Omg Ranz..

727 12 3
                                    

CHAPTER 11

Trisha’s POV

Pagpasok namin ni Kyle, tumakbo agad ako at nakita ko ang chicser kasama sila Mikang na nakaupo sa waiting area. Halatang kinakabahan sila. Pumunta ako sa kanila.

“Guys ano nangyari? Asan si Ranz?”

Dun na tumayo si Owy.

“Trisha, naaksidente si Ranz.”

“Weeehhh. Di ako naniniwala Owy. Baka mamaya joke mo lang yan eh!”

Tumayo na rin si Oliver at pinaupo na si Owy para siya ang kumausap sa akin.

“Totoo Trisha...Naglalakad lang daw si Ranz na parang lutang at di niya napansin na may truck pala...”

Flashback...

Ranz’ POV

Paglabas ko ng mall naghahanap ako ng taxi. Napansin ko na nasa kabila pa. Which means kailangan ko tumawid. Daming kotse, pero dahil BV ako. Wala na akong pake. Kaya di ko pinakinggan yung traffic enforcer na wag daw muna ako tumawid. Hindi ako bata noh. Okay na paglalakad ako eh hanggang sa bumalik nanaman ang mga nangyari kanina. Yung ang sweet nilang dalawa, ayaw na sa akin ni Trisha......

BEEP BEEP!!!

BOOGSHHHHH!

“Aaah!”

Pagdilat ko ng onti, panay dugo kamay ko pati ang t-shirt ko. Maraming tao ang lumalapit sa akin ngayon, pero nahihirapan ako huminga at feeling ko lahat ng buto ko durog na... Magsasalita sana ako, pero biglang dumilim ang lahat. Ang huli ko na lang narinig ay ang tunog ng ambulance...

End of flashback...

Trisha’s POV

Umiyak ako. At umupo sa waiting area at niyayakap ako ngayon ni Kyle. Wala pa daw si Ranz sa ospital on the way pa lang... Hanggang sa bumukas ng malakas ang pintuan ng ospital at ang lakas ng boses ng mga nurse. Pagtingin namin, si Ranz!!!!!! Nakahiga siya at punong puno ng dugo ang katawan at ang ulo. May nilagay silang oxygen mask sakanya at nakita ko ang chest niya, parang nawawalan na ng hininga... :(((((((( :O

“Ranz!”

Ako agad ang pumunta sa kanya. Di ako napigilan ni Kyle. Nang nakalapit ako sakanya at ang bilis ng mga nurse, hinawakan ko ang kamay niya. Shit ang lamig ng kamay at ang lambot. Niyakap ko na rin siya at umiyak. Wala na akong pakielam kung malagyan man ng dugo ang mukha, kamay at ang damit ko. Ng nasa tapat na kami ng emergency room nilayo sa akin si Ranz at pinasok sa ER. Ang sabi na lang ng isang nurse ay...

“Sorry miss, pero hindi ka pwede pumasok sa loob.”

Palagi naman ganito eh. Parang sa movies lang. Bumalik ako sa mga friends ko at pinuntahan agad ako ni Kyle at pinaupo sa tabi niya. Nilagay ko ang ulo ko sa shoulder niya.

“Kahit magkaribal kami ni Ranz. I know Trisha, na he will be okay. Lalaban yan..” Wow, for the first time may concern na talaga siya kay Ranz. :)

“Thanks...”  I whispered.

Cav’s POV

Umuwi na si Kyle at Trisha dahil nakatulog na si Trisha. Kaming chicser, Mikang, Seah, Nina, Ceejay at Becca na lang ang nandito. Parents ni Ranz? Matatagalan ang paguwi, nasa Hawaii kasi sila eh. At di na nila planong dalin si Niana dito. Mga 7 hours kami naghintay at 1am na. Nasa waiting area parin kami. Si Becca nakatulog na sa balikat ko at niyakap ko na lang siya. Ako na lang ang gising dito eh. Paidlip minsan, pero nag-aalala talaga ako para kay Ranz. Sa totoo lang, hindi ito kasalanan ni Trisha o kaya ni Kyle or Ranz. Mga innocent silang lahat. Sadyang na-heartbroken lang talaga si Ranz. Patulog na talaga ako ng biglang may lumapit sa aking doktor.

“Um sir, kayo po ba ang mga kaibigan ni Mr. Ongsee?”

“Opo, kami nga po yon.”

“Ah, nasa room na siya ngayon. Tapos na ang surgery. Pero I will tell you na unconscious parin siya. Pero his breathing seems to be fine.”

“Ah, thanks dok. Pwede ko po ba matanong kung ano ang naging injuries niya?”

“Madami eh. Yung ribcage niya ang pinaka broken talaga. Napilay rin ang kanang braso niya, buti minor lang. Yung legs niya seems to be okay, just some teared skins...And sadly, his head was majorly injured too..Pero we still need to check the X-Ray results for more info.”

“Ok po. Anong room po ba?”

“Room 161.”

>>>>>>>> (hospital room ni Ranz. Multimedia!)

Nagpasalamat na ako sa doktor. Dahan dahan kong nilagay ang ulo ni Becca sa balikat ni Mikang at umakyat na.

Pagpasok ko, umiyak na talaga ako. Nakakaawa ang itsura ni Ranz... Ang tahimik ng kwarto, ang maririnig mo lang ay ang tunog ng monitor kung saan nach’check ang heartbeat niya. Dami niyang sugat sa mukha at may malaking band-aid na naka ikot sa ulo niya. May parang hose na nakadikit sa bibig niya at naka-cast ang kamay niya. Oh, napilay nga pala....Nilapitan ko siya at kahit alam kong di niya ako maririnig, kinausap ko.

“Bro, nagulat kami sa nangyari sayo. Kulit mo kasi eh, sabi ko sumama ka na sa akin. Pero ayaw mo magpapigil. Alam kong kaya mo labanan ang sitwasyon mo ngayon. Para kay Trisha diba? And speaking of her, alalang alala siya sayo kanina. Sinamahan ka niya hanggang sa entrance ng ER pero di siya pwede pumasok..Umiiyak siya Ranz, halos buong katawan niya ay puno ng dugo. Pero concerned siya sayo Ranz. Ayiee haha kilig siya... Please get well soon pare, you can do it. Para sa aming lahat please?...”

Pinunasan ko ang luha ko at bumaba na. Sinabi ko sa kanila na gising na si Ranz at isa-isa sa kanila ang nagbigay ng message nila. Kaming chicser na lang ang natulog sa sofa bed. At umuwi na ang the rest. Si Seah at Nina, uuwi muna sa bahay. Tinext ko si Trisha.

Trish, gising na si Ranz. :)

_

Guyss sorry kung masyadong dramatic, OA or masyadong tragic ang nangyari. Haha! :) And kung corny, pakisabi na lang! XD 

Bring It Back (TRANZ story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon