bahay bakit ganun?

Nagtanong ang ginang kung bakit paloob ang bakas , yun daw ang sinyales na nakita niya na daan kung saan siya dapat at eto na ang huling makakasama niyo siya sa loob ng inyong tahanan

Habang minamasdan ko ang mukhang na ginang ay mangiyak ngiyak eto sa lungkot at labis na pagkaulila niya sa kanyang asawa !.

Takot ka na ba? (BOOK I )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon