Four

27 1 0
                                    

"Ano bang uri ng kasuotan ito?? Masyadong maigsi ang tabas !"

"0.0    B-bagay nga sayo eh.....0///0"

"Kailanman ay hindi babagay sa kin ang mga ganitong uri ng kasuotan lalaki"

"Teka nga, bakit ba lalaki lang ang tawag mo sa kin?? May pangalan ako no!"

"Oo alam ko. Ang pangalan mo ay prince Sehun. Sinabi mo na sa kin!"

"0.0 Hahahahaha!!!!!"

"O bakit ka tumatawa??"

"Kasi....Okay na sana yung Sehun hahahaha! Kaso nilagyan mo pa ng Prince!!!!!! Hahahahaha"

"Bakit? Hindi ba yun kasama sa pangalan mo??"

"Hindi. Bansag lang nila sa kin yun. Kasi mukha daw akong prinsipe."

"Prinsipe?? Ang kahulugan ng Prince ay prinsipe??"

"Oo"

"Pano naging isang Prinsipe ang tulad mo?? Hahahaha!"

"I-Ikaw! Bakit ka naman tumatawa??"

"Hindi ka kasi mukhang isang prinsipe.. Pero bansag lang naman nila sayo yun di ba?? Hindi ka talaga isang tunay na prinsipe hahahaha"

"Hay ewan ko sayo!!!! Kapag di ka pa tumigil,gagawa ako ng hindi mo magugustuhan"

"Ano naman ang gagawin mo?? Hindi mo ko masisindak no.Isa akong mandirigma sa panahon namin"

"(Lumapit kay Bae Suji at hinalikan)"

"0.0   B-bakit mo ko hinalikan??"

"Para tumahimik ka"

"Ganun ba ang paraan ng pagpapatahimik sa isang tao??  Ang alam ko ay ginagawa lang iyon ng mag-asawa at ng magkasintahan"

"Iba na ang panahon ngayon..."

"Grabe.... Iba na talaga ang kasalukuyan...."

"Teka, ano bang pangalan mo??"

"Jang Bae Suji"

"Wow, kakaiba talaga ah... Sige tatawagin kitang Bae Suji"

"Bahala ka s-sehun"

"Alam mo ang cute cute mo ! ( pinisil sa pisngi)"

"Ano ba, bitawan mo ko! Kung ayaw mong masaktan!"

"Hahahaha! Mas cute ka pa kapag nagagalit hahaha!"

"Sabi nang bitawan mo ko eh!!!!!!!!!!!!!!!!! (nagliwanag ang asul na bato.)

******

"Bae Suji ?? Bae Suji?? Asan ka?? Bae Suji??? Haysss... Biglang nawala eh.  Pero kakaiba talaga. Nagliwanag ang batong hawak niya tapos bigla na lang siyang nawalang parang bula. Hay... ang gulo talaga! Babalik pa kaya siya?? (Hinawakan ang labi) :) Nako! Bakit ba ko napapangiti!? Isa siyang masungit at matapang na babae! Bakit ko ba siya iniisip??! Di ko type ang tulad niya ! Kahit maganda pa siya? -_______-  Errrrrr! Maganda ba siya ???  Haysss....Makatulog na nga! Ayoko nang isipin yun."

********

315 years ago.....

"(Tumingin-tingin sa paligid)  Nakabalik na ko?? Nandito na ulit ako sa panahon ko?? Sa tingin ko ay kailangan ko na ulit magpalit ng kasuotan"

Bumalik na ako sa aking tirahan.

"Parang naiintindihan ko na ang tinuran ng matandang iyon. Makakapunta daw ako sa lugar na kailanman ay hindi mapupuntahan ng ibang mamamayan dito. KUng ganun, ang lugar na tinutukoy niya ay ang kasalukuyan. Pero pano nga ba ako nakapunta doon at nakabalik dito??"

.

.

.

.

.

.

.

"Naalala ko nung bago umilaw ang batong ito, nagalit ako kay Kim Woo...Tapos kanina naman,bago ako makabalik dito,nagalit ako kay Sehun...Kung ganun, kailangan palang magalit muna ko bago tumalab ang batong ito"

*********************

21'st Century.....

"Hoy Sehun, gising na! May pictorial ka pa! SEHUN!!!!!!!!!"

"Ano ba Darius??! Natutulog pa yung tao eh! Ang ingay mo!"

"Kung di pa ko dumating, wala ka pa talagang balak gumising! Bumangon ka na nga diyan!"

"Haysss! OO NA!!!!"

***********

"Sehun magbihis ka na dun sa dressing room. Magsisimula tayo in 10 minutes"

Pumunta ko sa dressing room. Ang dami na namang damit. Ibig sabihin, ang tagal na naman ng pictorial na 'to. -_______- Gusto ko pang matulog eh... Pinuyat ako ng babaeng yun....hindi ako makatulog kagabi kakaisip sa kanya. Kung ano na bang nangyari sa kanya,kung bumalik na ba siya sa nakaraan. Hayssss....Pano kaya siya nakapunta dito? Siguro dahil dun sa batong hawak niya. Pero pano nangyari yun?? Grabe kala ko sa T.V lang nangyayari ang mga ganung eksena.Pero hindi....Nangyayari kasi sa kin ngayon yun eh....

**********

315 years ago.......

"para makapunta sa kasalukuyan, kailangan ko ulit magalit..Pero pano??"

"Jang Bae Suji!!!!!! =)))))))))"

"Tamang-tama! Kim Woo meron akong isang maliit na pabor sayo"

"Ano yun ??"

"Galitin mo nga ako"

"Ha??! Bakit naman kita gagalitin??"

"Basta, gawin mo na lang"

"Pero pano??"

"Kahit ano! basta yung magagalit ako!"

"Kahit ano talaga???"

"OO nga ! Basta siguraduhin mong magagalit talaga ko"

"Sige....Ahmmmm.... Yung ama mo, alam mo hindi naman talaga siya magaling makipaglaban eh. Mahina siya.Tapos hindi siya isang magaling na mandirigma. Kung tutuusin, madali lang siyang mapatumba..."

"Ano ba Kim Woo!!!!!!!!  bakit ang ama ko pa ang ginamit mo???!!!!!!!"

"Sabi mo kahit  ano eh..."

Tumakbo ako papalayo kay Kim Woo. Dahil alam kong galit na ko.

Nagliwanag ang bato hanggang sa wala na kong makita.

****************************

Prince And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon