Chapter Ten
“YOU know, you’re always so spot on when it comes to other people. But, when it comes to yourself, you’re absolutely clueless, aren’t you?”
“And here I was, trying to help you with your relationship with one of my best buds.” Sarkastikong tugon ni Maci. She gave Alrick, who was sitting opposite her, a side glance with a raised eyebrow. “Ganyan ka ba talaga magpasalamat sa taong tumutulong sa iyo?”
Tumawa ito. “Sorry. Ganoon lang kase ang dating mo, eh.”
“What do you mean?” nakuha ng sinabi nito ang buong atensyon niya. Hindi naman dahil napipikon na siya sa pinagsasabi nito tungkol sa kanya, kung hindi ay dahil na-curious siya. Bukod kase sa mga kaibigan niya at pamilya, wala nang ibang taong naglakas-loob na sumabi sa kanya kung ano ang totoong tingin ng mga ito sa kanya o sa kanyang ginagawa. Except for Dusk, of course. Kaya naintriga na rin siya.
“I mean… you’re good at judging people. Isang tingin mo pa lang, alam mo na agad kung ano talaga ang pakay nila o nararamdaman nila.”
“Like me finding out that you’re head-over-heels in love with Yazzie.”
“Oo. Pero…”
“Pero?”
Bago nito natapos ang sinasabi ay biglang tumunog ng ubod ng lakas ang ringtone ng cellphone nito. “I have to take this call.”
“The infamous first love, huh?” nang hindi ito sumagot ay alam na niyang tama siya. “Go ahead.”
“Thanks.” Tumayo ito at lumabas. Doon nito sinagot ang tawag.
“Hnnn…” kinuha niya ang kanyang Starbucks Java Chip Frappuccino at itinuon uli sa ibang bagay ang pansin. Mukhang alam na niya kung bakit ganoon nalang ang selos ni Yazzie sa ex nito.
Wala naman talaga silang planung magkita ni Vinz. Pero nang magkatoong nagkabanggaan sila sa Starbucks café na iyon, kinuha na niya ang pagkakataong iyon upang tulungan ang kaibigan niyang parang naloloka na dahil sa selos nito sa first love ng lalaking mahal. Of course, hindi niya ipinahalatang gusto talaga niyang tumulong sa mga ito. That just wasn’t her style.
“Yazzie’s coming back this evening at 6 o’clock. Sharp.” agad niyang turan nang makabalik ito.
Nanatili lang itong nakatayo lang sa harap niya. Nang makabawi ito sa pagkabigla, unti-unting gumuhit sa mga labi nitong ang napakalaking ngiti. “Thank you!”
“You better not make her cry anymore. Kung magkataon, ipapa-salvage kita.”
“Promise! Kaya naman pala patay na patay ang taong iyon sa iyo, eh… Sige, alis na ako!” dali-dali nitong kinuha ang backpack nito. Tumalikod na ito. But after taking just one step, he turned around to face her again. “As thanks, bibigyan din kita ng exclusive info. Dusk likes you. Sige, bye!”
Iyon lang at iniwan na siya nitong naka-uwang ang bibig. What just happened? It felt like a tornado just flew by. At ano iyong sinabi nito?
Dusk likes you.
“D-Dusk…likes…me?” biglang uminit ang kanyang mga pisngi. Teka, may lagnat na naman ba siya? Ch-in-eck niya ang temperature niya, wala naman siyang lagnat. Pero bakit ganoon? At ano ba iyong nararamdaman n iyang kakaibang saya?
Wait. Saya? Does that mean that she’s happy because Dusk likes her? The Dusk? Iyong lalaking kailan lang ay tinuturing niyang worst enemy?
Oh, c’mon…
HINDI pa rin maalis-alis sa isip ni Maci ang sinabi ng lover boy ni Yazzie sa kanya. Kaya tuloy, tuwing nagkakalapit sila ni Dusk ay naiilang na siya. Kaya tuloy ay hindi na niya nakakayang makasama man lang ito sa iisang silid. Sa tuwing umaga ay sinasadya niyang bumangon ng matagal para hindi niya madatngan itong kumakain pa ng agahan, para hindi siya mapipilitang saluhan ito. Tuwing tanghali naman, lumalabas siya ng bahay at iniistorbo ang mga kaibigan niyang walang loverboys. And she also purposely goes home very late.
BINABASA MO ANG
The Campus Ice Queen (Revising)
أدب المراهقينMaci liked him. He liked her. Happy ending, diba? But as it turns out, he never really liked her at all. He just played with her feelings. Pinaasa. Saklap, diba? So naturally, Maci gradually hated him. She realized that the saying "the more you hate...