Crash and Burn

487 20 10
                                    

Hi guys gusto ko lang mag apologize kasi ang tagal ko hindi nag update. Lagpas 2 months na ata huhu. May reason ako para diyan haha. Busy sa school! And mas nagfofocus ako ngayon sa English stories. Kaya may 3 new English stories ako :) Nagkaka-writer's block na ako. Meaning nawawalan na ako ng ideas. :((((

_

Chapter 18

RANZ' POV

Andito ako ngayon sa park bumibili ng merienda namin ni Trisha. Niyaya ko siya and pumayag naman siya. Pero hindi daw ito 'date', 'friendly hangout' lang. Nakita ko siyang nakaupo sa isang bench at tinabihan ko.

"O Trish eto na yung fishball."

"Thanks."

At dumiretso na siya sa pag-kain. Tahimik. Walang nagsasalita sa amin. Tumitingin lang siya sa paligid at kakain. Bakit ba ganito? Ang awkward?

"Ganda ng weather no?" tanong ko. Pampatagal awkwardness lang.

Pero di siya nagsalita. Tumitingin parin siya sa paligid.

"Uhm, masarap ba yung fishball?"

Hindi parin siya nagsalita. Kinain yung last fishball at tumayo na.

"I have to go.."

Napatayo rin ako.

"Huh? Agad agad? Kakarating lang natin ah."

"Bored ako eh." Yun lang pala problema niya .

"Edi tara maglaro muna tayo dito sa park." Tumingin siya sakin ng nakasimangot.

"Ranz hindi na tayo bata para gawin yan. Kaya please aalis na ako." Hindi ko na siya pinigilan at nalungkot ako. Pero hinabol ko siya.

"Wait Trisha!"

"ANO?" woah sama ng tingin.

"Hatid na kita." Ngumiti ako sakanya kasi baka atleast mag lighten up yung mood niya. Nakita ko siyang ngumiti rin sa akin.

"Kahit anong gawin ko hindi mo talaga ako titigalan no?"

"Siyempre mahal kita eh." Boom ang pula ng mukha niya haha.

Hinawakan ko na kamay niya at sumakay na kami sa jeep.

At le her house.

"Salamat Ranz. Sige mauna na ako."

"Teka."

"Ano?"

"I miss you." Naka straight face parin siya.

"Yun lang?"

"Atsaka I love you.." huh ba't ganun serious face parin siya.

"Okay. Bye na." Ba't ganun si Trisha? Kaya hinawakan ko ang siko niya.

"Wait lang Trisha."

"Ano nanaman ba Ranz?" Parang galit nanaman siya.

"Kailan mo ba ako hahayaan na ligawan ka ulit?"

Tinanggal niya ang hawak ko sa kanya.

"Ranz diba sabi ko sayo give me time."

Hinawakan ko ulit siya.

"Sabihin mo lang kung kailan. Ngayon na ba? Bukas? Next week?"

"There's always a time for everything. Don't worry sasabihin ko naman sayo pag pwede na eh." Nag smile siya sa akin sa huli at pumasok na. Nakakalungkot naman.

At le MY house.

"Yun sabi niya sayo pare? Tsk tsk, parang binasted ka na rin niyan." Sabi ni Oliver habang yakap ang unan na bigay sa akin ng isang fan. Gumala daw si Owy at wala daw siyang kasama sa bahay kaya bumisita siya rito.

"Basted? Hoy hindi nababasted si Ranz Kyle.." depensa ko.

"Sige, let's say hindi ka exactly binasted. Pero hindi ka niya pinayagan manligaw. Saklap nun bro."

Tama siya. Para na rin akong binasted ni Trisha nung sinabi niya yun. Nakita siguro ako ni Oliver na malungkot kaya pinatong niya ang kamay niya sa balikat ko.

"Pre give her time. Baka hindi pa siya ready. Atsaka alam mo naman mga fans mo. Maka-react..." hindi niya tinuloy ang sinabi niya at tumawa lang. Pero hindi ako napangiti, seryoso parin ako.

"Pero ba't ganun? Nararamdaman ko na eh.."

"Ang alin?" tanong ni Oliver.

"Nararamdaman ko na, na malapit na maging kami ulit. Malapit na niya ako payagang manligaw ulit.."

"Paano mo naman yan nasabi?" tanong ulit ni Oliver.

"Kasi...yung mga ginagawa namin in the past few days, ganun din ginagawa namin nung nililigawan ko siya at nung naging kami e.." sigurado talaga ako na sobrang lapit na namin.

"Halimbawa..?"

"Nags'skype, nagpupuyatan sa text or wechat, pag tinatamad mag type, VM na lang."

Napa kuot ng noo si Ver.

"Anong VM?"

"Voice message. Di mo ba alam yun?"

"Ay alam ko, kaya ko nga tinatanong eh no?" binatukan ko ang loko.

"Alam ko na gagawin ko." Sabi ko at nilabas ang phone ko.

"Ano?"

Hindi ko sinagot ang tanong ni Ver. Sinimulan ko na siyang itext. Naramdaman ko siyang sumilip at inalog niya ang balikat ko.

"Bro bakit mo itetext si Nik?"

Trisha's POV

Pagpasok ko ng bahay namin, di ko mapigilang tumawa. Kasi naman, naloko ko si Ranz. Nagbitter ako sa kanya at nakakatuwa ang reaksyon niya. Parang nawawalang bata. That doesn't mean hindi ko siya mahal ah.

"Makatawa wala ng bukas? Baka mamatay ka niyan." brought back to reality ako ng makita ko si Marrol nakaupo sa living room na hawak ang ipad. Pampasaya ng buhay ko yan eh....leche.

"Whatevs." Sabi ko ng mahina at umupo sa tabi niya.

"Musta date niyo ni Ranz?" tanong niya habang busy nakatingin sa ipad.

"Hindi yun date, nag hangout lang kami."

"Okay. Musta hangout niyo ng boyfriend mo?" Ay shabu pa. Kaya hindi ko sinagot ang tanong niya.

"Kung hindi mo sasagutin ang tanong ko, pwede ba umakyat ka na lang? Nakakistorbo ka eh. Kahit yang simpleng presence mo sa tabi ko." sabi niya habang naglalaro ng minion rush. Hayy I want to pull your hair back and forth talaga as in. Edi ayun, umakyat na lang ako. Bwisit eh.

After dressing up in pink shorts and a white shirt (hay ang presko), nag log on ako sa twitter. Nakita ko ang tweet ni Ranz sa tl ko.

You had me at my best, she had me at my worst.. pic.twitter.com

Holy shit. Picture ni Nik at Ranz. Hey, eto yung damit ni Ranz kanina sa park ah? So ngayon lang ito? Ang daming tumatakbo sa isipan ko. At soon enough, nahanap ko na ang dalawang perfect emotion na nararamdaman ko. Jealousy and Anger.

Nag DM sa akin si Ranz.

Tama ka, there's always a time for everything. Siguro hindi ngayon ang tamang panahon para sa ating dalawa. Let's give each other space. Wag ka magalit sa akin please.. I still love you Trish:) And always will!

Oo nagseselos ako. Makita mo ba naman ang lalaking mahal mo na may kasamang ibang babae. At hindi lang yun, pinagpalit ka pa niya. Seryoso ako sa there's always a time for everything. Pero hindi ko naman alam na sa katangahan ni Ranz, na-misunderstood niya ang sinabi ko!!!

I hope we don't crash and burn like we did last time...

_

I hope okay lang sa inyo yan guys. Sa totoo lang, nalilito rin ako sa pinagt'type ko. So sorry kung gulo gulo at halatang minadali. Srsly nawawalan na ako ng tranzpiration (lmao) help guys? Baka may gusto kayong mangyari sa story pakicomment or i-message ako sa wattpad. Pwede rin magpost kayo sa wall ko (sa profile ko dito sa wattpad). Better yet, tweet me: @Beabulanxo wag mahiya, I really need opinions and your cooperation for this story!!!!

Please do VOTE and/or COMMENT

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 22, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bring It Back (TRANZ story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon