First Love

600 15 3
                                    

A/N: sorry sa tagal ng update. Kulang ako sa Tranzpiration eh. May ganon? Haha oo meron. Medyo nagkaka authors block ako. Pero try ko parin na tapusin etong story na ito. :)

P.S namiss niyo ba si Nik? Hindi? Sorry pero namiss niya kayo mwahaha.

Nik’s POV

I can’t believe it! Mas pinili niya si Trisha kesa ako!

Flashback...

“Nik, can we talk?” sabi ni Kyle at pinaupo niya ako sa isang bench.

“Sure babe.” Sabi ko naman.

“First of all, Nik minahal kita. And mahirap sa akin ito pero. I have to break up with you.” WHAT?!?!?!

“B-bakit Kyle??” tanong ko na medyo naiiyak.

“Kasi, may mahal akong iba..” mahal na iba? Oh no. Yun kaya yung sinabi ng girl sa mall? Si TRISHA ba tinutukoy ni Kyle?

“Kyle, m-mas mahal mo si T-trisha noh?” nahihirapan ako sabihin yun. Kasi ang alam ko dati AKO ang mahal ni Kyle.

Yumuko lang siya at walang sinabi. I got my answer na. Kaya tumayo ako at umalis na agad. Hindi ko na kaya.

End of Flashback..

Kaya andito ako sa kwarto ko. Tinatapon na lahat ng gift sa akin ni Kyle. As in lahat. Hindi ko parin mapigilan ang luha sa mata ko.

Narinig ko ang ringtone ng phone ko. At nakita ko nagtext si Ranz.

Hi Nik. Kamusta ka?

Ranz! Of course. Crush ako ni Ranz, And maybe I should try na baka balang araw maging kami..... I want you Ranz.... ay shet ang laswa pakinggan. Wag green minded.

Not okay. Pls  punta ka sa house ko.

Naligo na ako at bumaba na sa living room. Buti na lang at ako lang ang nandito sa bahay.

Ding Dong..

Pag bukas ko nakita ko si Ranz. Ang pogi grabe.

“Nik, anong nangyare?” sabi niya at niyakap niya agad ako. Siguro medyo mamula-mula pa mata ko. Niyakap ko rin siya agad.

“Basta Ranz kailangan ko lang ng kasama ngayon..” sabi ko at umupo na kami ni Ranz sa sofa.

“Alam mo manood tayo ng movie. Ako na pipili.” Sabi niya at pinuntahan na niya yung small cabinet sa tabi ng TV.

Sa sobrang busy niya. Nag vibrate phone niya. Nakita ko tumatawag si Trisha. Aba, may heart pa sa dulo name ni Trisha.

“Ranz restroom lang ako ah.” Sabi ko at tinago ko sa pocket ng shorts ko.

“Okay.” Sabi niya at bumalik sa paghahanap.

Nang nakaakyat na ako sa second floor, sinagot ko.

“Ranz I need your help.” Sabi ni Trisha sa other line. It’s official, nagseselos na ako sa dalawa na ito. At di ako papayag na maunahan ako ng babaeng to.

“Sorry pero busy si Ranz.”

“Huh? Nik ikaw ba yan? Kasama mo si Ranz?” Di ko mapigilang mag smirk.

“Oo, may problem?”

“Nik! Tara nood na tayo ng movie!” sigaw ni Ranz.

Bring It Back (TRANZ story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon