Maci the Ice Queen at the side~ <3
Maci's POV
“*MACI, I love you! Will you go out with me!?”
(A/N: *Maci is pronounced as Masi)
Matamang tiningnan ko mula ulo hanggang paa ang kung sinong impakto na biglang sumulpot sa harapan ko at sumigaw ng “I love you” sa mukha ko. Ngumiti ako ng matamis. “Thanks.”
Lumiwanag ang mukha ng impakto na kanina lang ay parang maiihi na ito sa sobrang kaba. “Ang ibig bang sabihin ba niyan ay–?”
“But…” My sweet smile disappeared. I raised one of my perfectly arched eyebrows and cut him mid-sentence. “…no, thanks. You’re not even close to my type.”
Natulala at napanganga ang impakto. Obviously, he got his hopes up way too high when I said “thanks” to him. Normally, maaawa pa ako sa kanya pero kilala ko kasi siya at alam ko na rin ang reputasyon niya sa buong campus bilang isang malalang sexist. Na-witness ko pa nga nang minsang may binastos siyang babae. He humiliated the poor girl in front of everyone at the school parking lot just because the girl was driving a little too slow for his taste. Nag-iwan ito ng masamang lasa sa bibig ko.
I smiled sweetly again nang makita ko na halos hindi na maguhit ang mukha niya sa sobrang pagkapahiya. At saka ko siya tinalikuran. “Bye!”
Nilapitan ako ng mga kabarkada ko na kanina ko pa napapansin na nanonood sa kagaganap lang na little scene namin. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad kaya sumabay nalang sila sakin.
“Bitchy, bitchy, bitchy.” Natatawang umiling si Shyanne, ang pinaka-fashionista sa aming magbabarkada at sa buong campus.
“Maci, you are so mean.” sabi naman ni Yazzie. Ako naman ang napailing at napangiti. Bagay na bagay talaga sa kanya ang titulo niya. Ito na siguro ang pinakamabait na taong nakilala ko kaya nga ito rin ang pinakamasarap asarin.
“…as always. Eh, ano pa ba ang inaasahan niyo sa nag-iisang ‘Ice Queen’ ng campus? ” Ash added with a chuckle under her breath. Halatang kagagaling pa lang niya sa daily exercise routine ng club na napagtripan niya lang na salihan ngayon. Siya ang pinaka-athletic samin. Every other week, may mga club na sinusubukang ipirata siya dahil sa galing niya sa lahat ng sports known to man kaya every other week din siyang nag-iiba ng sinasalihang club. The school and the clubs don't really mind. Having Ash is an honor for them kase malaking tulong sa kanila si Ash when it comes to winning competitions and to boost the reputation of the school. Pati nga ang ilang sports club ng mga lalaki, kinukuha din siya.
“Oo nga naman. That title was practically made for our one and only Maci Aven Andrada, ‘no!” Exaggerated na pagsang-ayon naman ni *Shyanne sa mga ito. Napailing nalang ako sa kung saang direksyon patungo ang usapan naming iyon.
(A/N: *Shyanne - Shiyan)
May weird na tradisyon kasi ang school namin. Nag-ko-conduct ang Student Council ng University namin ng isang popularity contest every year, and, for some strange reason, only freshmen compete in that stupid contest. Seperate ang contest for girl and for the boys. Yung sa boys, sa middle of the semester pa. Ewan ko kung bakit. Wala rin naman akong pake.
BINABASA MO ANG
The Campus Ice Queen (Revising)
JugendliteraturMaci liked him. He liked her. Happy ending, diba? But as it turns out, he never really liked her at all. He just played with her feelings. Pinaasa. Saklap, diba? So naturally, Maci gradually hated him. She realized that the saying "the more you hate...