MHH 10

4.6K 148 98
                                    

"Masasarapan kaya sya?"Tanong ko sa sarili ko habang nakatingin ako sa niluto kong Kaldereta na nakalagay sa lunch box na di naman kalakihan, sakto lang para sa dalawang tao

Sinara ko ito at inilagay sa paper bag.

Pagpunta ko sa company ay hinarang ako ng guard.

"Sir, sino po ang sadya mo?"Tanong nya. Teka? Hindi nya ba ko kilala. Siguro.. Ngayon palang kasi ako pupunta dito eh.

"Uhmm.. Si Mr. Sanchez po.."Sabi ko naman.

"Wait lang po. Tatawagan ko."

Umalis sya, matagal sya bago bumalik siguro mga 5mins din

"Pasensya na po sir.. Hindi ko naman alam na asawa ka ni Mr. Sanchez kasi may babaeng laging pumupunta dito eh. Huwag nyo po sana akong sisantihen at pumunta po daw kayo sa 25th floor at hanapin nyo po yung kulay Red na pinto.."Ang nahihiya nyang sabi. Psshhh mukhang laging pumupunta dito si Liezel. Ang kapal ng mukha--- wrong silang dalawa pala ni Yohan. Paano nalang kung mahuli sila nila daddy. Edi magkakagulo ayaw ko pa naman na masaktan nila daddy si Yohan. Kung ako lang masusunod ayaw kung masugatan yung asawa ko o kahit magasgasan ang balat.

"Okay lang po.. Syaka kahit naman gusto ko hindi parin pwede dahil hindi naman ako ang nagbibigay ng salary nyo."Ang nakangiti kung sabi. Gusto ko kasing makita nila na sobrang laki ng agwat namin ni Liezel sa UGALI. Hindi sa pina-plastik ko si kuya guard ahhh..

"Ang bait nyo naman po. Hindi sa sinisiraan ko si Ma'am Liezel ahh ang sabi sabi po daw kasi ay may attitude problem yan.."

Nako! Nako! Nako! Si manong! Kalalaking tao napaka-chismoso!

"Ahh.. Ganon ba? Sige una na ko. Bye!!"Sabi ko at nag bye din naman sya.

Sumakay ako sa elevator at pinindot ang 25th floor. Grabe ang taas naman nitong building na 'to. Parang pagtinalon mo wala ka ng pag-asa dibale! Kapag hindi ko na ma-carry si Yohan itong building ang solution!

"Lalalalalalakakakaajekekeke"Kanta ko habang naghihintay. Ang tagal naman nabo-boring na ko eh syaka nahihilo. Alam nyo yung feeling na ganon? Yung pag-umaangat yung elevator ay parang nasusuka ka na ewan?

*TING!*

Yaassssssss!! Pagkalabas din! Hinanap ko lang yun kulay red na pinto at ayun!! Kaso may may dadaan kang babae bago ka makapunta sa opisina na Yohan. Mukhang secretary nya ito.

"Hi sir.. Ano po ang kailangan nyo?"Bati sakin ng Secretary. Ano ba yan! Lahat nalang ba kailangan akong tanungin bago makapunta sa office ni Yohan? Masyado naman syang pa-special eh!

"Si Yohan.."Tipid kung sagot. Wala ako sa mood makipag-chika ngayon.

"Who's that?---- Ohhhh sorry. Si Mr Sanchez ba?"

"Oo"

"What's your name?"

"Yell.."

"Okay you can come in.."Pagkasabi nya ay lumapit na ko sa may pinto at binuksan ko ito

"Ba't antagal mo?"Tanong nya pagka-pasok na pagka-pasok ko.

"Andimi kasing nangharang sakin eh.. Masyado ka kasing pa-special"Hininaan ko lang yun huli kung sinabi. Mahirap na.. Kahit naman nagbago yung pakikitungo nya sakin ng kunti ay sapakin ako nito.

"What did you say?"Tanong nya habang nanliliit yung mga mata. Tsss ang cute nya lang talaga.

"Wala.."

"Sige.. Umupo ka na ng kumain na tayo. Sigurado akong gutom na gutom ka na"

Umupo ako sa harap ng table nya pero pinalipat nya ko sa may lap nya.

"Dito ka umupo sa binti ko."Pagyaya nya habang pinapagpag ang kanyang binti. Nakakainis na sya sa totoo lang! Masyado syang Paasa!

"Dito nalang baka hindi ka makakain na maayos nyan. Alam mo naman na mahal na mahal kita ayaw kitang mahirapan."Ang pa-sweet kung sabi. Hahahahaha pabebe mode on!

"I know.."Ngumiti sya ng matamis pero pina-upo nya parin ko sa kanya kaya wala na kung nagawa.

Kumakain lang kami ng tahimik. Naubos naman nya yung niluto ko kaya nasiyahan naman ako. Kahit tahimik kami ay tini-treasure ko parin itong moment na ito first lunch date namin to! DATE??? Hindi siguro! Siguro mamamatay na si Yohan kaya bumabait na sya. Tsss huwag naman sana!

"How's your day?"Tanong ko sa kanya. Sinusulit ko na itong araw na to. It's time para naman siguro magkakilala kami ng lubos. Sa loob ng isang taon puro away lang ang ginagawa namin. Pero ngayon... Ito ngayon.. Naka-upo ako sa kanya. Sobrang saya ko pero hindi ko pinapahalata baka kasi sabihin nya ang exag ko! Eh bakit ba?!! Kenekeleg ako eh!! Hahahahahaha

"Nothing's special.."Malamya nyang sabi. Sabay bigla nalang syang ngumuso.

Anong ginagawa nya?

"Kiss.."Sabi nya. Susssss!! Yun Lang pala eh! May makukuwa din akong benefit no! Hahaha kaya hinalikan ko na sya.

Hindi nagtagal ay nakabukaka na ko sa kanya habang nakapulupot ang aking binti sa bewang at upuan nya. Ramdam ko yung tigas na tumutusok sa pwetan ko.

Shit!! Huwag naman dito!! Baka may maka-huli samin.

*Tok tok tok*

Bigla nalang akong napatayo dahilan ng paghihiwalay ng aming labi at katawan. Shit! Muntikan ng may mangyari dun! Kitang kita ko naman na nabitin sya hahaha lately ang manyak na talaga ng Asawa ko!

"Come in!!"Galit na sigaw ni Yohan.

Bumukas ang pinto.

"Honey! Ba't antagal mo buksan! May kausap ka daw? By the way nagdala ako ng lunch.."Sabi ni Liezel. Lumapit kay Yohan at hinalikan si Yohan.

Mukhang nagulat din Yohan. Sobrang sakit ng eksena. Gusto kung umiyak pero wala naman syang pakiilam. May tumulo na luha sa pisngi ko pero pinunasan ko kaagad kasi nakatingin sakin si Yohan.

"Anong ginagawa mo dito?"Tanong ni Yohan.

"Ginawan kita ng lunch---- ohhhh. Hi Yell.."Bati ni Liezel ng mapansin ako. Nginitian ko lang sya.

"Anong sadya mo sa boyfriend ko?"Ang nakataas na kilay na sabi nya.

"Uhmm.. Ano kasi---"

"Liezel umuwi ka na pupuntahan nalang kita pag may time ako."Pagputol nya sa sasabihin ko. Bakit natatakot syang malaman ni Liezel na ako yung kasabay nyang mag lunch? Ako naman talaga dapat. Sadyang makapal lang ang mukha mi Liezel.

"Sayang naman itong ginawa ko ohhh.."Sabay upo sa lap ni Yohan.

"Lumayo ka nga.."Sabay tulak ng marahan kay Liezel at tumayo sa pagkaka-upo. "Wala na kung gana. Ibigay mo nalang sa iba yan o kaya itapon mo nalang"Pagpatuloy nya.

"Anong bang nangyayari sayo! Last week ka pang ganyan. Hindi na kita maintindihan eh.."Ang nalulungkot na sabi ni Liezel.

"Wala babe.."Sabi ni Yohan sabay yakap kay Liezel. Yumuko nalang ako para hindi makita yung pag-iyak ko. "Sige na. Umuwi ka na babe. Pupunta ako mamaya sa inyo."

"Sige.. Hintayin kita mwuah!"Narinig ko nalang na naglakad na sya palabas.

Nang makabawi ako..

"Uhmmm.. Yohan.. Sige mauna na ko ahh.."Naglakad na ko at hindi nahinintay ang sagot nya pero bago ako lumabas ay may narinig akong sinabi nya.

"Mag-uusap tayo mamaya.."






AN:Sorry ngayon lang nakapag-update nawalan ng wifi eh.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 08, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Homophobic Husband (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon