Chapter Eight

43 4 0
                                    

Chapter Eight

HINDI magawang ilarawan ang inis na nararamdaman ni Maci nang umagang iyon. Nang dahil sa naging panaginip niya nang nagdaang gabi ay naaalala na niya ang lahat tungkol sa nakaraan nilang apat. Nalaman niyang gino-good time lang pala siya ng magagaling niyang mga kaibigan. Oo, naging malapit silang dalawa ni Dash noong mga bata pa sila pero nagsinungaling sila sa pagsabi sa kanya na nagbago ang ugali niya simula nang malaman niyang lilipat ito dahil natural na siyang maldita, suplada, at isolated; inborn na sa kanya iyon. Ngunit sa kabila ng katotohanan na ubod siya ng kamalditahan noong mga bata pa sila ay alam niyang hindi naging miserable si Dash sa company niya. Sure, he always seemed like he was going to pee his pants, but she remembered it clearly how happy he was whenever they were playing together; lalong-lalo na kapag nag-ba-bicycle sila sa garden ng mga ito.

“Kung hindi lang talaga nagbabakasyon sa ibang bansa ang mga iyon, kukutusin ko talaga ang mga kutong lupang iyon!” gigil na gigil niyang tinusok ang pobreng jumbo hotdog gamit ang kanyang tinidor at sinubo iyon ng buo sa bibig niya. “Ang walang hiyang Dash na iyon, naglihim pa sa akin!”

“So, this is the real Ice Queen, huh? Not much.”            

Hindi na niya kailangan lingunin ito para malaman na isang walang hiyang palaka ang nagsalita sa likuran niya. “Pwede ba, Dusk? Wala ako sa mood ngayon. Kaya lubayan mo ako at baka ikaw pa ang magiging dahilan kung bakit makukulong ako ng wala sa oras. Ayoko pang makapatay ng tao.”

“Hnnn…Are you saying that you’re willing to kill someone just for my sake?” eksaherado itong bumuga ng hangin. “Grabe! Hindi ko akalaing ganyan ka pala kapatay na patay sa akin. This makes me feel a bit guilty.”

She put the glass of water on the table using the kind of force that carpenters use to hammer a nail on a hard, old wood. Hindi na niya pinansin ang tubig na natapon sa mukha at damit niya nang dahil doon. Nakatuon ang halos buong atensyon niya sa dumurugo niyang kamay na hawak-hawak pa rin ang ngayo’y basag na na baso. Ngunit hindi niya alintana ang kirot na dulot niyon sa kanyang kamay, lumulutang lang ang kanyang isip habang siya ay nakatanaw sa paghalo ng tubig at ng kanyang dugo.

“What the hell is wrong with you!?” kinuha agad ni Dusk ang basag at duguan na baso mula sa sugat-sugatan niyang kamay. Niyugyog siya nito sa magkabilang braso. “Are you okay?”

NAGISING si Maci sa naramdamang biglang pagkirot ng kanyang kanang kamay. Sinubukan niyang itaas ito pero lalong lang sumakit iyon. Sinubukan niyang bumangon pero hindi niya nagawa. A set of strong arms reached out to her and gently helped her lie back down on the soft, vanilla-scented matress.

“Don’t get up yet, Brat.” Mahinahon ang boses ni Dusk pero hindi maikakaila ang irritasyon sa likod niyon.

Tinapik niya ang mga kamay nito palayo at inirapatan ito. “Wala akong natatandaan na binigyan kita ng permiso para hawakan mo ako.”

“Naturally.” Mahinahon pa rin itong humarap sa kanya. “Dahil hindi mo nga ako binigyan ng permiso. But I don’t care.”

“You should.” Pinapangako niyang hinding-hindi na siya magpapatalo ulit rito. “Nakikitira ka nga lang dito sa bahay ko, wala ka pang respeto.”

“This isn’t your house. It’s your parents. And I only give my respect to those who deserve it. And let me tell you this, you little brat…you don’t.”

“How dare you–ouch! What the…” hahagisan niya sana ito pero nang subukan niyang igalaw ang kanang kamay niya ay napangiwi siya sa sakit. Tiningnan niya ang kamay niyang maingat na nakabalot ng bandage. Anung nangyari sa kamay niya?

The Campus Ice Queen (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon