Chapter 3- The Traitor

160 3 0
                                    

I never think of the future. It comes soon enough. -Albert Einstein

Maaga akong gumising kinabukasan plano kong pumunta sa hospital para gawin ang trabaho ko. Well, even though na pagmamay-ari ko ito, kailangan ko parin naman itong bisitahin upang i-monitor at pumirma ng sang katerbang dokumento at proposals na nakalatag sa mesa ng opisina ko na nangangailangan ng approvals.

I hurriedly took a shower in the bathroom at nag-handa para sa pag-alis ko. dadaan na lamang ako sa paborito kong coffee shop para kumain. Sinilip ko ang katabi kong kwarto kung saan natulog si crade para sana mag-paalam pero himala at wala na ito roon mukhang maaga itong umalis. Madali akong lumabas ng bahay pero bago yun' sinigurado ko munang nakalock ang lahat ng pintuan ng bahay ko including the back door.

Lulan ng aking sasakyan, binagtas ko ang kahabaan ng Expressway para dumeretso sa coffeeshop at since maaga akong umalis ng bahay naging smooth naman ang naging byahe ko. alas-syete singko pa lamang ay narating ko na ito. Inayos ko lang ang pag-kakapark ng sasakyan ko bago pumasok sa "hatte latte", hindi naman ako nahirapang umorder dahil wala pa namang masyadong tao. Pagkakuha ko ng order ko ay may nakatabig sakin mabuti na lamang at naging maagap ako kung hindi ay natapon na siguro sakin lahat ng laman ng tray na dala ko, seconds has passed subalit wala akong narinig na paumanhin mula rito kaya napilitan akong magtaas ng tingin.

samalubong sakin ang nakashades na lalaki. mukha itong arogante dahil sa pilat nito sa kaliwang kilay may tatlong sunod-sunod na hikaw ito sa kanang tainga at dahil hindi ganun kadilim ang shades niya ay naaaninag ko ang mga mata niya na nakatingin ng diretso sakin.

"Masyado ka atang careless miss beautiful muntik mo na kong matapunan hindi kaba manghihingi ng pasensya?" maangas nitong tanong habang ngumunguya ng bubblegum.

How come na naging kasalanan ko yon, samantalang siya ang bumangga sakin kanina? Napailing na lamang ako. may mga tao nga naman talaga na inborn na ang pagiging bastos.

Tinanggal nito ang shades niya habang nakatingin sakin. Gusto kong kilabutan sa klase ng pag-tingin niya subalit pinilit ko paring umakto ng kaswal. Malaki ang katawan nito na mistulang bouncer sa semi kalbo nitong buhok. Base on his action and how he spoke a while ago i knew it already, ginagamit nitong advantage ang malaki nitong katawan upang manlamang at manakot ng kapwa at siguro kung ibang babae lamang ako ay matatakot na ako rito at tatanggapin ko ang pag-kakamali na hindi ko naman kasalanan.

"pero dahil maganda ka naman at-- hmm, sexy din. Bakit hindi nalang natin ito pag-usapan?" Sabi nito habang sinusuyod ng tingin ang katawan ko. Nakasuot ako ng formal attire na white blouse v-cut na may embroider sa dibdib na hindi naman ganun kababa ang neckline at tenernohan ng pencil cut na paldang kulay itim na above the knee.

Gusto kong mahintakutan sa pag-kakataong ito dahil sa klase ng pag-tingin nito sa akin at sa klase ng pananalita nito, ang creepy kasi talaga ng dating ng itsura niya. Ganun pa ma'y hindi ako nag-pakita ng kahit anong reaksyon nanatiling diretso lamang ang tingin ko sa kanya habang naka-chin up.

Lumakad ito ng paabante papunta sa direksyon ko, akala ko ay lalagpasan na niya ako subalit laking gulat ko ng bigla itong huminto sa gilid ko at dumikit sakin. Naramdaman ko ang pag-amoy nito sa leeg ko.

fuck this moron! sumosobra na siya! ngayon siguradong-sigurado na ako na modus na nito ang kunwa'y pagbangga sa isang tao para takutin at mag-take advantage. Pero dahil ayaw ko ng eskandalo sa prestigious coffee shop nato ay nagtimpi ako. Nilibot ko ang mga mata ko medyo nakagilid kasi kami kaya walang nakakapansin samin. Busy ang lahat ng mga nandito may ilan pang may mga paper works sa mesa at yung iba naman ay laptop halatang kagaya ko ay dito nalang balak mag almusal para tapusin ang mga gawain nila.

WaywardsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon