Girl of Few Words

13 1 0
                                    

-

This task will test your trust and teamwork with your trainee. Hanapin ninyo yung susi ng posas ninyo sa loob ng kwartong 'to. Hindi kayo pwedeng lumabas nang hindi ninyo natatanggal yung posas ninyo. Kasama rin sa task ninyo ang makalabas ng bahay na 'to. Goodluck. Fighting!

Upon recalling what the staff told them before leaving the room, Tao finally removed his blindfold. But that happened after a long series of deep sighs and squeals.

"At last, tinanggal mo na yung piring mo. Muntik na akong mainip."

Imbes na lumingon, tinakpan lang ni Tao ang mga mata at... "WAAAAHHH! MULTOOO! MGA HYUUUNG! TULOOONG! HYUNG---"

Isang batok ang natamo niya mula sa katabi niyang "multo." "Sige! Sigaw pa, Tao. Mahahanap natin yung susi sa pagsigaw mo, eh. Sige lang." Sarcastic yan.

Hesitant na tiningnan nito ang "multo" at base sa boses at sa sinabi nito, parang ito si... "A-Annah?"

Annah rolled her eyes as an answer. Tao gulped. Si Annah nga. Pero, di ba, si Jrace dapat ang kasama niya?

"Maybe, there was a misunderstanding kaya tayo ang magkasama ngayon, thinking na si Suho dapat ang partner ko." Okay. Mindreader ba si Annah? Who knows?

May sasabihin pa sana si Tao nang biglang kumalabog. Kasabay ng pagsigaw nito ang pagyakap kay Annah. Annah, on the other hand, clenched tightly on Tao's coat and hugged him back. Kapwa natakot ang dalawa at mga nakapikit.

"Waaaah! Ayoko naaaa~! Sonsaengniiiimmm~ Why are you doing this to me?" Tao whimpered. Isiniksik pa nito lalo ang sarili sa kayakap.

Annah was afraid. Seriously. But how could she manage to shout if she is very aware of how tight Tao was hugging her? Of how hot his breath was against her ear? Buti nga at madilim. Kung hindi, literal na ibabaon niya ang ulo niya sa lupa, wag lang makita ni Tao kung gaano kapula ang mga pisngi niya ngayon.

"T-Tao! W-wag ka nga sumiksik masyado," reklamo ni Annah sa kanya sabay tulak rito. "In case you haven't notice, halos nakakandong ka na sa akin."

Namula sa hiya ang ating panda. Sa sobrang takot niya kasi, he didn't realize na grabe na pala siya makayakap kay Annah. To think na ang laki niyang tao at babae pa 'tong kasama niya, ganito pa siya umasta. Nakahinga naman nang maluwag si Annah. Akala niya, hindi siya makakawala kay Tao. She wasn't comfortable with him being that close.

Tao muttered an apology in a shaking voice. Nakonsensya naman dun si Annah. She forgot Tao's really scared with ghosts. Umiling siya. They were really the same.

T-in-ap niya yung ulo ni Tao kaya napatingin ito sa kanya. Kahit madilim, she could sense tears welling up his eyes. She didn't have any second thinking when she wipe his tears and held his face.

"Okay lang yun, Tao. Hindi naman masamang ipakita mong natatakot ka. Natatakot din naman ako, eh. Ang kaso lang, kung paiiralin natin yung takot, wala tayong mapapala. Let's work together, okay? Tahan na."

Natigilan dun si Tao. Her words did encourage him pero hindi niya maiwasang mailang. Annah was the one comforting him and wiping the tears from his eyes. Ang awkward lang. Hindi ba parang baliktad?

He shrugged the thought off and stood up. Sumunod na rin si Annah at nagsimula na silang maghanap.

Tuluyang nakalimutan ni Tao ang takot. Instead, he felt calm. Napatingin siya sa magkahawak na kamay nila ni Annah. Dapat pala, kasama niya lagi si Annah. Weird but with her, he felt so brave.

Bigla siyang nakarinig ng sigaw. Before he knew it, yakap-yakap na niya si Annah at unti-unti na rin niyang nararamdaman ang kirot sa bandang likuran niya. He ignored it and faced Annah.

Once Upon a Time in South KoreaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon