Chapter Two

78 5 0
                                    

Dusk at the side, mga yo~ <3 ;)

Maci's POV

Aalis na sana ako nang biglang hawakan ni Shyanne ang braso ko. Sometimes, it really amazed me how I could still be so close with this fashionista kahit na ang matalik na kababata nito ay ang tinamaan ng lintik na si Dusk Jhaikeb de la Vega!

“So, ano na? Payag ka na bang tulungan ako?” tanong ni Shyanne sa asungot na si Dusk na hanggang ngayon ay nasa harapan ko.

Hindi niya sinagot si Shyanne at sa halip ay mataman akong tinitigan. Hindi naman ako nagpatalo sa kanya, sinalubong ko ang mga mata niya. Wala talaga akong mabasang kahit na anong emosyon sa gwapong mukha niya, hindi tulad ko na obvious ang pagkairitang nararamdaman para sa kanya.

“Hoy! Earth to Dusk and Maci!” pag-aagaw ni Shyanne sa pansin namin. “Mamaya na nga kayo magharutan diyan. This is not the time for a lovers’ quarrel. I have a problem here, people!”

“Are you blind? I don’t even like this asshole!”

“Are you blind? I don’t even like this bitch.”

Sabay naming kontra sa sinabi ni Shyanne. Tiningnan niya ako na para bang papatay na siya ng tao. Kung sa tingin niya ay magpapatalo ako sa kanya, neknek niya, ‘no! I gave him a pair of Basilisk eyes myself. Hindi ko alam kung paano naging staring contest iyon pero kahit sino saming dalawa ay obvious na ayaw magpatalo.

I could see from my peripheral view that Shyanne rolled her eyes. She then waved her hand in front of us to stop us, making the match a draw. “Okay, whatever. You clearly don’t like each other. Fine. Can we just go back to me now!?”

Hindi pa rin namin siya pinansin at ang kapritso niya. I pointed her forefinger at the guy who’s still standing in front of me. “Hey, you damn jerk! You have no right to call me a bitch!”

Pumalatak siya. “And you have no right to call me an asshole and a jerk. So, we’re even, Brat.”

Tumalikod na siya at nagsimulang lumakad palayo.

Sa inis ko rito ay hindi ko na namalayang nasa kamay ko na pala ang isang Prada shoe ko. Huli na ang lahat nang matauhan ako. I had already thrown my shoe and it landed with a thud on his right shoulder. Napahinto siya dahil doon. Masakit kaya yun? Malamang. Lakas ng ingay, eh.

Hala... Hmmm... Oh, well.

“Hoy! ‘Wag mo akong talikuran ‘pag ganitong hindi pa ako tapos magsalita!” pagsigaw ko sa kanya.

Dahan-dahan siyang humarap sakin.

Bahagya pa akong nagulat nang makita ko ang emosyong nakaguhit sa mukha niya. Galit na galit siya. Namumula pa nga ang tungki ng ilong niya at ang magkabilang pisngi niya sa sobrang galit – which made him even more gorgeous. Buwisit! Peste! Tikbalang!

“What?” tanong niya. Halatang nagtitimpi na siya sa galit. Siguro sa mga sandaling iyon ay gusto na niya akong ibitin ng patiwarik sa sobrang galit niya sakin.

I smiled sweetly. Ewan ko lang pero sa halip na mabahala ako ay parang naaaliw pa ako sa reaction niya. “Nothing. I’m done talking. Kanina pa. Pwede ka nang umalis, my dear servant.”

Ang akala ko ay susugurin at sasakalin na niya ako dahil sa hirit ko. Pero talagang ikinagulat ko nang biglang nag-iba ng ekspresyon niya. Ngumiti ang hudyo! Dusk Jhaikeb de la Vega does not smile. Simangot? Oo. Smirk? Most of the time. Pero, smile? Never. Doon na ako nabahala. Alam kong may pinaplano siyang gawin bilang ganti sakin.

“Yes, my queen. Your humble servant will be on his way now.” Teka! Nababaliw na ba siya? It wasn't his head that got hit. Right? Right.

Well, at least hindi ako ang may kasalanan kung tuluyan na ngang mabaliw itong tikbalang na ‘to.

Naguluhan ako nang lumiko siya at nang pulutin niya ang sapatos ko na ibinato ko sa kanya kanina. Don't tell me... “Hoy! Anong gagawin mo sa sapatos ko? Ibalik mo yan sa ‘kin, walang ‘ya ka!”

Pero hindi na niya ako nilingon pa at tuloy-tuloy lang siyang lumakad na palayo.

“Damn you!” pahabol na sigaw ko sa kanya.

After kong pinanggigilan at nag-sta-stomp sa ground dahil sa pag-shoenap niya sa precious prada ko, tumingin na ako sa kanina pang nananahimik na kaibigan. Ang walang hiya! Kaya pala natahimik siya, kinukunan na pala kami ng video sa never-absent-always-present DSLR camera niya! Pilit kong inagaw ang camera nito pero mas maliksi ito kaysa sa kin at mas matangkad pa kaya hindi ko talaga nakuha iyon.

“No way! Ayos itong souvenir.” sabi ni Shyanne, ang lapad pa ng nakakaloko niyang ngiti.

Nung pinagsasabi ng babaeng to?

“Bakit? Souvenir saan?” naguguluhang kong tanong sa kanya.

“I don't know yet either. Hahahah! Basta, feel ko lang.” -Siya.

“Weird mo rin, ano?” -Ako. I smiled at her.

Shyanne smiled back at me. “And that’s why we’re such good friends.”

The Campus Ice Queen (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon