Something in Common II

61 4 0
                                    

D.O's POV

Inangat ko ang tingin ko mula sa phone ko at nilingon si Kai na nakasandal sa may dingding. Maski siya, may hawak ding phone at busy sa pakikinig ng kanta. Kung ano yun, hindi ko alam.

"Kai," tawag ko sa kanya.

Narinig naman niya ako agad at inalis ang earphone niyang nasa kanang tenga niya. "Hmm?" he hummed with a pout.

I started off with a chuckle. Sino ba namang hindi matatawa? This 20-year-old guy was acting like a child. Sabagay, he was one of the maknaes. Pero sa mature niyang tingnan, he looked too awkward with him pouting.

Tuluyan na niyang inalis yung earphone niya at tumawa. "Oh, bakit ka natawa? Tinawag mo ako tapos tatawanan mo lang pala ako. Grabe ka, hyung." He then bowed his head. Balak pa atang magpaawa neto.

Nangingiti na lang akong tumayo. Ngayon ko lang naramdamang ang laki pala netong dressing room namin. Eh, paanong hindi? Kanina lang, nagsisiksikan kaming lahat sa couch tapos ngayon, kahit humiga ako, walang magrereklamo. I wonder where they all went.

"Hyung, aalis ka?"

I met Kai's puzzled stare. " I want a drink. Ikaw, gusto mo ba?"

Dumiretso siya ng tayo at lumapit sa akin. " Can I just go with you?"

Napangiti ako dahil dun. Ayaw siguro netong maiwanang mag-isa. Baka natakot dun sa kwento ni Kris-hyung na multo.

Tumaas bigla yung mga kilay ni Kai. "Hey, I know that look! Di ako takot, nu. Ayoko lang mag-isa. Nakakabagot."

Napailing na lang ako sa defensive niyang sagot. "Sige. Sumama ka na lang sa akin."

* * *

Malapit na kami sa cafeteria nung maramdaman kong tumigil sa paglalakad si Kai. Nagtataka ko siyang tinitigan. He didn't even seem to notice it for he was so engrossed looking at something. Sinundan ko yung tingin niya at yung dance studio yung nakita ko.

"Kai?"

"Hyung, pwede dito muna ako? I just wanna watch. Bilhan mo na lang ako ng kahit ano." - Kai

"O-okay..." Ni hindi man lang siya lumingon. Ano kaya yung pinapanuod niya dun?

Diniretso ko yung pasilyong to. Sa dulo nito kasi yung cafeteria. Pero bago pa man ako makapunta dun, may narinig akong kakaibang tunog. Parang nalaglag na mga gamit at sinundan pa yun ng sigaw.

Out of curiosity, pinuntahan ko yung pinanggalingan ng ingay na yun.

I almost jerked when I saw someone was being scolded by Miss Jung-- or Monster Jung for others. Siya ang matandang dalagang director ng SMEnt. na sa sobrang kasungitan ay hindi mo na gugustuhing makasalubong o makita siya. Anino pa lang niya, sapat na para kilabutan ka. OA man, totoo yun. May nabiktima na naman yung masungit na yun.

Dun naman ako sa kaharap niyang babae tumingin. Walang tigil ang pagba-bow niya at pagso-sorry. Fear was also evident in her face. Ngayon niya lang siguro to nakita.

"You careless b-- Don't you know who you bump into?"

For the umpteenth time, she bowed. "Sorry po. Hindi ko naman po sina--"

Pumamewang si Miss Jung. "I was asking you kung kilala mo ako. I don't remember myself asking for your explanation."

Nakita kong itinikom na lang nung babae yung bibig niya. Namula rin yung pisngi niya. She was obviously embarrassed.

"Excuse me, everyone!" - Miss Jung

I was startled when I heard her. Nung tingnan ko siya, nakita kong pilit niyang kinukuha yung atensyon ng lahat ng nasa pathway.

"Will you tell this dumb girl who she is talking to?"

Napanganga ako dun, ah. Sa lahat ng mga nakita at nabalitaan kong kasungitan niya, ito ang pinakamatindi, so far.

The girl's eyes started to get teary. Bumigat agad yung dibdib ko. Maski siguro bato ang puso, maaawa sa kalagayan ngayon ng babaeng to.

"S-sorry po talaga."

The next thing I knew, natakbo na siya palayo. My heart literally went out for her. Para sa isang taong na-bully, masakit makakita nang ganun. Pakiramdam ko, nakikita ko ang sarili ko sa kanya.

I didn't fight the urge to run after her. Mabilis ko siyang sinundan, not minding other's prying looks.

"Aba 'tong--"

"Hindi naman po tama yung ginagawa ninyo, Ma'am."

That made me stop and look back at them. Nagtaka ako nung makita kong may kasama nang babae dun si Miss Jung. Her back was facing me yet, I still sensed a tone of protectiveness from her. Kilala kaya niya yung babae kanina?

Shoot! Yung babae, hahabulin ko nga pala. Hindi ko na lang binigyan ng pansin yung matapang na babaeng sumasagupa ngayon sa galit ni Miss Jung at sinundan yung babaeng tumakbo palayo.

Sa kakasunod ko sa kanya, nun ko lang na-realize na ang layo na pala ng natakbo namin. Hadn't I noticed the blue sky and the chilly breeze would I know that we're already on the rooftop. Inilibot ko ang paningin ko at nakita ko siyang nakaupo sa gilid, nakahalukipkip at nakatungo. Napalunok ako. Naiyak ba siya?

Unsure and worried, I tiptoed towards her. Na sa sobrang tahimik ng paglalakad ko, ni hindi ako makapaniwalang nagagawa ko yun. Nung ilang inches na lang yung layo ko sa kanya, tumigil ako. Wala akong marinig na pag-iyak o kahit hikbi lang. Nagtaka ako kaya yumuko ako at tinitigan ang mukha niya.

"Ahh!"

Sa gulat niya, she even stumbled. Well, maski ako, nagulat sa pagsigaw niya. I didn't expect her to shout, anyway.

"U-uhm, sorry. I-I didn't mean to startle you."

Napahawak ako sa batok ko. Nakakahiya naman yung ginawa ko. Pero masisisi ko ba yung sarili ko kung sobrang curious ako sa kalagayan niya? Fine, I was worried. Ayoko kasi sa lahat ang nakakakita nang ganun.

"D-D.O oppa?" tanong niya sabay tayo.

I started straight at her face. Eyes, in particular. Kumislap ang mga yun, patunay na naluluha siya.

"W-wag mo nang pansinin masyado yung si Miss Jung, uhmm..." Tapos, tiningnan ko siya.

She seemed to get the message and bowed slightly. "Xhelle."

"Ah, Xhelle." So, that was her name. Cute. "Yun nga. Ganun talaga yung si Miss Jung. Yung nanigaw sayo kanina. A-anyway, wag ka nang umiyak, okay?" then I smiled.

"B-but... I-I wasn't crying." Nagulat pa ako nung bigla siyang ngumiti.

"Bakit ko naman iiyakan yun?" She even chuckled.

Napangiti ako dahil dun. "A-akala ko, umiiyak ka kaya sinundan kita rito."

Umiling siya, hindi pa rin nawawala yung ngiti niya. "Hindi, nu. Pero, salamat na rin." Nag-bow ulit siya.

I didn't have the chance to bow back. Masyadong naging busy yung utak ko sa pag-aanalisa sa kanya. Oo, nakangiti siya but there was something odd in her. Why do I get this feeling that she was just trying to look strong?

"You know what, you..." I paused, searching for the right term.

"...amazed me."

Napansin kong natigilan siya. Ngumiti na lang ako.

"Para kang..."

"...ako."

Once Upon a Time in South KoreaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon