MHH 6

2.9K 115 15
                                    

Yell

"Sabi ko na nga ba ayun ang habol mong bakla ka eh! Ano masarap ba ko?! Gago ka pinagsamantalahan mo ko!"Ayan kaagad ang bungad sakin ni Yohan pagkagising na pagkagising ko.

Nang magising ako ay nakita ko syang naglalakad pabalik balik sa kwarto nung makita nyang gising na ko simibol kaagad yung galit nya.

"A--no.."Hindi ako makapagsalita. Sya ang gumawa ng way para mangyari to diba?

"Hindi ka makapagsalita?!"Sigaw nya sakin.

"Diba ikaw yung nauna?"Ang nahihiya kong sabi.

"Malandi ka! Ako pa sisisihin mo ngayon?!"

"Ano bang nangyayari sayo? Binigay ko naman yung katawan ko.. Hindi pa ba sapat yun para mawala yung galit mo sakin? Ang sakit na kasi ng mga ginagawa mo. Alam mo minsan gusto na kitang hiwalayan at layasan pero hindi ko magawa kasi mahal na mahal kita.."Ang naluluha kung sabi. Pagkatapos nyang gamitin ako sya pa ang galit?

"Huwag mo kung artehang bakla ka ah! Makaalis na nga!"at lumabas na sya ng kwarto

Hindi ko alam kung saan sya pupunta. Iniiyak ko nalang yung nararamdaman ko, ganun naman lagi eh. Ako yung kadiri, ako yung malandi, ako na yung may kabit lahat ako na kahit na dapat sya yun. Pero hindi pa rin ako magsasawa titigil lang ako pagnatupad yung nga sign na hinahanap ko.

1. Umulan ng apoy

2. Maging blue ang araw

3. Magkaroon ng Zombie sa pilipinas.

Pagnangyari yan wala na talaga akong choice kundi ang hiwalayan sya. Papalayain ko na sya hindi ko na sya pakikiilaman hindi ko na ko magpapakita sa kanya para matahimik na sya.

Yohan

"Huwag mo kung artehang bakla ka! Makaalis na nga!"At lumabas na ko ng bahay.

Bwisit na yan! Di ko akalain na pumatol ako sa bakla at kay Yell pa. Hindi ko matanggap na nangyari yun. Nagawa ko lang naman kasi yun kasi.. ano.. ano basta wag nalang kayong magtanong potek naman oh!

Pagkalabas ko ng bahay ay sumakay na ko sa kotse. Gusto ko gumimik para mawala sa isip ko yung mga kadiring nangyari matawagan na nga lang sila gago!

"Hoy Eko! Pumunta ka na sa bar na pinupuntuhan natin lagi! Tawagin mo narin yung iba dahil tinatamad akong magtype ng number at masasayang ang load ko!"Bungad ko ng sagutin ni Eko yung tawag ko.

"Ang tamad mo talaga! Ang yaman yaman mo nagtitipid ka ng load. Ako pa patatawagin mo edi akin naman yung nasayang. Ano bang problema mo at nag-aaya ka ha?!"

"Wala kang pakiilam! Syaka wala akong problema kaya wag ka ng mag tanong ng tanong pumunta ka nalang, bigwasan kita eh!"

"Nag-away na naman ba kayo ni Liezel?"

Lately kasi lagi kaming nag-aaway ni Liezel dahil gusto nya ng hiwalayan ko si Yell. Sinabi ko naman na maghintay sya dahil sya talaga ang gusto ko pero matigas talaga ang bungo nya dahil atat na atat na sya kaya minsan napipikon na ko kaya nagsasagutan na kami lagi

"Hindi! Sabing wag ng magtanong putek ka naman!"

"Opo! Ito na po. Osya bababa ko na dahil tatawagan ko na po yung iba"

"Mabuti!"Sabay baba ng cellphone.

Kailangan kung makalimutan yun! Kinikilabutan ako kapag naaalala ko puta! Naakit ako sa bakla! Nalibugan ako sa bakla! I can't believe it! Sigurado akong ang saya saya nun. Ano pa nga ba? Lahat naman ng bakla burat at betlog lang ang hanap nila tas pagnagsawa maghahanap ng iba. Pero... Virgin si Yell. Pano nangyari yun???

My Homophobic Husband (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon