One

36 1 0
                                    

315 years ago...

"Ina,paalam na po... Sana'y patuloy pa rin kayong maging masaya sa piling ng Kaitaas-taasan...Pagpalain nawa kayo"

Libing na ni ina... Mag-isa na ko. Wala na din si ama.

ako'y isang ulilang lubos na. Pero kahit ganon,nagpapasalamat pa din ako kasi bago pumanaw ang aking ina, binigyan niya ako ng magandang buhay.

Tinupad niya ang pangarap kong maging isa akong mandirigma. Matagal ko na kasing nais lumaban at depensahan ang aking sarili. Kahit na isa akong babae.

"Jang Bae Suji"

"Mahal na hari..."--->Yumuko ako bilang paggalang

"Nakikiramay ako sa pagpanaw ng iyong mahal na ina"

"Maraming salamat po mahal na hari"

"nais kong paghusayan mo pa ang pag-eensayo para lalo ka pang gumaling sa pakikidigma Jang Bae Suji"

"gagawin ko po ang nais niyo mahal na hari...."

"Handa akong tulungan ka"

"Maraming salamat po mahal na Hari"

"Sige, ako'y lilisan na. Mag-ingat ka"

"Opo. Salamat po sa inyong pag-aalala"

Lumisan ang Mahal na Hari. Napakabait talaga ni Haring Chak Geum. Naging kaibigan siya ng aking nasirang ama.Kaya naman lubos ang kabaitan niya sa aking pamilya.

Lumabas ako dahil nailibing na ang aking ina.

Kailangan kong maging isang mahusay na mandirigma gaya ng aking ama. At para maipagmalaki din ako ng aking ina.

"Tulungan mo ko....."

0.0

Tumingin ako sa likod.

Nasilayan ko ang isang matandang babae na nakalupasay sa lupa na animong hinang-hina .

Agad ko siyang pinuntahan.

"Ano po ang maitutulong ko sa inyo? Ayos lang po ba kayo?"

"Gusto ko ng tubig...."

"Sige po. Maghintay lang po kayo diyan. Kukuha lang po ako ng sariwang tubig"

"Maraming salamat..."

Tumakbo ako ng mabilis para makasalok ng tubig. Tamang-tama ,may dala akong bao.

Sumalok ako ng tubig sa bukal.

"Heto na po. Uminom na po kayo"

Inalalayan ko siya sa pag-inom. Tila uhaw na uhaw talaga siya....  Nahahabag talaga ko.

"Salamat ... Ikaw lang ang tanging tumulong sa akin sa dinami-dami ng mga hiningan ko ng tulong. Saglit lang, ako'y may ihahandog sayo, dahil ito sa iyong kabutihan"

"Wag na po. Ayos na po sa kin ang makatulong sa nangangailangan"

"Kunin mo ito."

Nakita ko ang hawak niyang isang bughaw na bato na medyo may kalakihan.

"Ano po iyan?"

"Ikaw ang nararapat na mahandugan ng batong ito. Makikita mo na ang mundong hindi masisilayan kahit kailan ng ibang mamamayan sa panahong ito."

"Ano po ang ibig niyong sabihin??"

"Kunin mo..."

Hindi ko mawari ang tinuturan ng matanda.Kaya kinuha ko na lang ang bughaw na bato.

Tinitigan ko iyon....

"Ano namang kakaiba dito?"

Tumingin ako sa kausap ko.....Pero wala na siya!

"Nasan na yun??"

Hinanap ko sa buong paligid pero wala na siya!

******************************************************************

21'st Century.....

"Sehun, san ang punta mo ha?"

"Kailangan ko pa bang sabihin sayo ang lahat ng pupuntahan ko Darius??"

"Siyempre naman! Malay mo makidnap ka ng mga fans mo. Tapos di namin alam kung san ka hahagilapin!"

"Tsss... Ako makikidnap??  5 years na ko sa showbiz no. Sanay na ko sa mga taguan!"

"Mas maige pa din ang naninigurado Sehun. "

"Pwede ba, tigilan mo ko Darius. Kaya ko ang sarili ko. Hindi ko kailangan ng opinyon mo"

"Fine, bahala ka! Ikaw kasi ang superstar! Ikaw ang Prinsipe! Kaya ikaw ang masusunod ! Bahala ka nga sa buhay mo!"

Tsss... Sanay na ko sa mood ni Darius . Tch.. Lagi namang ganyan yan. Bestfriend ko na kasi yun since elementary pa lang kami. Tumulong din siya sa pag-aaudition ko . Kaya narating ko ang ganitong buhay.

*********

Nasa mall na ko. Siyempre nakashades ako at nakasumbrero,tapos simple lang ang damit ko. Mahirap na. Baka mahalata pa nilang ako si Sehun. Ayoko na nang pinagkakaguluhan. Medyo mabait naman ako.hehe...Pero mayabang din ng kaunti.Wala akong chicks no.Walang time eh.. :)))))))

Andito ako para magshopping.Minsan na nga lang ako makapasyal eh. Pati personal na gusto ko, di ko mabili kasi wala akong oras lumabas at maglagalag.

Pumasok ako sa shop ng mga shades. Gusto ko kasing bumili ng uso ngayong shades eh. =)

Tumingin ako . Tapos nung nakapili na ko, kinuha ko yon ,hinubad ko yung shades kong suot,at akma ko nang susukatin sa harap ng salamin yung shades nang......

"Sehun???! 0.0"

"Si Prince Sehun andito!!!!! Halikayo !"

"Ang gwapooooo!!!!"

Nako eto na nga ba sinasabi ko eh... Lagot ako ngayon!

"Papicture naman Prince Sehun!  Yaaaaaaaaaaahhhhhhhh!"

Kailangan ko nang tumakbo para malayo dito.  Ang malas talaga!

"Ahmmm...Excuse me po..."

Sabay tumakbo ako.  Ramdam kong may humabol pa sa kin .pero nawala din sila.

Ngehehehehehe... Mabuti naman... =))))))) ^^^^^

Napunta ako sa madilim na part sa labas ng mall.

Naupo muna ko.

"Ang hirap talagang maging isang sikat.Dati, ang saya ko nung binansagan nila akong Prince Sehun...Pero ngayon, parang sinira lang ang kalayaan ko sa lahat ng bagay. Di na ko makalabas ng matiwasay. Di ako makapag-enjoy.Haysss.. -________-"

Prince And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon