Bangtanized

16 0 0
                                    

*
3RD PERSON'S POV

Naiwan sa private room na yun sina Ellie, Annah, Xhelle at Julie kasama ang ibang Bangtan boys na sina Rapmon, Jin, Jimin, JHope at Jungkook. Ang VRace naman ay lumipat sa isa pang private room na naka-reserve na para sa kanilang dalawa. At dahil instant ang date ng SuZie (Suga at Lizzie), huli nang magpa-reserve pa sila ng private room kaya dun na lang sila pumuwesto sa tables na ino-occupy ng ordinary customers. Dun sila sa pinaka-corner kung saan tago sila at wala masyadong makakapansin sa kanila. Lizzie didn't mind.

"Uh, sorry kung dito lang kita madadala, Lizzie. Hindi ko naman inaasahang isa ka sa mga babeng sinasabi ni Hyeonsu na imi-meet namin," nahihiyang sabi ni gilagid pagkaupo nila.

Ngumiti lang si Lizzie na hanggang ngayon ay hirap pa ring tumitig nang diretso kay Sugabels. Si Suga naman itong titig na titig kay Lizzie at ang laki pa ng ngiti. Actually, Handel and Gretel was the place she wanted her first date to happen. ELF po si Lizzie. And to think na bias pa niya ang first date niya, eh, sapat na yun para mag-squeal siya. Pero hindi niya yun gagawin ngayon. Not in front of Suga.

They were casually talking about their past conversations (texts, calls, chats and video calls included) nang makarinig sila ng ingay sa may bandang entrance. Hindi na lang nila yun pinansin at nag-focus na lang sa pag-uusap habang inaantay ang in-order nila.

"L-Lizzie..."

*
JRACE'S POV

"So more than three years na kayong trainee ng SMEnt.?" tanong ni V sa akin habang nilalantakan ang cake na in-order niya. Take note, buo pa yung cake na yun at konti na lang ay mapapangalahati na niya yun ngayon.

Tumango ako at nag-sip sa fruit tea ko. "Yup. Pero nitong month lang kami pumunta ng South Korea. Sa Philippines talaga kami nag-train."

Muntik na akong masamid nang nakita kong nag-pout siya. Fotek! Was so kyeopta, Bwi?!

"Bakit sa SM pa? Dapat sa Big Hit na lang!"

Ang awkward mag-aegyo kapag malalim ang boses mo pero bakit kay V, bagay na bagay? Bakeeeeeet?!

Nahihiya ako sa sarili ko sa pagpa-fangirl na ginagawa ko ngayon. Seryoso kasi ako madalas at may pagka-mature pero nag-360° turn yung buong pagkatao ko dahil sa alien na 'to!

"M-may sinalihan kasi kaming contest na under pala ng SMEnt. kaya yun, instant trainees kami nung nanalo kami," proud kong kwento sa kanya sa kabila ng pagsa-stammer ko.

Napalunok ako nung ilapit niya sa bibig ko yung tinidor na may nakatusok na cake. Wide-eyed ko siyang tiningnan.

"Sige na. Fruit tea lang in-order mo. Hindi ka mabubusog dyan. Maghati tayo sa cake. Aaaaahh~"

Mas inilapit pa niya ang tinidor sa akin at wala na akong ibang choice kundi ang isubo yun. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at saka ngumuya. Shocks! Indirect kiseu?! Ang init na ng pisngi kooooo~

"Yan!" Uminom naman ngayon si V sa shake na order niya at saka ako binalingan. "Sabi ni Hyeonsu-hyung, sobrang sikat ninyo raw! Artist ba kayo sa Firibins?" parang batang tanong niya.

Napatawa naman ako sa pagkakabigkas niya ng bansa namin. "Philippines yun, V. At kung si Hyeonsu ang may sabi, wag ka masyadong magpaniwala. Ordinaryong tao lang kami."

"Eh? May ipinakita sa aking video last time si hyung. Yung cov---"

Napa-facepalm ako at hindi na pinatapos pa ang sinasabi ni V. "Si Hyeonsu talaga! Yun nga yung surprise, eh!"

"Surprise? Mahilig ako sa surprises! Anong surprise yun, Jrace?"

Tinakpan ko ang bibig ko at napatungo. Pinagsisihan ko ang sinabi kong yun. Sobrang nagniningning yung mga mata ni V, eh. Interesadong-interesado.

Nag-sigh ako at tumingin sa kanya. Nagpa-puppy eyes na siya ngayon. How can I resist that?!

"Okay. Ganito kasi..."

Once Upon a Time in South KoreaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon