HLP: Chapter 2.

88 2 0
                                    

KEISHA's POV

*Kriing* Kriiig*Kriiing---

*BLAG*

Bwisit na alarm clock yan. Oo alarm clock yon wag kayong epal. Anyways, istorbo naman oh. Ang sara-sarap pa ng tulog ko eh! Sino bang lintek ang nag alarm nyan? Aish. Makatulog na nga ulit.

Zzz.  Zzz.  Zzz.  Zzz.

*Poke*  *Poke*

“asdfg..”

*Poke*  *Poke*  *Poke*

“asdfghjkl…”

*Poke*  *Poke*  *Poke*   *Poke*

“Ahh Putek!! Istorbo naman oh!!” Napadilat ako at unang unang nakita ng paningin ko eh ang mommy ko na ang lapad ng ngiti.

“Good morning Baby Keisha. Bangon ka na ^____^”

“5 minutes” Walang ganang sabi ko sa kanya sabay talukbong ng kumot.

“No. Gising na dyan baby”

“I said 5 minutes” Kulit! Ano ba sa ‘5 MINUTES’ Ang hindi niya magets?!

“Gigising ka or ang dad mo ang papapuntahin ko dito?”

 Napabangon ako bigla. “FINE!!”

Nakita ko napangiti si mommy. Psh! Ano nakakatuwa don?! Bwisit.

“Anong meron?”

“First day of school mo. Remember? Kaya kumilos ka na”

“K. You may go” Umalis din naman agad si Mommy. Ugh!! Tinatamad talaga kong pumasok! Damn it. Eh ano kung first day of school?!  Ano naman pake ko dyan? Nag aaksaya lang sila ng pera pampaaral sakin. Kaasar! Kung bakit kasi pinauwi pa ko dito sa pilipinas e. Ang ganda na ng buhay ko sa states.

Oo nga pala kung nag tataka kayo kung bakit straight na straight ako mag tagalog eh sa states ako galing, eh kasi Philippine school ang pinapasukan kong school sa states. Malamang naman na puro Pilipino yun e’nu? Tss. Kung papapiliin nga ako kung states o Philippines. States sempre! Ayoko talaga dito sa pilipinas e. Basta ayoko!

---

Pag tapos ko ng everyday routine, bumaba na ko.

Nadatnan ko naman sila mommy’t daddy sa dinning area. Mukhang wala na si Kuya Tristan, malamang inaasikaso na nya yung restaurant nya. So ayun lumapit agad ako at umupo sa tapat ni mommy at nag umpisang kumain.

 “Wala ka na talaga galang noh?! Ang tagal ka naming inantay. Tapos ikaw pa unang kakain?!” Dad.

 “Eh di kumain na din kayo.” Sabi ko habang patuloy pa din sa pag kain.  Tss. Sino ba kasi may sabing antayin ako diba?

“Aba’t bastos kang ba---“ Hindi na natuloy ni Daddy ang gusto nya sabihin dahil as usual inawat na naman ni mommy.

“Tama na. Nasa harapan kayo ng hapagkainan” See? Tss.

“Eh eto anak mo e. Pag sabi-sabihan mo nga yan!! Ang bastos bastos” Patuloy lang ako sa pag kain. Psh daldal naman e. Kaasar!

“Puro sakit na lang ng---blahblahblahblah” Wala ako maintindihan sa mga sinasabi ni Daddy. Basta kain lang ako ng kain. Bahala sya sa buhay nya, dami nya sinasabi. Nung napagod na sya kakadaldal, Nanahimik na sya. Buti naman! Ang ingay nya eh.

His Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon