chapter 1- Farewell

287 3 0
                                    

Fear is a pair of handcuffs on your soul. -Faye Dunaway

Isang kalabog ang nagpabalik sa diwa ko mula sa pagkakahimbing. Hindi man ito kalakasan subalit dahil na rin sa babaw ng tulog ko ay nagawa ko paring magising. Labag man sa sistema ko ang imulat ang isa kong mata ay pinilit ko pa rin at tamad na sumulyap sa desk clock.

Utang na loob alasyete pa lang ng umaga, tatlong oras mula ng makatulog ako!

Muli akong pumikit subalit ilang sandali pa ay napalitan ito ng marahan na pag katok mula sa pintuan ng aking silid.

argh! Getta life!” I shouted on the top of my lungs, to send that son of a gun away.

Mas lalo kong itinakip ang unan sa aking tenga at nag talukbong ng kumot dala ang pag asang magsasawa rin kung sino man ang pangahas na ito.

Lumipas ang ilang sandali at namayani namang muli ang katahimikan na siyang ipinagpapasalamat ko.

Makahihimbing na sanang muli ako ng bigla na naman itong kumatok at sa pag kakataong ito mas doble ang lakas ng nililikha nitong ingay.

Argggghhhhh!!

"Swear! I will skin you alive in a count of three, don't try my patience!" puno ng prustrasyong sigaw ko.

Geez! For the love of cheese cake! What's on earth? ano ba ang kailangan ng nilalang na to at kailangan pang mang istorbo?

"Casper hija, ang Grandma to. Get up, ngayon ang dating ng mga Obregon sa mansyon." Sagot ng isang boses mula sa labas ng pintuan.

Suddenly realization hits me,

Grandma ?
Obregon ?
Mansyon?

Kahit hirap akong pagtagpi tagpiin ang tagpong ito dahil kagigising ko pa lang ay pinilit ko pa rin. At marahas akong napatapik sa noo ko ng maalala kong nasa hacienda nga pala ko dalawang araw na ang nakakaraan.

That explained everything and with that, something make sense !

Shit! hindi si Crade ang kumakatok kundi si ---

How can I Goddamn forgot? ?

Great casper!, kelan ka pa nawalan ng modo kay grandma? sundot ng isang bahagi sa isipan ko.

Sa isiping ito ay mabilis pa sa alas-kwatro kong nilipad ang doorknob.

Bumungad sa akin ang isang sopistikadang babae na kahit nasa late 60's na ang edad ay bakas pa rin ang nag daang ganda nito na hindi kinayang maitago ng panahon.

"Mabuti naman at bumangon ka na hija. Mag bihis kana at pupunta tayo sa mansyon ng mga Obregon." malumanay ang tinig nito na kay sarap pakinggan.

"Ahhmm,, I-i" i stuttered. Huminga muna ako ng malalim bago nagsalitang muli.

"Pasensya na po sa pag sigaw, akala ko ho ay si Cra-- I mean ang sekretarya ko.. ahh, sige po." kagat labing sagot ko habang nakayuko. Hindi ko kasi kayang salubungin ang kanyang tingin dahil na rin siguro sa sinabi ko kahapon. Subalit gayon pa man, alam kong nag pakawala pa rin siya ng tipid na ngiti na madalas niya namang gawin.

WaywardsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon