Niana's party part 2.

888 9 0
                                    

Chapter 6.

Author: May iniba ako sa summary. :) yun lang haha.

_

RANZ POV

Nakatulog na si Trisha kaya nilagay ko ulo niya sa shoulder ko. Kawawa naman eh, baka mag left right, left right ulo niyan. Malubak kasi daanan eh. Sweet kaya namin! Kaya kinuha ko yung phone ko at pinicturan kami. Yay pwede na pang icon pic. Jk. =)

“Yieee ang sweet nung dalawa oh!” si Cav. Napakalakas ng boses.

“Shhhh. Kitang may natutulog diba?”

“Sorry naman bro. Grabe, eto ngang si Becca nakatulog na pero di ko nilalagay sa balikat ko eh. Nilagyan ko na lang siya ng unan sa ulo. Ikaw ha nag dadamoves! ;)”

Nag roll eyes na lang ako at tinignan si Trisha. Fck ang ganda. Diyosa na!!! Kaya medyo pinatong ko ulo ko sa ulo niya at natulog na rin.

Zzzzz....

After some time...

“Psst Ranz gising na.”

Pagdilat ko, si Biboy. Ako na lang pala ang sa van. Lahat nakababa na.

“Asan si Trisha??”

“Umalis na.”

“Di man lang ako ginising?”

“Sabi niya cute mo daw matulog eh kaya wag na daw gisingin.” Napangiti naman ako dun. At nung nakababa na ako, habol pa ni Biboy bago tumakbo...

“Pinicturan ka niya na natutulog ;)”

Biboy naman eh! KV KV KV! :> Tumakbo na rin ako, I want to swim!

Pagdating ko dun, lahat busy nag aayos. Si Trisha nakaupo sa edge ng swimming pool. Yung legs lang niya ang nakababad sa pool at nakatingin siya sa palubog na araw.. Kaya tumabi ako sakanya, tinanggal ang tsinelas at nilagay ko rin legs ko sa pool.

“Ganda ng araw noh..?” biglang nagsalita si Trisha. Kakagulat naman to!

“Kaya nga eh. Pero may mas maganda pa diyan.” Napatingin siya sakin.

“...ikaw.” Yieee haha. Totoo naman eh, walang iba ang gaganda kay Trish!

Pinalo niyako sa braso pero di naman masakit. :P

“Panay bola ka talaga Ranz.”

“Ayaw mo bang sinasabihan na maganda?”

“Gusto....”

“Yun naman pala eh! Pakipot pa sus.” Haha naka frown na siya. Cute parin don’t worry.

Tumayo na siya at umalis papunta kay Marrol. Ako na lang tuloy mag-isa dito, kaya inenjoy ko na lang since mamaya pa kami mags’swimming. :)

6pm

Yay! Here na sa pool area! Naka black na sando ako at naka orange shorts. Di mukhang baduy yun ah! :) Si Ully, Biboy at ang Posadas bros nandun na sa pool. Pati na sila Ceejay kasama si Seah at Mikang. Nasa maliit na pool si Niana, Onin at Shoti. Yung mga ibang guests sa kabilang pool nag swimming. Pang mga oldies na haha. Iniintay ko si Trisha eh, gusto ko sabay kami sa pool.

“Bro, mauna na kami ni Becca ah!” Ayun, tumalon si Cav sa pool at nag stairs pa talaga si Becca. :D

“Uy Trisha, tara na.”

“Tinatamad ako eh. Kayo na lang.” Sus maryosep. Kaya hinila ko ang loka hanggang sa edge ng pool. Niyakap ko siya at tumalon ako kasama siya. Kala mo ha >:)

“Ano ba Ranz! Bwisit naman eehhh!”

“Ayan, pakipot nanaman. Gusto mo naman talaga mag swimming eh. ;)” Bara si atiii. Haha! Dumiretso siya kanila Jess at nag usap usap.

...

Naisip namin na maglaro ng games para mas enjoy! By partner.

Partners:

Jess and Ully.

Cav and Becca.

Biboy and Khea.

Ako at Trisha.

Dapat kasi boy and girl kaya di na lang muna sumama sila Oliver at Owy. Ganito kasi yun. Merong isang stress ball na hinulog sa dulo ng pool. Eh mga 5 feet. Abot namin lahat pero kailangan mag tiptoe. Pag di na abot ng isang partner ang pool, kailangan kumapit sa partner na kaya pa. Pagkarating sa dulo ng pool, kailangan kunin ang stress ball sa floor ng pool which means dapat pigilan ng dalawa ang hininga at kapain kung nasaan ang bola. Dalawang beses lang pwede umahon para sa air. Ang mananalo may award di pa sure. :DD

Nauna si Biboy at Khea. Parehas matangkad. Nakarating sila sa dulo at hinanap nila yung bola pero di nila mahanap kasi nakapikit dapat. NO GOGGLES haha.

Next si Cav and Becca. Hindi na abot ni Becca kaya kumapit siya kay Cav. Pero parang maiiyak na kasi baka daw mahulog siya at malunod. XD

Next is Jess and Ully. Palapit na sila sa dulo kaso nahulog si Jess at muntik na malunod. :(

Kami na! Haha. Okaay kaya yan.

Nung una, keri namen eh. Kaso si Trisha naka tiptoe na lang talaga. Hanggang sa kumapit siya sakin, di na niya abot eh. Yan nanaman, KV ulit ako! Kasi Naka ikot braso niya sa leeg ko tapos naka ikot rin legs niya sa bewang ko tapos higpit ng kapit. X”D

“Lagot ka sakin Ranz pag nahulog ako.”

“Sa tingin mo hahayaan kita mahulog? Sarap nga ng kapit mo sakin eh.”

“Baliw?” Tapos tumawa siya. Yay hindi siya galit. :) Ayaaaan na, lapit na kami sa dulo ng pool. Medyo naka tiptoe na rin ako. Habang naglalakad, medyo nadulas pako! Buseeet. Atleast mas lalo kumapit sakin si Trisha. :))

“Pucha Ranzzzz!”

“haha sorry. Lapit na tayo oh!”

Nakarating na kami sa dulo ng pool. Pinapikit ko siya at pinahinga ng malalim. Tapos ayun bumaba na kami. Kinakapa ko yung floor pero wala. Kaya umahon kami pero yung ulo lang.

“O Trisha at Ranz. Isang ahon na lang. ;)” sabi ni Oliver. Kaya namen to!!

Kaya inulit namin ni Trisha pero wala parin. Eto na yung last ahon kaya todo bigay naman ako sa paghahanap. XD Hanggang sa may nakapa ako. Kinuha ko na agad!

Pag ahon namin sumigaw si Trisha.

“Ranz! Nakuha mo yung bola!”

Onga no! Galing ko talaga! Da best! O yeaaah. Kaya hinug ako ni Trisha. Yiehie! Yung award pala namin eh simpleng trophy na ewan ko kung saan nanggaling at tig-isang stufftoy. May elephant at tiger. Malamang kay Trisha na yung tiger. XD Ok lang, cute naman yung elephant. :)

Maya maya, si Trisha mag-isa sa jacuzzi pero may katext. Tinawagan niya at umalis na sa Jacuzzi. Sinundan ko. Di ako stalker ah haha!

“...haha sige miss na rin kita. Ge love you? Joke haha! Bye!”

Bring It Back (TRANZ story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon