It is hard to give unlimited power to limited minds.. - Nikola Tesla
The Continuation
-------------------------------------
(SPG)-------------------------------------
FIVE YEARS AGO...Cream Magdalee's POV
Pasado alas dose na nang gabi ng makauwi sa bahay.
Napakunot pa ang noo ko ng makita ko ang Avanza ni Daddy mula sa parking lot.
Oh, Nakauwi na pala siya mula sa Business trip niya sa Macau?
Ang sabi niya kasi sakin ay aabutin daw siya ng a week or two pero limang araw pa lamang naman magmula ng umalis siya.
Anyway, It's good. I miss him so much.
Tahimik na ang kabahayan ng pumasok ako sa loob. Bihira akong umuwi ng ganitong dis oras ng gabi kaya nanibago ako na wala man lamang maids akong naabutan.
Diretso akong umakyat sa room ko. Bunga ng pagod at antok, hindi ko na nagawang maghilamos o magpalit man lang ng damit. Humiga na ako at mabilis na iginupo ng antok.
MATAAS NA ang araw ng magising ako. Sumulyap ako sa wall clock at nakita kong alas-otso na.
Okay, my first class will be start on 10:30, I need to fix my self.
Paglabas sa banyo, isang Cropped top na spaghetti strap ang napili kong suotin mula sa closet, kulay green ito at binagayan ko ng faded gray na tight jeans bago ako humarap sa salamin.
Sobrang lumutang ang kaputian ko sa suot ko at na-emphasize lalo ang bawat kurba ng katawan ko na buong panahon ko atang itinago sa medyo malalaking formal blouses ko. Bahagya ring naaaninag ang cleavage ko sa suot kong spaghetti strap kaya nag-pasya akong ilugay na lang ang mahaba at itim na itim kong buhok na parati kong itinatali noon.
Nag-apply ako ng kaunting powder at mascara bago ko dinampian ng manipis na lipstick ang labi ko na hindi ko usually ginagawa.
Pagkasuot ko sa gold wristwatch ko at boots ay inihanda ko na ang mga dadalin kong gamit.
Hindi ko akalaing darating ang araw na maiisipan kong gamitin ang mga ganitong damit mula sa closet ko.
Well, life is a constant change and i need to deal with it..
Dala ang Chanel hand bag ko, mabilis akong lumakad palabas sa kwarto.
"Wow! thank you so much for this Tito, lagi ko tong gagamitin. Gosh ang ganda!" pababa pa lamang ako sa hagdan ay naririnig ko na ang matinis na boses ni Tara na halatang masayang masaya.
Dito na sila nakatira nung mommy niya mula nung last month subalit bibihira ko lang siyang makita. Marahil busy ito sa kung ano-anong kagagahan niya sa buhay.
Nang marating ko na ang huling baitang ay natanaw ko ang mahabang lamesa sa dining room kung saan abala silang lahat at masayang nagkwekwentuhan. Kung titingnan mo sila ay larawan ito ng isang masaya at perpektong pamilya.
si Dad..
si Mavery..
at si Tara..
Hindi ako nag-seselos dahil hindi naman ako immatured, hindi ko lang talaga maiwasang hindi maasar. Tara and her Mother Mavery, I'm freaking sure na wala silang magandang maidudulot samin ni Dad at kung ako ang masusunod? I'll sue them on our lives. Pero syempre wala ako sa posisyon para gawin yon' kaya hahayaan ko na lang sila.
BINABASA MO ANG
Waywards
General Fiction"Our society is not intended for a weak and coward humdrums. It's a battle of survival and if you can't make it up I'm fucking sure as hell, talo ka. Maraming tao ang mag-mamanipula sayo, they will treat you as their living entertainment and walking...