Ninth Stop

2 0 0
                                    

Mari's POV

Hindi ko alam kung bakit ako ganito. Gusto ko ba siya? Bakit ako nagseselos? Hindi ko talaga alam. Simula nung dumating si Shaun nagulo na lahat. Alam ko naman na matagal ng may gusto si Shaun sakanya pero hindi ko naman alam na darating yung panahon na magkakalakas siya ng loob sabihin yon. Nung una inaantay ko lang siyang umamin ayoko kasing makielam sakanila ni Kaye. Sabe nga nila "ang mga bagay na nadadaan sa pagmamadali ay nawawala din ng mabilis" pero hai nakakainis bakit ba ko nagkakaganito! argh!

"Oi bro,problema mo?" natatawang bati sakin ni Dan. Isa sa mga kahati ko sa room na naassign sakin

"wala wala" iritado kong sabe

"alam mo bro may nababalitaan ako dyan sa kai-bigan mo"natatawa na naman niyang sabe

"ano?!"kai-bigan?!

"kaibigan pre! ano bang rinig mo ha? ha? ha?"tukso niya

"wala!"sabay talikod ko sakanya at higa. May isang oras pa naman bago kami bumalik sa conference room.

"alam mo may kakilala kong kaibigan naku po! napakatorpe,maagawan na nakatanghod pa pinakamasakit pa don nakahiga pa tss"

"batugan pala yang kaibigan mo"

"hindi lang batugan ayaw pang tanggapin na may nararamdaman na siya dun sa kaibigang babae. Babagal bagal pa. Pagnakuha yon ng iba ewan ko na lang sakanya"


"malay mo hindi naman kasi mahal ng kaibigan mo"sabe ko. Mahal ko pero alam mo yun argh! hindi ko kasi alam kung pagmamahal na ba to. Alam ko mahal ko siya bilang kaibigan noon..hindi ko talaga alam kung ngayon yun parin ang tingin ko sakanya


"Isipin na lang sana nung kaibigan ko na yun kung handa ba siyang mawala yung taong yon sakanya. Kung kaya ba niyang may ibang nagpapasaya dun sa babaeng tingin niya hanggang kaibigan lang ang pagmamahal niya. Kaya ba niyang lumayo pagdumating yung panahong wala na siyang karapatan"hindi! syempre hindi,hindi ko kayang mawala siya sakin! hindi. Kailangan ko siyang puntahan! Tumayo ako ng higaan. Pumunta ko sa may drawer ko at kinuha ko ung regalong balak ko sana sakanya ibigay.

Lumabas ako ng dorm ng nagmamadali nang may mahagip ang mga mata ko sa mau botanical garden andon si Kaye.Magkasama sila,oo tama kayo sila.

"Oh bakit naman malungkot ang MK ko?"MK? sabay tingin ko sa maliit na box na hawak ko

"MK?"nagtatakang tanong ni Kaye

"Wala. Basta tawag ko na sayo yun. Pero bakit ka nga ba malungkot ha?di bagay"

"Hoi! Wag mo nga kong asarin. Di bagay sayo pagiging cheesy Shaun hahahaha!"

"Ok lang maging cheesy ako basta sayo"

"kaya ikaw MK ko wag ka ng malungkot dyan. Andito naman ako para sayo. Kaya ngiti na baka maturn off na ko sayo nyan. Hahahaha!"

"Thank you Shaun. Napagaan ang loob ko"pagkasabi niya non niyakap niya ng mahigpit si Kaye. Nanlulumo akong bumalik sa dorm. Hindi ko kaya,hindi ko na alam.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 25, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When the bus stopsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon