You control your own life. Your own will is extremely powerful. -J.K Rowling
Mabilis kong dinampot ang nakarolyong papel na nakita kong nakatago sa mismong book shelf ni Valdez, base sa uri ng papel na ginamit dito at sa maayos na pag-kakatali ng leather na nag-sisilbing lock nito para manatiling nakarolyo ay masasabi kong iniingatan ito.
kung hindi ay bakit kailangang itago pa ito sa likod ng mga libro? I wondered ano kaya ang nilalaman nito?
Mabilis ko itong isinilid sa bag pack ko at luminga-linga sa paligid para humanap ng maaari ko pang madala.
Mukang wala na kong makukuha pa dito kaya nag-pasya na kong umalis pero bago yon, ikinabit ko muna ang dala kong surveillance camera sa gilid ng malaking vase sa tabi ng pintuan sigurado akong ito ang pinaka-magandang angulo na mamomonitor ang lahat ng sulok ng opisinang ito.
Okay, time to escape
Binuksan ko ang pinto at sumilip kung may tao sa labas, ng masigurado kong wala ay maingat kong inilapat ang pinto pasara at sinigurong walang ano mang ingay ang nalikha nito.
mabilis akong tumakbo pababa ng second floor, nag-papasalamat ako dahil maayos ko itong naakyat kanina ng wala man lang nakakita sa akin.
Nang maihakbang ko na ang paa ko sa huling baitang ng hagdan ay nakahinga ako ng maluwag.
But all of a sudden, bigla na lamang may tumunog. Huli na ng ma-realize kong sa akin pala ito nag-mumula.
'shit! that annoying ringtone?
Damn you Montevido!'ang walanghiyang Montevido na yon! sinabi ko ng wag tanga sa pag-lalagay ng gamit niya sa kung saan-saan, mantakin mong sa bag ko pa niya napiling ilagay ang bulok niyang telepono na laging naka full volume.
napa-face palm na lamang ako sa sobrang inis.
And now i know that they're running after me, kaya mas binilisan ko pa ang pag-takbo.
so much for the peaceful operation credits to crade-fcking-montevido I'll kill that asshole as a token of appreciation. Mabilis ang naging pag-responde ng isa sa mga tauhan ni valdez at humarang agad sa dadaanan ko.
"Tigil!" Sigaw ng isa sa mga humahabol sakin mula sa likod.
Tss. hindi naman ako tanga para hindi ko malaman na sa oras na huminto ako ay maaabutan na nila ko, so why should I stop?
"tabi!" Sigaw ko sa malaking tao na humarang sa dadaanan ko, mistula itong pader sa lapad at laki.
"pasensya na pero mali ang pinasok mo, pero sisiguraduhin ko namang hindi kana makakalabas dito ng buhay." mayabang na pag-babanta nito at mabilis akong sinugod.
I dodged his attack and kicked his chest hard, so that he can't manage to stand on. sinamantala ko na ito para makatakbo pero bago pa man ako makalayo ay pinilit nitong tumayo at mabilis na humawak sa isa kong braso na sa sobrang higpit ay napalingon ako, nakita ko ang tatlo pang paparating nasa tantya ko ay ito ang mga humahabol sakin kanina.
"Bitaw!" inis na sabi ko sa nakahawak sa braso ko.
"tigil sabi." sigaw ng isa sa mga paparating.
"ngayon tiyak na ang kamatayan mo mag-nanakaw, ibalik mo ang kinuha mo!" sigaw ng isa pa.
BINABASA MO ANG
Waywards
General Fiction"Our society is not intended for a weak and coward humdrums. It's a battle of survival and if you can't make it up I'm fucking sure as hell, talo ka. Maraming tao ang mag-mamanipula sayo, they will treat you as their living entertainment and walking...