MHH 5

3.2K 109 14
                                    

Ito na ang Chappy 5 ng MHH. At sorry kung meron typo hindi ko pa kasi ito nababasa kaya goodluck sakin kung maganda ito.

Yell

"Hoy bakla! Magluto ka doon sa kusina dahil nagugutom na ko. Bilis! Huwag kang pa bagal bagal!"

Ayan kaagad ang sinabi ni Yohan ng makarating kami sa bahay namin.

"Sige.."

Dumiretso na ko ng kusina habang sya naman ay sa sala.

Menudo ang naisip kung lutuin kaya naghiwa hiwa na ko ng mga kailangan ingredients.

Hayyy akala ko pa naman ayos na kami. Ang gulo nya! Dapat hindi nya nalang ako sinunondo doon kila Cleashey! Kala ko pa naman namimiss nya ko ayun pala para may ma-utosan sya! Ano pa ba ang aasahan ko! Psshhhh nakakainis mag-assume!

"Ar-ouch!!"Sigaw ko. Nahiwa ko yung isa kung daliri. buti hindi naputol!

"Anong nangyari?!"Bigla nalang sumulpot si Yohan na mukhang nag-aalala.

"Ahhh.. Wala to nahiwa lang.."Nginitian ko lang sya habang hawak ko yung sugat ko para hindi masyadong labasan ng dugo.

"Ang tanga tanga mo kasing bakla ka eh!"Naiinis nyang sabi.

Bakit sya ba ang nasugatan? Tss.. Hindi ko nalang sya pinansin at hinugasan ko nalang ng tubig yung daliri ko.

"Ouch!"Ang sakit litsi!

"Huwag kang mag-expect na tutulongan kita!"

Napatingin ako sa kanya. May sinabi ba ako? Wala naman diba! Minsan talaga tanga din to eh!

"Edi wag.."Mahina kung sabi. Mahirap na baka marinig nya pa.

"Tss.. Talagang hindi. Makaakyat na nga at Ikaw! Huwag mo ng tapusin yan mamaya matuluyang maputol yang daliri mo! Mapapagastos pa ko sa katangahan mong bakla ka! O-order ako sa jollibee nakakasawa yang luto mo!"

"Ahh.. Ganon ba? Sayang naman itong mga nahiwa ko na.."Nanghihinayang kung sabi.

Maraming nagugutom sa mundo tapos itatapon ko lang ito?

"Edi ilagay mo sa ref! Minsan kasi gamitin mo yang kokote mo! Mga bakla talaga! Hayyy!!"Naglakad na sya paalis sa kusina.

Wala na kung nagawa kaya ibinalik ko nalang sa kusina yung mga nahiwa ko. Nauumay na siguto sa luto ko. Masarap naman daw sabi ni Cleashey. Ewan ko kung anong klase yung dila nya.

Makaligo na nga lang! Umakyat ako sa kwarto namin. Nakita ko si Yohan na naglalaro ng Y8 sa laptop nya. Ang isip bata nya ah! Hindi ko sya pinansin at kinuha ko yung tuwalya na nakasabit sa may pintuan.

Pagpasok ko sa banyo ay hinubad ko na yung mga damit ko. Tumapat ako sa shower na bumuhos. Woohhhhh ang lamig ng tubig ang sarap sa pakiramdam. Parang dinadala ako ng tubig sa ibang mundo. Hahaha ang OA.

Pagkatapos kung maligo ay binalot ko na ng tuwalya ang katawan ko. Mula dibdib hanggang sa kalahati lang yung kinaya. Mukha naman ata akong pokpok nito. Paglabas ko ng banyo ay nakita ko si Yohan na nakatayo sa may harapan ko. Mukhang nagulat din sya..

"Uhmmm.."

"Ba't ganyan ang ayos mo? Kala mo naman babae ka!"Sabi nya habang nakatitig sa legs ko.

"Uhmm... Ano.."Ang nahihiya kung sabi

"Magbihis ka na nga! Ang laswa tignan"Sabi nya.

Habang nakayuko ako ay hindi ko sinasadyang nakita yung bakat doon sa suot nyang pajama. Shit! Ba't parang ang laki nun?! Tinitigasan ba sya?!

My Homophobic Husband (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon