Chapter 10- Party

0 0 0
                                    

WARNING: SPG!! Hahaha

Cassandra's POV

Aish! Di talaga ako maka-move on dito sa ganda ng setting! Hahah.. Btw, hinahanap pala namin sila Nicole,Angel,Denise,Christian,Kela. Ewan ko ba kung saan sila nag-stay.

"I-check kaya natin sila dun sa may pool? Baka andun lang sila." Sabi ko kay Michael.

"Tara."

May mga tables din pala na nakapalibot sa pool. As in tables lang ha? Saka andun din yung parang mini-bar lol.

"Cass! Andun sila oh." Sabi ng kasama ko at tiningan yung tinuturo niya.

"Tara!" Dagdag niya at hinawakan ang kamay ko.

Paglapit namin sa kanila ay biglang kumuha din ng wine si Michael.

"Andyan na pala kayo." -Christian

"Uy Bes! Nakakaloka 'to ha? Next week na pala engagement niyo. Kala ko ba next month?"

"Ewan ko kay Michael. HHa.."

Nagtawanan kaming lahat at tumigil kami nang biglang....

"Teka, si Kevin yun ah?" -Denise

"Sinong Kevin? Si Kevin Yu ba?" Tanong ni Christian.

"Ahh.. Oo yung ex ni---" tinakpan ko yung bunganga ni Angelica at hindi na siya ulit nagsalita..

Haist.. Ba't siya nandito...

Michael's POV

"Ahh.. Oo yung ex ni---" naputol yung sasabihin ni Angelica nang bigla 'yo g tinakpan ni Cass.

Eh? Ahh.. Yeah I know. Ex yun ni Cass LOL.

"Oo. Yung ex ni Cass yun alam ko."

"P-Paano mo nalaman?" -Cass

"Hindi mo ba alam yung group na Star5? Luh? Ako leader nun noon eh. Tss."

"Hindi eh."

"Ahh... Ganun ba? Si Kevin kasi member siya yun noon. Lima kami niyan, Ako,Kevin,Sky,Alex/Alexander.. oo yung ex ni Trixie, at si AJ/Jay (A/N natatandaan niyo ba si AJ sa chapter 1? Siya yun)."

"Di ko sila kilala.. Haha. Pwera lang kay Alex at Kevin." Sabi niya sa akin kaya napahilamos nalang ako ng mukha.

"Dumikit ka lang sa akin ok? Andito rin kasi si Trixie." Utos ko sa kanya.

"Ahh.. O-Ok"

Huminto kaming mag-usap nang mag-i-speech na yung papa ni Cass.

'Ehem.. Everybody..'

Tumingin kaming lahat sa stage

'Good evening everyone. First of all, I just want to thank all of you for joining us in our party. It's been 30 years when we started our business and I gave my best into it. I know that we were not that successful before but as time goes by, other companies try to sell or buy some stocks to us. Sabi-sabi nga nila, ......' ETC basta madaming sinabi si tito. Nagthank you siya, nagcongratulate, pinakilala kami sa mga bisita.. Yup! Pinakilala kami tapos dineclare yung about sa engagement namin lol.

Andito pa rin kami sa spot namin, nakatayo umiinom ng kung wine. Pero, ang lakas ng tama nito sa amin.

"Nahihilo ako." Sabi ni Cass sa akin.

"Ihahatid nalang kita sa room mo." Inalayan ko siya papuntang kwarto niya at nagpaalam kina tito at tita na ihahatid ko lang siya dahil nahihilo siya.

Hindi makalakad ng matino si Cass kaya binuhat ko siya ng bridal style.

Pagpasok namin ay ibinaba ko siya sa kama niya. Naupo ako ng saglit sa sofa kasi nahihilo na rin ako.

The EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon