HLP: Chapter 3.

64 2 0
                                    

“Miss, gising. Huyy”

“Hmmm” Bigla akong naalimpungatan dahil sa yugyog ng yugyog sa akin.

“Gising na uy” Napamulat ako ng mata at nakita ko ang isang babaeng nakangiti sa akin.

Sheeeet! Ang ganda nya. Mukha siyang anghel.

“Tititigan mo lang ba ko mag damag?” Hala nag salita yung anghel. “Oh sige lalapit pa ko ng mas matitigan mo pa ko ^___^” Tapos mas lalo niyang nilapit yung mukha niya sa mukha ko.

Biglang nanlaki ang mata ko at napaatras sa kanya ng marealize kong hindi ako nananaginip at napaka dumi ko pala.

“Aww. May virus ba ko para layuan mo?” Sabi nya sabay pout. Aww! Ang cute naman neto.

“H-ha? N-nako wala noh. A-ano kasi.. Look ang dumi-dumi ko oh” Turo ko sa uniforme ko. “Baka madumihan ka”

“Ang cute mo nga eh ^___^”

Yung totoo. Nang iinsulto ba ‘to?! Kitang ang dumi-dumi ko tapos sasabihan akong cute. Loko ‘to ah. Pero wait, she looks familiar.

“San banda ang cute para sayo dito?” Sarcastic kong sabi sa kanya.

“Yang mukha mo ^__^” Juskoo. Bulag yata ‘to eh. Sayang maganda pa naman sya! “Ano ka ba madumi ka lang. Pero kapag nawala yan, ang cute mo. ^___^” Nakangiti niyang sabi. “Kaya tara na. Magpalit ka na ng damit” Sabay kuha ng kamay ko at hatak palabas ng rooftop. Opo nasa rooftop ako. Eh dito lang kasi walang tao pwede tumawa sa akin dahil sa itsura ko. =____=

“Huy teka. W-wala kasi akong extrang damit”

Napahinto naman siya sa sinabi ko. “Wala ka bang locker?”

“Wala pa eh. New student lang ako dito”

“Oh I see. Kaya pala hindi mo siya kilala”

“Ha? May sinasabi ka ba?” Hindi ko kasi narinig yung last na sinabi nya eh.

“Ah wala! Tara pahirahim na lang kita. May extrang uniforme naman ako sa locker” Ehhh? Hala nakakahiya. Tatanggi na sana ako kaso inunahan na niya ko. “Don’t worry, sexy naman ako kaya I’m sure kasya sayo uniforme ko ^___^” O—KAY. Eh di siya na ang sexy.

Kinaladkad na niya ko ulet. Jusko! Ang hyper naman neto -__-

----

“Oh diba? I told yah, kasya sayo uniforme ko ^___^”

“He-he. Oo nga”

Katatapos ko lang maligo dito sa shower room ng mga player. Ewan ko ba kung pano kami nakapasok dito. Oh well, hayaan na nga lang. Atleast malinis na ulit ako.

“So lets go. Pasok ka na ng afternoon class. Para makabawi ka sa di mo pag pasok sa morning class” Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi nya.

Oh shot. Hindi nga pala ko nakapasok sa morning class. PATAY!

 “First day na First day cutting agad. Hahaha”

“Eh ikaw hindi ka ba papasok?” Tanong  ko sa kanya habang nag aayos. “Cutting din naman yang ginagawa mo ah?” 

“Nope. Tapos na ang class ko ngayon eh”

“Ah okay. Oo nga pala, nag kita na ba tayo? You look familiar eh” Parang nag kita na talaga kami neto. Nakalimutan ko lang kung saan.

His Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon